Wednesday , November 20 2024

Leonard Basilio

3 patay, 1 arestado sa drug ops sa Maynila

PATAY ang tatlo katao habang isa ang arestado sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation sa lungsod ng Maynila kamakalawa ng gabi. Sa imbestigasyon ni SPO3 Milbert Balinggan ng Manila Police District (MPD) – Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 8:10 pm nang mapatay ng mga awtoridad ang mga suspek na sina Marlon Batuyong, 45, at Reagan dela Cruz, 25, …

Read More »

Paglaganap ng illegal na sugal at prostitusyon bubusisiin sa Konseho

NAIHAIN na ang resolus-yon ng isang grupo ng konsehal sa Maynila na naglalayong magsagawa ng imbestigasyon ukol sa paglaganap ng ilegal na sugal at prostitusyon sa lungsod. Sa ilalim ng titulong ‘A resolution seeking to conduct an investigation on the proliferation of illegal gambling operation (sic) and prostitution in the city of Manila,’ ang nasabing hakbang ay ginawa matapos maiulat …

Read More »

Tanod patay, 10 sugatan sa gumuhong pumping station

PATAY ang isang barangay tanod habang sampu ang nasugatan nang gumuho ang platform ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)  Balete Flood Control Pumping Station sa Ermita, Maynila kahapon ng umaga. Ayon kay Johnny Yu, hepe ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Council, ang biktimang si Alfredo Quijano, nasa hustong gulang, barangay tanod ng Brgy. 664, Zone 71, ay namatay …

Read More »

3 dedo sa Manila drug ops

PATAY ang tatlong katao sa isinagawang anti-illegal drug operation sa Parola Compound, Binondo, Maynila kahapon. Ayon kay Chief Insp. Leandro Gutierrez, team leader ng raiding team, isinagawa ang raid makaraan silang makatanggap ng impormasyon na ginagawang drug den ang lugar. Kinilala ang mga napatay na sina Edmond Morales, 35; Jomar Danao Mariano, 40, at Ernesto Francisco, 45, pawang residente ng …

Read More »

Hiling na ilipat si Sebastian sa penal colony ikokonsidera

MAAARING ikonsidera ng Department of Justice (DoJ) ang hiling ng kampo ng high-profile inmate na si Jaybee Sebastian na mailipat siya ng penal colony. Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, kung talagang nanganganib si Sebastian sa New Bilibid Prisons (NBP) ay posible nilang pagbigyan ang kahilingan ng abogado ni Sebastian. Ngunit muling nanindigan si Aguirre na kahit wala ang …

Read More »

1 patay, 3 arestado sa drug operation

PATAY ang isang hinihinalang drug pusher habang arestado ang tatlo katao at nasagip ang dalawang menor de edad sa isinagawang drug operation ng mga operatiba ng Manila Police District-Police Station 6 sa Sta. Ana, Maynila. Kinilala ang napatay na si Willie Ternora, nasa hustong edad, residente ng 1858 Oro-B, Sta.Ana, Maynila. Habang arestado ng mga awtoridad ang mga suspek na …

Read More »

3 patay, 4 timbog sa buy-bust ops sa Maynila

shabu drugs dead

PATAY ang tatlong lalaking hinihinalang tulak ng droga sa ikinasang magkahiwalay na buy-bust operation ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa Binondo, Maynila kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga napatay na sina Roldan Amora, 35; Reynaldo Agrigado, nasa hustong gulang, at Raffy Sardido, 31-anyos. Habang arestado ang kasamahan nilang sina Guillermo Gonzales Jr., 38; Dennis Relago, 43; Ochie …

Read More »

2 holdaper utas sa parak

dead gun police

PATAY ang dalawa sa tatlong hinihinalang mga holdaper na magkaangkas sa motorsiklo makaraan makipagbarilan sa mga pulis nang sitahin sa hindi pagsu-suot ng helmet kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila. Hindi pa nakikilala ang na-patay na dalawang suspek habang nakatakas ang ikatlong lulan ng motorsiklo. Sa imbestigasyon ni SPO3 Milbert Balinggan, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section …

Read More »

