ISA-ISANG bumagsak sa kamay ng batas ang limang drug traffickers at limang pugante sa operasyong inilatag ng mga awtoridad sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Martes, 20 Disyembre. Ayon kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, arestado ang limang personalidad na sinabing sangkot sa illegal na droga, sa buy-bust operations na isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) …
Read More »Sa Bulacan
Limang drug traffickers at limang pugante, kinalawit
Isa-isang bumagsak sa kamay ng batas ang limang drug traffickers at limang pugante sa operasyong inilatag ng Bulacan PNP sa lalawigan hanggang kahapon, Disyembre 20. Ayon kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PNP, ang limang personalidad sa droga ay arestado sa buy-bust operations na ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng mga himpilan ng pulisya ng …
Read More »
Sa Angeles City…
MAG-LIVE-IN PARTNER ARESTADO SA PAGPATAY SA 18-ANYOS NA ESTUDYANTE
Naaresto ng mga awtoridad ang mga pangunahing suspek sa pagpatay sa isang estudyante sa Angeles City sa Pampanga sa isinagawang follow-up operation isang araw matapos ang krimen nitong Disyembre 17. Napag-alamang ang wala ng buhay na katawan ni Juana Mae Maslang y Reymundo, 18-anyos, estudyante, na residente ng Jesus St, Purok 4, Brgy. Pulungbulu, Angeles City, ay natagpuan ng kanyang …
Read More »Mayor Jocel Vistan-Casaje, Ayala Land Estate Crossroads
NAGING panauhing pandangal si Mayor Jocel Vistan-Casaje sa ground breaking ceremony ng Crossroads na proyekto ng Ayala Land Estate Nitong Nakaraang Dec 15 sa Plaridel, Bulacan. (MICKA BAUTISTA)
Read More »Lolo na miyembro ng NPA sumuko
SA hangaring makapiling ang pamilya sa Araw ng Pasko at dahil na rin sa katandaan, isang dating miyembro ng New People’s Army (NPA) ang boluntaryong sumuko sa mga awtoridad sa Bulacan kamakalawa. Kinilala ni PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office (BUL PPO), ang sumuko na si alyas Ka Dan, 63-anyos na nagpakilalang siya ay dating …
Read More »Baliwag sa Bulacan, isa nang lungsod
Isa na ngayong lungsod ang Baliwag sa Bulacan-ikaapat sa lalawigan matapos ang Malolos, Meycauayan at San Jose del Monte. Ito ang ipinahayag ng Commission on Elections (Comelec) nitong Sabado, na sinabing mayorya ng mga botante sa isinagawang plebisto ay niretipikahan o pinagtibay na ang munisipalidad ay maging ganap na lungsod. Ang kabuuang bilang ng bumoto ay nasa 21.70% o 23, …
Read More »2 wanted arestado sa Bulacan
MAGKASUNOD na nadakip ng mga awtoridad sa lalawigan ng Bulacan ang dalawang lalaking matagal nang pinaghahanap ng batas kaugnay sa mga kasong nakasampa laban sa kanila. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, naaresto ng mga operatiba ng Bulacan PPO ang suspek na kinilalang si Ronald Maranan, nakatala bilang regional most wanted person sa …
Read More »MWP, 8 iba pa naihoyo sa Bulacan
SA patuloy na kampanya ng kapulisan laban sa kriminalidad, nadakip ang siyam na indibidwal kabilang ang ang isang nakatalang most wanted sa lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 12 Disyembre. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, nadakip ang tatlong suspek na sangkot sa ilegal na droga magkakahiwalay na anti-illegal drug operation na ikinasa ng …
Read More »
Mag-ama tinodas
3 LASING NA SUSPEK TIKLO, 1 PA TINUTUGIS
SUNOD-SUNOD na nadakip ang tatlong lasing na magkakaibigan na pinaniniwalaang responsable sa pagpatay sa isang lalaki at kanyang anak, habang pinaghahanap ang isa pa nilang kasama sa isinagawang follow-up operation ng mga awtoridad sa bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo ng gabi, 11 Disyembre. Sa ulat na ipinadala ni P/Lt. Col. Christian Alucod, hepe ng Sta. Maria …
Read More »
Sa Bulacan
