BILYONG pisong halaga ng mga pekeng sigarilyo at tax stamps ang nasabat ng mga tauhan ng CIDG Region 3 at Philippine Drug Enforcement Agency sa isang warehouse sa Bulacan, kamakalawa. Bitbit ang search warrant, pinasok ng mga awtoridad ang warehouse sa RIS Complex sa Guiguinto, sa naturang lalawigan. Dito tumambad ang pagawaan ng sigarilyo na kompleto sa makina, daan-daang kahon …
Read More »Bebot may sakit sa puso ginahasa, waiter arestado
ARESTADO ang isang waiter makaraan gahasain ang isang 19-anyos babaeng may sakit sa puso sa silid ng biktima sa Sta. Maria, Bulacan, kamakalawa. Batay sa reklamo ng biktima, natutulog siya nang pasukin sa kanyang silid ng suspek na si Winifredo Napal, 20-anyos. Ayon sa imbestigasyon ng Sta. Maria police, sinasabing kukunin ng suspek ang cellphone na hiniram ng biktima ngunit …
Read More »4 bagets tiklo sa CCTV (Sa nakawan ng motorsiklo)
ARESTADO ang apat menor de-edad na itinuturong sangkot sa pagnanakaw ng mga motorsiklo sa Pandi, Bulacan, kamakalawa ng gabi. Sa ulat ni Chief Inspector Manuel de Vera, hepe ng Pandi Police, inaresto ang 15-anyos binatilyo, sinasabing pasimuno sa pagnanakaw ng mga motorsiklo sa naturang bayan. Sa ulat, sinabing namukhaan ng isang concerned citizen sa CCTV footage ang pagtangay ng mga …
Read More »Water tank explosion victims umapela ng ayuda
UMAPELA ng tulong mula sa local water district ang mga residente ng San Jose del Monte sa Bulacan, na apektado ng sumabog na water tank sa lugar. Ilang residente ang nagpahayag na wala pa silang natatanggap na kahit na anong tulong mula sa mga opisyal ng San Jose del Monte Water Distrcit makaraan ang pagsabog ng water tank sa Brgy. …
Read More »Water tank sumabog 2 sanggol, 2 pa patay (Sa San Jose del Monte, Bulacan)
A post shared by HATAW! – Diyaryo ng Bayan (@hatawtabloid) on Oct 7, 2017 at 1:45am PDT APAT ang patay kabilang ang dalawang sanggol, 44 ang sugatan nang sumabog ang isang 2,000-cubic meter water tank sa Brgy. Muzon, San Jose Del Monte City, Bulacan, kahapon ng madaling-araw. Ayon kay San Jose Del Monte Police chief, Supt. Fitz Macariola, nawasak ang …
Read More »Dalagita tinangkang gahasain sa Kadamay
BUGBOG-SARADO ng mga kapitbahay ang isang lalaki makaraan pagtangkaang halayin ang isang dalagita sa opisina ng grupong Ka-damay sa inookupahan nilang pabahay sa Pandi, Bulacan, nitong Miyerkoles. Sa ulat mula sa Pandi police, kinilala ang suspek na si Albert Barcenas, kapitbahay ng 16-anyos biktima. Ayon sa ulat, nalasing ang dalagita makaraan makipag-inoman sa mga kaibigan sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan. …
Read More »Bebot ginahasa, niligis sa kiskisan ng palay sa Bocaue (May diperensiya sa pag-iisip)
HINIHINALANG ginahasa bago pinatay ang isang babaeng may diperensiya sa pag-iisip, makaraan matagpuang walang buhay sa Bocaue, Bulacan, nitong Linggo. Sa ulat mula sa Bocaue police, sa isang abandonadong kiskisan ng palay natagpuan ang bangkay ng biktimang kinilala lamang sa pangalang Kim. Tadtad ng pasa at sugat ang katawan ng biktima, tanda nang sobrang pagpapahirap ng hindi kilalang suspek. Ayon …
Read More »100s sparrows patay sa Malolos
A post shared by HATAW! – Diyaryo ng Bayan (@hatawtabloid) on Sep 25, 2017 at 9:41am PDT INAALAM ng mga awtoridad ang dahilan ng pagkamatay ng daan-daang ibong Maya sa isang lugar sa Malolos, Bulacan. Sa ulat, sobrang nabahala ang mga residente dahil sa dami ng namatay na maya sa kanilang lugar. Isa sa kanilang hinala, baka nagkaroon ng Avian …
Read More »P2.5-M shabu kompiskado sa magdyowa, 6 pa arestado