Beteranong konsehal ng Maynila nagpapasaklolo sa NBI

NBI

NAGPASAKLOLO sa National Bureau of Investigation (NBI), ang isang beteranong konsehal ng Maynila para maimbestigahan ang grupo ng mga kasalukuyan at dating konsehal ng Lungsod na umiikot sa mga establisimiyento para mangikil ng pera kapalit ng pagnenegosyo. Sa kanyang   privilege speech, sinabi ni Councilor Bernie Ang (3rd district) na kinakailangan magkaroon ng masusing imbestigasyon para mapatawan ng kaukulang aksiyon ang …

Read More »

Bebot patay, 2 pa sugatan sa Grab Taxi vs 3 truck

road traffic accident

PATAY ang isang babaeng pasahero habang sugatan ang kanyang kasama at ang driver ng sinasakyan nilang Grab Taxi nang maipit sa karambola ng tatlong naglalakihang truck sa southbound lane ng Nagtahan Bridge sa Sta. Mesa, Maynila kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang namatay na biktimang si Ivory Abaya, 25, habang sugatan ang isa pang pasaherong si Karen Graneta, 25, at ang …

Read More »

P300-M sa 2014 raid missing — DoJ

NAWAWALA ang P300 milyon cash na nakuha sa raid sa New Bilibid Prison noong Disyembre 2014. Ito ang inihayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II alinsunod sa testimonya  ng isang inmate at intelligence officer. Taliwas ito sa unang report na P1.6 milyon cash lamang ang nakompiska mula sa mga preso sa maximum security compound. Ayon kay Aguirre, sinabi ng mga …

Read More »

Bebot patay, 1 sugatan sa jeep na nawalan ng preno

road traffic accident

PATAY ang 37-anyos babae habang sugatan ang isa pa makaraan mabundol ng pampasaherong jeep na mawalan ng preno sa San Miguel, Maynila. Kinilala ng Manila District Traffic Enforcement Unit, ang biktimang namatay na si Rasheda Olama, 37, residente ng 148, Brgy. 648, Carlos Palanca St., San Miguel, habang sugatan si Namira Dasilo, 41, residente ng 261 Padre Casal Street, San …

Read More »

1 patay, 1 sugatan sa ratrat

dead gun police

PATAY ang isang lalaki habang tinamaan ng ligaw na bala ang isang babae habang natutulog makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem suspects sa Tondo, Maynila kahapon. Kinilala ang biktimang namatay na si Nestor Mariano, 37, residente ng 126 Laurel Street, Don Bosco, Tondo, Maynila, habang tinamaan ng ligaw na bala sa hita si Teresita Brillantes, 51, residente ng 300 Coral St.,Tondo, Maynila, …

Read More »

Pulis narcotics utas sa selos

PATAY ang isang anti-narcotics operative ng Manila Police District makaraan barilin ng isang lalaki nitong Sabado sa Malate, Maynila. Kinilala ang biktimang si PO1 Kirk Alwin Gonzales, miyembro ng Malate Police Station’s anti-illegal drugs unit. Ayon sa ulat, paalis si Gonzales sa kanyang inuupahang apartment sa Balagtas St., nang barilin sa likod ng suspek na si Eli Mathan Sumampong, dakong …

Read More »

5 bumulagta sa anti-drug ops sa Maynila

LIMANG hinihinalang drug pushers ang sunod-sunod na bumulagta sa isinagawang magkakahiwalay na buy-bust operations ng mga pulis sa Maynila. Batay sa ulat ng Manila Police District-Crimes Against Persons Investigation Section (MPD-CAPIS), unang tumimbuwang si Abner Nasi, alyas Abeng, 41, barangay tanod at residente sa Juan De Moriones St., Binondo, at isang alyas Muslim. Habang arestado ang live-in partner ni Nasi …

Read More »

Bebot tinikman ng kainoman

SINAMANTALA ng isang 24-anyos lalaki ang kalasingan ng babaeng kainoman at ginahasa habang nagpapahinga sa kanyang silid sa Sta. Cruz, Maynila nitong Biyernes. Ang suspek na si Quiven Salvejo, empleyado ng Huan Chai-Binondo, at residente sa Isabel Building, Fugoso St., sa Sta. Cruz, ay nahaharap sa kasong rape na isinampa sa kanya ng 23-anyos biktimang si Mai-mai, nangungupahan sa isang …

