Tuesday , February 27 2024
Stab saksak dead

Dehado sa argumento naghuramentado 1 patay, 2 sugatan

NAGSIMULA sa kuwentohan, napunta sa diskusyon, uminit sa argumentong hindi napagkasunduan, hanggang naghuramentado ang lalaking dehado, na umutas ng isang buhay at sumugat sa dalawa pa,  sa lungsod ng San Jose del Monte, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 21 Enero.

Sa ulat mula kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang suspek na si Jay-R Dilobina, 26 anyos, residente sa Brgy. Bagong Silang, Caloocan City.

Sa imbestiagsyon nabatid, dakong 9:30 am kamakalawa nang maganap ang argumento ng suspek at ng biktimang si Miguel Martinez, 20 anyos, hanggang mauwi sa suntukan sa Harmony Hills 1, Brgy. Muzon, sa nabanggit na lungsod.

Nang maramdamang dehado sa suntukan, kumuha ng patalim si Dilobino at walang humpay na pinagsasaksak si Martinez na kanyang ikinahandusay dahil sa malalalang tama sa katawan.

Nakita ito ng mga kaanak ng biktimang sina Marc Luise Martinez, 22 anyos; at Marcelito Martinez, Jr., kaya akma nilang tutulungan ngunit  hinarang sila ni Dilobino at pinag-uundayan ng saksak bago tumakas palayo sa lugar.

Naisugod sa pinakamalapit na pagamutan si Miguel Martinez  ngunit idineklara ng mga attending physician na dead-on-arrival samantala ang dalawa pang biktima ng pananaksak ay patuloy na nilalapatan ng lunas.

Samantala, naaresto ng mga awtoridad ang suspek na ngayon ay nakakulong sa San Jose del Monte CPS custodial facility at nakatakdang sampahan ng mga karampatang kaso. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

SM Cyberzone Game Fest Feat

Cyberzone Game Fest 2024 is back to celebrate all things gaming
Cyberzone Game Fest at SM Supermalls now on its 9th Year

Calling all gamers, esports enthusiasts, and tech aficionados! Now on its 9th year, Cyberzone Game …

Bulacan Police PNP

Siyam na law offenders sa Bulacan inihoyo

DALAWANG wanted person at pitong lumalabag sa batas ang inaresto ng Bulacan police sa magkaibang …

Birth Certificate PSA

Pinadali at pinabilis na sistema para maiayos ang mga mali sa Birth Certificate nilinaw ng PSA

DETALYADONG ipinaliwanag ng Philippine Statistics Authority o PSA ang mas pinadaling paraan at pinabilis na …

SMC San Miguel Aerocity Biodiversity

SMC launches PHL’s first complete biodiversity offset Site in Bulacan

San Miguel Aerocity, Inc. (SMAI), a subsidiary of San Miguel Corporation (SMC), has inaugurated its …

Sa DigiPlus maging responsableng gamer, puwede

Sa DigiPlus
MAGING RESPONSABLENG GAMER, PUWEDE

PINAIIGTING ng DigiPlus Interactive Corp. (DigiPlus), operator ng mga nangungunang digital platform gaya ng BingoPlus, …