ARESTADO ang mag-live-in partner at anim iba pa sa isinagawang anti-drug operations ng pulisya sa dalawang bayan, sa lalawigan ng Bulacan, kamakalawa. Unang inaresto ng Sta. Maria PNP sa pamumuno ni Supt. Raniel Valones, ang mag-live-in partner na sina Christopher Dave Colango at Janell Roldan, kapwa residente sa Brgy. San Vicente, Sta. Maria, Bulacan. Nakompiska sa kanila ang tinatayang P2.5 …
Read More »Killer-rapist sa Aurora arestado sa Bulacan (Sangkot sa droga at holdap)
ARESTADO sa mga operatiba ng PNP-Highway Patrol Group-Region 3, ang isang lalaking matagal nang tinutugis dahil sa mga kasong may kinalaman sa droga at robbery-holdup, sa lalawigan ng Bulacan. Kinilala ang suspek na si Christian Ramos Quintal, nasakote sa Sitio Camboyogan, Brgy. Kalawakan, San Miguel, Bulacan, dahil sa pagkakasangkot sa droga at robbery-holdup. Ayon kay Supt. Ruel Moreno, deputy chief …
Read More »Ambulansiya ginamit sa pagtutulak ng shabu (Sa Norzagaray, Bulacan)
NASAKOTE ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga at kanyang kasabwat sa isinagawang anti-drug operation ng pulisya sa Brgy. Pulong Sampalok, Doña Remedios Trinidad (DRT), Bulacan, kamakalawa. Ayon kay S/Inspector Roldan Manulit, hepe ng Station Drug Enforcement Team (SDET) ng DRT police, kinilala ang isang suspek sa alyas na Ron, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng kanyang kasabwat. Sa …
Read More »Miyembro ng Kadamay, timbog sa buy-bust
INARESTO ang isang miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), nang maaktohan habang tumitira ng shabu, kasama ang dalawang iba pa, sa Pandi, Bulacan, kamakalawa. Kinilala ang suspek na si Michael Morillo, 35, habang nakatakas ang dalawa niyang kasama na sina Rico Germar at Reynaldo Mauricio. Sa ulat mula kay Chief Insp. Mike Bernardo, deputy chief of police ng Pandi, …
Read More »‘Magnanakaw’ at landgrabber pinalagan ng Kadamay
PINALAGAN ng grupong Kadamay ang bansag na sila ay mga magnanakaw at landgrabber. Ayon sa mga miyembro ng Kadamay, narinig nila ang pasaring na ito mula sa ilang residente sa pabahay sa Pandi Heights sa Pandi, Bulacan, nang magtungo ang mga mambabatas roon kamakalawa. Anila, nilait sila ng mga residente nang mabatid na kasapi sila ng Kadamay. Giit ng grupo, …
Read More »2 tulak utas sa shootout
PATAY ang dalawang hinihinalang drug pusher makaraan lumaban sa buy-bust operation ng pulisya sa Brgy. Mabolo sa Malolos City, Bulacan, kahapon ng medaling-araw. Ayon sa ulat mula kay Supt. Heryl Bruno, hepe ng Malolos City Police, pinaputukan sila ng dalawang suspek na kinilalang sina alyas Enteng at alyas Noli, kaya napilitan silang gumanti ng putok. Makaraan ang ilang minutong palitan …
Read More »Bala ‘iniregalo’ sa bulacan beauty queen ng 2 armado (Kasabay ng bulaklak at chocolate)
PATAY ang isang dating beauty queen, makaraan barilin sa ulo ng dalawang hindi nakilalang lalaking nag-deliver ng bouquet ng bulaklak at chocolate sa kanilang bahay sa Plaridel, Bulacan, kamakalawa. Kinilala ni Plaridel Police chief, Supt. Julio Lizardo, ang biktimang si Mary Christine Balagtas, 23, Lakambini ng Bulacan noong 2009. Ayon sa ulat, makaraan tanggapin ng biktima ang mga bulaklak at …
Read More »4,000 bahay sa Bulacan target ng Kadamay
BUKOD sa mga bahay sa Pandi, nais din ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) na okupahan ang 4,000 hindi pa tinitirhang resettlement houses sa iba’t ibang pa-nig ng Bulacan. Ayon kay Gloria Arellano, chairperson ng grupo, kanilang hinihiling kay Pangulong Rodrigo Duterte, na kung maaari ay payagan silang tirahan ang housing projects na hindi pa rin napakiki-nabangan sa naturang …
Read More »NLEx kasado na sa pagdagsa ng motorista sa Holy Week
NAKAHANDA na ang operators ng North Luzon Expressway (NLEx) sa inaasahang exodus ng mga taong tutungo sa mga probinsiya para gunitain ang Semana Santa. Ayon sa NLEx, magde-deploy sila ng 800 tellers, 500 patrol personnel, at 68 sasakyan mula sa 7-17 Abril. Inaaasahang papalo sa 300,000 ang bilang ng mga sasakyang daraan sa NLEx bawat araw sa Holy Week. Habang …