Read More »

2 patay, 1 timbog sa anti-drug ops

PATAY ang dalawang lalaki habang natimbog ang isa sa inilatag na buy-bust operation ng mga tauhan ng Manila Police District sa Binondo, Maynila kamakalawa. Agad binawian ng buhay ang suspek na si Abner Nasi, 41, barangay tanod, residente ng 417 Juan de Moriones St., Binondo, habang hindi pa nakikilala ang isa pang suspek. Samantala, arestado ang isang nagngangalang Janneth Ramos …

Read More »

Electrician nangisay sa poste ng koryente

NATAGPUANG naka-bitin sa poste ng Meralco ang isang 50-anyos na electrician makaraan makoryente nang putulin ang bahagi ng live wire sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang biktimang si Edwin Talaman, ng 2732 Lico St., Tondo, Manila. Sa report ni Det. Dennis Turla ng Manila Police District (MPD) – Homicide Section, dakong 2:00 am kinontrata ang biktima ng isang …

Read More »

Libel vs Hataw ibinasura ng piskalya

Law court case dismissed

ABSUWELTO ang kolumnista at iba pang opisyal ng pahayagang Hataw D’yaryo ng Bayan sa kasong libel na isinampa ng isang barangay chairman sa Maynila. Sa inilabas na review resolution ni Assistant City Prosecutor Winnie Edad nitong Agosto 30, 2016, ibinasura niya ang kasong libel na inihain ni Ligaya Santos laban sa mga respondent na sina Percy Lapid, kolumnista; Jerry  Yap, …

Read More »

Chinese national patay sa ambush

PATAY ang isang Chinese national makaraan tambangan dakong 11:00 pm kamakalawa sa Binondo district sa Maynila. Kinilala ang biktimang si Hua Tian Shi, 28, binaril ng hindi nakilalang mga suspek sa bahagi ng Mapua St., Brgy. 301, Binondo, Manila. Batay sa imbestigasyon ng pulisya, binaril ang biktimang Chinese nang close range sa loob ng kanyang sasakyan. Iniimbestigahan ng pulisya ang …

Read More »

Preso ng MPD patay sa bully

PATAY ang isang bilanggo sa Manila Police District (MPD) sa Malate, Maynila makaraan ang sinasabing pagdagan ng kapwa bilanggo. Ayon sa ilang saksi, madalas i-bully ng suspek na si Noriel Orbeta si Mario Santos, bago binawian ng buhay ang biktima. Pinaniniwalaang kinapos ang paghinga ni Santos dahil sa pagdagan ni Orbeta habang natutulog ang biktima. Napag-alaman, isang linggo pa lang …

Read More »

4 tulak utas sa buy-bust

PATAY ang apat hinihinalang tulak ng droga makaraan makipagpalitan ng putok sa mga pulis sa buy-bust operation sa magkahiwalay na lugar sa Maynila. Agad binawian ng buhay ang mga suspek na sina alyas Khairo at alyas Bentong, residente sa Norzagaray St., Quiapo, sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa nabanggit na lugar kahapon. Ayon kay Major Michael Garcia, PCP Commander …

Read More »

Sa Maynila 3 patay sa tokhang

PATAY ang tatlo katao sa ipinatupad na Oplan Tokhang ng mga awtoridad sa magkakahiwalay na lugar sa Maynila habang isang lalaki ang pinatay ng riding-in-tandem suspect. Ayon sa ulat ng pulisya, kinilala ang mga napatay sa buy-bust operation ng mga tauhan Manila Police District (MPD) na sina Gideon Miranda, 32; Daniel Petrache, 31, at Michael Serrano, 35-anyos. Samantala, namatay ang …

Read More »

Testimonya ni Matobato kasinungalingan — DoJ

PAWANG kasinungalingan ang mga testimonya ni Edgar Matobato sa pagdinig sa Senado kahapon. Ito ang inihayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre makaraan idetalye ni Matobato ang kanyang mga nalalaman kaugnay sa naganap na mga pagpatay na iniuugnay kay Pangulong Rodrigo Duterte, sa ilalim ng Davao Death Squad. Paliwanag ni Aguirre, dati nang nasa Witness Protection Program ng DoJ si Matobato …

Read More »