HOLDAPER, RAPIST, TULAK TIMBOG
MAGKAKASUNOD na nasakote sa isinagawang anti-criminality operations ng mga awtoridad ang isang holdaper, isang rapist, at isang hinihinalang tulak sa lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 10 Disyembre. Ayon kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, sa mabilis na pagresponde ng mga tauhan ng San Jose del Monte CPS ay naaresto ang suspek na kinilalang si Zoren Ocasla sa …
Read More »Rank No. 1 MWP ng Southern Leyte tiklo sa Bulacan
INARESTO ang isang lalaking nakatala bilang Rank no. 1 most wanted person (MWP) ng Southern Leyte ng mga tauhan ng CIDG RFU 3 sa pamumuno ni P/Col. Joshua Alejandro nitong Martes, 6 Disyembre, sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan. Kinilala ni CIDG Director P/BGen. Ronald Lee ang suspek na si Alberto Siega, 35 anyos, tubong Taglatawan, Agusan Del Sur …
Read More »Bulacan Fireworks capital sa Bocaue ininspeksiyon ng pulisya, Kapitolyo
DALAWANG linggo bago ang holiday season, ang Bulacan provincial government sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police (PNP) ay nagsagawa ng inspeksiyon sa “Fireworks Capital” sa Brgy. Turo, sa bayan ng Bocaue, lalawigan ng Bulacan, nitong Huwebes ng tanghali, 8 Disyembre. Magkakasamang nagtungo sina PNP Chief P/Gen. Rodolfo Azurin, Jr.; Regional Director of Police Regional Office (PRO3), PRO3 RD P/BGen. Cesar …
Read More »
Sa ika-22 Gawad Kalasag
“BEYOND COMPLIANT SEAL OF EXCELLENCE” IGINAWAD SA BULACAN
NILAMPASAN ng lalawigan ng Bulacan ang pamantayan para sa pagtatayo at pagresponde ng Local Disaster Risk Reduction and Management Councils and Offices (LDRRMCO) na nakabatay sa Philippine Disaster Risk Reduction Management Act of 2010 at tumanggap ng Seal of Excellence bilang Beyond Compliant sa ginanap na Ika-22 Gawad Kalasag National Awarding Ceremony sa Manila Hotel, sa lungsod ng Maynila, nitong …
Read More »
Sa San Rafael, Bulacan
1 PATAY, 1 SUGATAN SA RIDING-IN-TANDEM
DEAD ON-THE SPOT ang isang lalaking sakay ng motorsiklo habang sugatan ang kanyang angkas matapos tambangan ng dalawang armadong suspek na sakay din ng motorsiklo sa bayan ng San Rafael, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes ng umaga, 6 Disyembre. Sa ulat na ipinadala ni P/Lt. Col. Isagani Enriquez, acting chief of police ng San Rafael MPS, kay P/Col. Relly Arnedo, …
Read More »Labi ng pinaslang na pulis-Pampanga dinalaw at ginawaran ng pagpupugay
BINISITA at binigyang-pugay ni Philippine National Police (PNP) chief P/Gen. Rodolfo Azurin, Jr., ang pulis na napatay sa anti-drug operation sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga noong Sabado, 3 Disyembre. Inalalayan ni PRO3 Regional Director P/BGen. Cesar Pasiwen ang hepe ng pambansang pulisya sa paghahatid ng kanilang pakikiramay at pag-aabot ng tulong pinansiyal sa pamilya ni P/SMSgt. Sofronio Capitle, …
Read More »23 law breakers sa Bulacan inihoyo
ARESTADO ang 23 kataong pawang mga lumabag sa batas sa sunod-sunod na operasyong isinagawa ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan nitong Linggo, 4 Disyembre. Sa ulat mula kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, narekober ang halagang P170,000 hinihinalang shabu ng Provincial Intelligence Unit (PIU) katuwang ang San Jose del Monte CPS sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. …
Read More »
Bata isinasama sa pagnanakaw
MAG-ASAWA TINUTUGIS SA ‘MOTORNAPPING’
KASALUKUYANG pinaghahanap ng mga awtoridad ang isang babae at isang lalaki na may kasamang bata nang tangayin ang motorsiklo ng isang residente sa bayan ng Sta. Maria, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 4 Disyembre. Kinilala ang may-ari ng ninakaw na motorsiklong si Degie Gisalan, residente sa Sitio Pisang, Brgy. San Jose Patag, sa naturang bayan. Naganap ang pagnanakaw dakong …