Read More »Kadamay sa Pabahay palalayasin
PALALAYASIN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang grupong Kadamay, na umokupa sa mga pabahay ng gobyerno sa Pandi, Bulacan. Ayon sa pangulo, maglalabas siya ng eviction order para paalisin ang mga miyembro ng grupo, na wala namang hawak na kaukulang dokumento para sa nasa-bing pabahay. Aniya, hindi niya palalagpasin ang marahas na pag-ukopa ng grupong Kadamay, na lumikha ng kaguluhan sa …
Read More »7-araw ultimatum sa Kadamay members (Pabahay ipinalilisan)
BINIGYAN ng pitong araw ng National Housing Authority (NHA), ang mga pamilya ng informal settlers na biglang lumusob at umo-kupa sa mga bakanteng pabahay ng gobyerno sa Bulacan, para lisanin ang mga bahay. Ayon sa NHA, nakalaan ang nasabing mga bahay sa iba pang mahihirap na pamil-yang tinutulungan din ng gobyerno. Inihayag ni NHA Central Luzon mana-ger Rommel Alimboyao, sinabi …
Read More »Kadamay members na lumusob sa NHA housing pupulungin
NAKATAKDANG makipagpulong ang mga opisyal ng National Housing Authority (NHA), at lokal na pamahalaan ng Bulacan, sa mga pamilyang ilegal na umokopa sa ilang pabahay sa bayan ng Pandi, at San Jose Del Monte. Daan-daang pamilya na miyembro ng grupong Kadamay, ang pumasok at naglagay ng barikada sa mga relocation site sa Padre Pio at Villa Elise nitong Miyerkoles, upang …
Read More »9 patay sa Oplan Double Barrel Reloaded sa Bulacan
SA pagbabalik ng operasyon ng pulisya kontra sa ilegal na droga, siyam katao ang napatay sa magkakahiwalay na lugar sa Bulacan. Ayon sa ulat, napatay ang mga suspek dahil lumaban sila sa mga awtoridad, una rito si Norlito Zena, construction worker, residente sa Brgy. Panasahan, Malolos. Nabatid na isisilbi sana ng mga awtoridad ang search warrant kay Zena, ngunit nag-amok …
Read More »Railway system malapit nang umarangkada (Mag-uugnay sa Bulacan at Tutuban)
INILATAG na ng Japan International Coordinating Agency (JICA), ang detalye kaugnay sa 38-kilometer railway project, na mag-uugnay sa Malolos, Bulacan at Tutuban. Ang nasabing proyekto ay popondohan ng JICA, sa pamamagitan ng loan ng pamahalaan na aabot sa $1.99 bilyon, nauna nang pinagtibay noon pang 2015. Base sa North-South Commuter Railway (NSCR) project, magkakaroon ng 13 units na may tig-walong …
Read More »Dumagat sa Bulacan natuwa sa DENR (Sa ipinasarang minahan)
TUMIGIL na sa operasyon ang isang malaking minahan sa Bulacan, kasunod ng utos mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa pagpapasara ng mga minahan sa bansa. Ayon sa ulat, nagsimula nang hakutin ng Ore Asia Development and Mining Corporation, ang kanilang heavy equipments o sa Brgy. Camachin, Doña Remedios Trinidad (DRT), sa naturang lalawigan mula noong …
Read More »Tindera utas sa boga, suspek dedbol sa bundol
PATAY ang isang tindera makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem, ngunit namatay rin ang isa sa mga suspek, nang habulin ng live-in partner ng biktima at binundol, sa Marilao, Bulacan, kamakalawa ng umaga. Ayon sa pulisya, nagbubukas pa lamang ng tiangge si Ma. Luz Guirao, nang lapitan ng isang armadong lalaki, at pinagbabaril sa Ruby St., Villa Consuelo Subdivision, Brgy. Abangan Sur, …
Read More »Puganteng Briton arestado sa Bulacan
KALABOSO ang isang puganteng British national makaraan maaresto ng mga awtoridad sa lalawigan ng Bulacan, kaugnay sa kinasasangkutang kaso. Kinilala ng pulisya ang nadakip na si David Alan Sale, 69, pansamantalang naninirahan sa Brgy. Silangan, Sta. Maria, ng nabanggit na lalawigan. Ayon kay Supt. Raniel Valones, hepe ng Sta. Maria Police, si Sale ay tinutugis sa mga kasong grave coercion …
Read More »