Electrician nangisay sa poste ng koryente

NATAGPUANG naka-bitin sa poste ng Meralco ang isang 50-anyos na electrician makaraan makoryente nang putulin ang bahagi ng live wire sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktimang si Edwin Talaman, ng 2732 Lico St., Tondo, Manila.

Sa report ni Det. Dennis Turla ng Manila Police District (MPD) – Homicide Section, dakong 2:00 am kinontrata ang biktima ng isang Danilo Cruz na putulin ang nakabiting mga linya ng koryente sa harap ng kanilang bahay sa 2709 Lico St., Tondo, Manila.

Ngunit dakong 3:30 am ay natagpuang naka-bitin na ang biktima sa poste at wala nang buhay.

( LEONARD BASILIO )