Monday , April 15 2024
ronald bato dela rosa pnp

Smuggling ng mamahalin, de-kalibreng baril ikinabahala

NAGKAKAROON ba ng firearms smuggling sa bansa?

Ito ang tanong Senador Ronaldo “Bato” Dela Rosa kasunod ng pagpapahayag ng kanilang pagkabahala nina Senador JV Ejercito sa pagkakaroon ng matataas na kalibre ng mga baril at granada ng mga dayuhan sa bansa gamit sa kidnapping

Ito ang natuklasan sa pagdinig ng senado kaugnay sa naging privilege speech ni Senadora Grace Poe.

Inihayag ni Pasay City police chief Col. Byron Tabernilla, agaran silang nagsagawa ng mga operasyon upang mahuli ang mga salarin.

Iniharap ni Tabernilla sa pagdinig ang mga larawan ng kanilang nadakip na sina Chinese nationals Yun Gao,  Jia He Zhang,  at Lie Wang gayondin ang mga larawan ng mga armas o kalibre ng baril at isang granada na kanilang nakompiska.

Ikinagulat ni Dela Rosa na sobrang mamahalin ang mga armas na nakompiska kung kaya’t hindi ito mabibili ng ordinaryong mamamayan maliban kung sindikato o pinalusot o hindi pinadaan sa tamang proseso.

Lalo pang tumindi ang reaksiyon ni Dela Rosa nang aminin ni Tabernilla na pawang walang lisensiya ang mga naturang armas.

“Hindi ito ordinaryong organized crime e. Basing on the firearms, isipin mo Kimber, ‘yan ang pinakamahal na handgun na nabili ko. Meron akong ganyan. Napakamahal niyang Kimber. Tapos ‘yung isa CZ 75 pang shooting ‘yan na armas,” ani Dela Rosa  na dating hepe ng Philippine National Police (PNP).

Ikinagulat ni dela Rosa ang kawalan ng records sa PNP Firearms and Explosives Office ng mga naturang armas.

“Paano sila nakabili ng ganito kagandang baril nang walang record sa FEO? Ano? Nai-smuggle na ‘yan papasok ng Filipinas?” dagdag ni Dela Rosa.

Itinuturing ng senador na dating pulis na lubhang mapanganib para sa seguridad ng bansa ang pagkakaroon ng armas ng isang dayuhan.

Dahil dito, tiniyak ni PNP Director for Investigation and Detective Management (DIDM) chief, P/MGen. Eliseo Cruz sa senado ang paghiling niya sa Pasay police ng pagsasagawa ng  macro etching procedure sa mga nakuhang armas upang malaman kung ang mga serial numbers ay tampered.

Kaugnay nito, hindi naitago ni Ejercito ang pangamba na ginagawang dahilan ng Chinese syndicates ang pag-uugnay sa POGO upang makapagsagawa ng kidnapping sa bansa.

“We have to know e. Kasi kung hindi lang isang beses ‘to, there’s really something wrong, Mr. Chairman. Medyo nakaaalarma ‘yan kasi ang tingin natin d’yan baka itong mga sindikato, in using the POGO avenue, mukhang iba na ang modus nito at iba talaga ang operasyon – kidnapping at iba pang crime-related [incidents],” dagdag ni Ejercito.

Inamin ni Cruz na nakapagtala ang PNP ng 892 suspects na mayroong kaugnayan sa kaso ng  POGO mula noong 2017 hanggang Enero 2023.

Mula sa kabuuang 892 suspects, 782 ay pawang Chinese nationals, isang Vietnamese, 80 Filipino, limang Malaysians, isang Koreano,  dalawang Thai nationals,  dalawang Indonesians, habang 19 ang inaalam pa ang pagkakakilanlan.  (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Rochelle Pangilinan

Rochelle inamin nakaramdam ng insecurity nang palitan sila ng EB Babes

MA at PAni Rommel Placente SA interview ni Rochelle Pangilinan sa Toni Talks ni Toni Gonzaga, inamin niyang nasaktan sila …

Isko Moreno

Yorme Isko tiniyak ‘di na tatakbo sa halalan 2025

I-FLEXni Jun Nardo SARADO na ngang talaga ang pinto ng politika kay Isko Moreno Domagoso kahit nasa …

COPA Swim Series Leg 3 RMSC Eric Buhain

COPA Swim Series Leg 3 sa RMSC

TULOY ang pagtuklas sa mga bagong talento sa isasagawang National Capital Region (NCR) One For …

Marilag Festival Sta Maria Laguna

Mula 11-14 Abril 2024
IKA-11 MARILAG FESTIVAL SA STA. MARIA, LAGUNA   INAASAHANG DARAYUHIN

TAMPOK ang iba’t ibang produktong agrikultural at iba pang by-products, sa pagdiriwang ng mga taga-Sta. …

Bulacan Police PNP

P240k ilegal na droga kompiskado; 11 pasaway arestado

INILUNSAD ng pulisya sa Bulacan ang pinaigting na operasyon na nagresulta sa pagkakompiska ng ilegal …