1 patay, 3 arestado sa drug operation

PATAY ang isang hinihinalang drug pusher habang arestado ang tatlo katao at nasagip ang dalawang menor de edad sa isinagawang drug operation ng mga operatiba ng Manila Police District-Police Station 6 sa Sta. Ana, Maynila.

Kinilala ang napatay na si Willie Ternora, nasa hustong edad, residente ng 1858 Oro-B, Sta.Ana, Maynila.

Habang arestado ng mga awtoridad ang mga suspek na sina Enrique Torrea, 56; Zaira Gonzales, 23, at Ronaldo Bautista.

Samantala, dinala sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sina Gracia at Gemma, kapwa 15-anyos.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO2 Charles John Duran, dakong 1:20 am nang isagawa ang operasyon sa 1858 Oro-B St. sa Sta. Ana na nagresulta sa pagkamatay ni Ternora at pagkakadakip sa tatlong iba pa.

( LEONARD BASILIO )