Read More »10 tulak, 4 pugante nalambat sa Bulacan
MAGKAKASUNOD na naaresto ang 10 hinihinalang tulak at apat na pugante sa pagpapatuloy ng pinaigting na Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 3 Disyembre. Ayon kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PNP, dinakip ang 10 indibiduwal sa ikinasang anti-drug bust na ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng …
Read More »
Sa Mabalacat City, Pampanga
3 SUSPEK SA PAGPASLANG SA DALAWANG PULIS TIKLO
ILANG oras matapos mapatay ang dalawang pulis sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga nitong Sabado, 3 Disyembre, nasukol ang tatlo sa limang suspek sa isinagawang follow-up operation ng mga awtoridad. Ipinahayag ni PRO3 Regional Director P/BGen. Cesar Pasiwen kamakalawa ng tanghali ang pagkakadakip sa tatlong pangunahing suspek sa krimen na kinilalang sina Jun Jun Baluyut, 44 anyos, ng Xevera …
Read More »
Sa Bulacan
2 DRUG DEN SINALAKAY, 9 TULAK NAKALAWIT
NABUWAG ng pulisya ang dalawang drug den sa lalawigan ng Bulacan matapos salakayin at maaresto ang mga sinabing ‘operators’ sa isinagawang anti-illegal drugs operation nitong Martes ng gabi, 29 Nobyembre. Sa ulat kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, dakong 10:00 pm kamakalawa nang magkasa ng anti-illegal drugs operation ang mga tauhan ng San Jose del Monte CPS …
Read More »
Sa Guyong triangle
74-ANYOS LOLA SINORO NG DUMP TRUCK, PATAY
BINAWIAN ng buhay at halos nagkalasog-lasog ang katawan ng isang 74-anyos lola nang masoro ng isang dump truck sa sa bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes ng gabi, 29 Nobyembre. Sa nakalap na ulat, kinilala ang biktimang si Gloria San Jose, 74 anyos, nangangalakal at residente sa Sitio Marjanaz, Brgy.Guyong, sa nabanggit na bayan. Nabatid na dakong …
Read More »
Sa Bulacan
4 LTO ENFORCER HULI SA KOTONG SINIBAK SA PUWESTO
IPINAG-UTOS ni Land Transportation Office (LTO) Chief Jose Arturo “Jay Art” Tugade ang pagsibak sa puwesto sa apat na enforcers ng Field Enforcement Division (FED) sa lalawigan ng Bulacan dahil sa pangongotong. Ito ay matapos kumalat sa social media ang video ng mga enforcer na tangkang nangingikil ng P8,000 sa motorista na kanilang sinita sa LTO checkpoint sa bayan ng …
Read More »
Sugatan sa enkuwentro
2 PULIS BINISITA NINA RD PASIWEN, PD ARNEDO
MAGKASAMANG binisita nina P/BGen. Cesar Pasiwen, Regional Director ng PRO3 at P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, kasabay ng pag-aabot ng tulong sa dalawang sugatang pulis na kasalukuyang naka-confine sa Bulacan Medical Center sa lungsod ng Malolos. Pinapurihan ng PRO3 PNP at Bulacan PPO ang katapangan nina P/Cpl. Richard Neri at Pat. Aaron James Ibasco ng 3rd Maneuver …
Read More »Aresto nauwi sa enkuwentro, 2 suspek todas, 2 pulis sugatan,
TODAS ang dalawang miyembro ng isang criminal gang habang naaresto ang apat nilang galamay nang mauwi sa enkuwentro ang pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa isa sa kanila ng mga tauhan ng 3rd Maneuver Platoon, Bulacan 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa Brgy. Maligaya, sa bayan ng San Miguel, nitong Lunes ng madaling araw, 28 Nobyembre. Sa ulat …
Read More »
Halos isang buwan sa pagtatapos ng 2022
PRESYO NG PAPUTOK PATULOY NA TUMATAAS
MAHIGIT isang buwan bago salubungin ng mga Filipino ang taon 2023 sumirit pa ang presyo ng paputok at iba pang pyrotechnic devices na ibinebenta sa bayan ng Bocaue, sa lalawigan ng Bulacan. Ayon kay Lea Alapide, Presidente ng Philippines Pyrotechnics Manufacturers and Dealers Association Inc., kabilang sa mga dahilan ng pagtaas ng presyo ng paputok ang kakulangan ng kanilang stocks …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com