Tuesday , November 29 2022

4 tulak utas sa buy-bust

PATAY ang apat hinihinalang tulak ng droga makaraan makipagpalitan ng putok sa mga pulis sa buy-bust operation sa magkahiwalay na lugar sa Maynila.

Agad binawian ng buhay ang mga suspek na sina alyas Khairo at alyas Bentong, residente sa Norzagaray St., Quiapo, sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa nabanggit na lugar kahapon.

Ayon kay Major Michael Garcia, PCP Commander ng Barbosa , dakong 3:30 pm nang maganap ang insidente sa Room 301 ng Diamond Hotel sa Gunao St., kanto ng Norzagaray St., sa Quiapo.

Napag-alaman, nakatunog ang mga suspek na pulis ang katransaksiyon kaya nakipagbarilan sa mga awtoridad na humantong sa kanilang pagkamatay.

Samantala, dalawa pang hinihinalang drug pusher ang napatay ng mga pulis makaraan lumaban sa buy-bust operation kamakalawa sa magkahiwalay na lugar sa Maynila.

Kinilala ang mga napatay na sina Raymund Denullyn alyas Emong, 29, at Rogelio Altazano, alyas Rogie, 56-anyos.

( LEONARD BASILIO )

About Leonard Basilio

Check Also

shabu drug arrest

P.8-M shabu sa Vale
HIGH VALUE INDIVIDUAL, KALABOSO

BAGSAK sa kulungan ang isang lalaki na listed bilang high value individual (HVI) matapos makuhaan …

Navotas Greenzone Park

Navotas Greenzone Park binuksan

PINANGUNAHAN ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco, kasama si Metropolitan …

Arrest Posas Handcuff

Rank 10 MWP ng PRO8, huli ng NPD

ARESTADO  ang isang lalaki na nakatala bilang rank 10 most wanted person (MWP) sa kasong …

congress kamara

 “Caregivers Welfare Act” pasado sa Kamara

SA BOTONG 271, inaprobahan ng Kongreso sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 227 …

Quezon City QC

QMC idineklarang child labor-free zone — Belmonte

KASABAY nang pagdiriwang ng National Children’s Month, idineklara ng lokal na pamahalaan ng Quezon City …

Leave a Reply