Tuesday , April 23 2024
McCoy de Leon

McCoy de Leon binura lahat post sa Instagram

MA at PA
ni Rommel Placente

MUKHA yatang magkakabalikan sina McCoy de Leon at Elisse Joson, huh.

Binura na kasi ni McCoy ang lahat ng kanyang posts sa kanyang Instagram account. Pero nagtira lamang siya ng isang black-and-white photo nila ni Elisse kasama ang kanilang anak na si Felize. Post ito ni McCoy noong  nakaraang taon pa.

Bukod pa rito, madalas sila ngayong nakikita na magkasama.

Una silang namataang namamasyal noong January 18 kasama ang anak na si Felize sa isang theme park sa Tagaytay.

Nitong January 20, nakita naman sila na magkasamang kukamain sa isang restaurant.

So, kung ganyang nagkakasama ulit sila, mukhang nagkabalikan ang dalawa, or  inaayos pa lang nila ang kanilang naging hiwalayan?

Sana nga ay magkaayos na ulit ang dalawa at magkabalikan.  At sana ay gumawa na rin ng paraan si McCoy na i-reach out ang mommy ni Elisse, na hanggang ngayon ay balitang hindi boto sa kanya para sa anak.

About Rommel Placente

Check Also

Shiena Yu Reina Castillo Yuki Sakamoto

Shiena, Reina, Yuki palaban walang pinipiling lugar kapag ‘nag-init’

COOL JOE!ni Joe Barrameda NALOKA ako sa cast ng Wanted Girlfriend ng Viva. Ito ay sina Shiena Yu, Reina …

Ruru Madrid

Ruru Madrid tuloy-tuloy ang dating ng blessings

COOL JOE!ni Joe Barrameda ISANG payat na binatilyo si Ruru Madrid nang pasukin ang mundo ng showbiz …

Game On The Podcast

Sports chikahan hatid ng Game On! Podcast

GOOD news para sa sports enthusiasts dahil pwede nang mag-tune in sa pinakaunang sports podcast …

Elle Villanueva Derrick Monasterio Kristoffer Martin

Anak ni Elle Villanueva sino ang ama?

RATED Rni Rommel Gonzales #TeamAlex o #TeamSeb ba kayo? Kasing init ng summer ang palitan …

Ruru Madrid Black Rider

Action series ni Ruru pang-international na

RATED Rni Rommel Gonzales PATULOY ang shower ng blessing sa Black Rider lead star na si Ruru Madrid. …