Sunday , May 28 2023
Philippine Ports Authority PPA

Port fees ‘wag ipasa sa consumers

NAGPAALALA si Senadora Grace Poe sa pamamagitan ng paghimok sa pamahalaan na hindi dapat pasanin ng consumers ang mga bayarin at iba pang charges na ipinapatong sa shipping lines sa paggamit ng mga pantalan.

Ang paghimok ni Poe ay kasunod ng pagdinig ng Senate committee on public services na kanyang pinamumunuan kaugnay ng Senate Resolution No. 484 ukol sa iba’t ibang administrative orders na ipinalabas para taasan ang bayarin sa port fees.

Sa pagsusuri, sinabi ng senadora, “Solusyon nga ba ang mga polisiyang ito o dagdag problema lamang? Does replacing container deposits with insurance and monitoring fees protect users? If so, why are the users complaining? In creating reforms to our maritime trade, panahon na para magkaroon ng regulations sa excessive charges kasabay ng pagsuporta sa paglago ng shipping industry. Were there sufficient studies and stakeholder consultations to support these policies?”

Inilinaw ni Poe, kasama siya sa mga nagnanais na maging maayos sa pamamagitan ng modernisasyon ng sistema, “pero ayaw nating ipasa lahat sa port users at kalaunan ay sa mga ordinaryong konsumer ang mga bagong port fees.”

         “High shipping rates also worsen inflation. Lahat tayo ay maapektohan ng pagtaas ng mga produkto sa merkado,” dagdag ni Poe.

Binusisi ng komite ni Poe ang Philippine Ports Authority (PPA) ukol sa mga inilabas na administrative orders kaugnay sa introduksiyon ng Centralized Ticketing System, Prescribed Waste Reception Fees sa lahat ng PPA Ports, Mandatory Tree/Mangrove Planting, at Port Terminal Management Regulatory Framework.

Iginiit ni Poe, dapat pakinggan ng pamahalaan ang mga reklamo ng shipping industry associations at iba pang samahan na ang naturang administrative orders  ay magdudulot lamang ng pagtaas sa port charges na sa huli ay mauuwi sa dagdag na logistics costs.

Ikinatuwa ni Poe ang naging pahayag ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista, na sa kasalukuyan ay suspendido ang pagpapatupad ng digitization program ng PPA sa pamamagitan ng Trusted Operator Program- Container Registry and Monitoring System (TOP-CRMS).

Ang naturang programa ay isang sistema na gumagamit ng electronic tagging at tracking system kaya ang galaw ng mga container at port users ay naka-enrol dito.

Nanindigan si Poe, dapat tiyakin ng pamahalaan na ang logistic costs ay hindi makaapekto sa shipping industry gayondin sa consumers.  (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Mr DIY Kramers

MR.DIY introduces Team Kramer as new brand ambassadors

Doug, Cheska, Kendra, Scarlett and Gavin are the new faces of MR.DIY in its ‘Family …

Nelson Santos PAPI RTC

Pagpili ng ‘PAPI’s Outstanding Court Sheriff inilunsad na

BINUKSAN na ng Publishers Association of the Philippines, Inc. (PAPI) ang pagpili sa natatanging sheriff …

Bonsai exhibit SM Mall of Asia MOA

The grandest Bonsai exhibit at the SM Mall of Asia

Get ready for the grandest bonsai exhibition in Asia, presented by SM Mall of Asia …

DOST 10 PAPI DOST Flores Lantapan, Bukidnon Pineapple Fiber

DOST, Congressman Flores ink partnership to launch project on Pineapple Fiber Extraction in Lantapan

The Department of Science and Technology (DOST) and Representative Jonathan Keith Flores of the 2nd …

DOST 10 Subanen S&T Digital library

628 Subanen learners benefit from DOST’s S&T Digital library

Six hundred twenty-eight Subanen learners from Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA) in Conception, Misamis …