Thursday , January 9 2025

Joana Cruz Kimbee Yabut

Wikang Filipino sa siyensiya isinusulong

GAGAMITIN na sa siyensiya at matematika ang wikang Filipino. Isa ito sa mga tinalakay sa Pambansang Kumperensya at Sawikaan 2016 sa pangunguna ng Filipinas Institute of Translation (FIT) kaagapay ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), National Center for Culture and the Arts (NCCA), at University of the Philippines Diliman-College of Education. Ang programang may temang “Wikang Filipino bilang wikang Siyentipiko” …

Read More »

Fotobam waging salita ng taon (Iniluwal ng ‘Torre de Manila’)

ITINANGHAL ang “fotobam” bilang Salita ng Taon makaraang mangibabaw sa sampung salita na lumahok sa Sawikaan 2016. Napili ng mga hurado ang naturang salita sa ikalawang araw ng idinaraos na Pambansang Kumperensiya sa Wikang Filipino na ginanap sa Diliman campus ng Unibersidad ng Pilipinas (UP), kahapon. Bukod sa board of members ng Filipinas Institute of Translation (FIT) na nanguna sa …

Read More »

Fotobam iniluwal ng ‘Torre de Manila’

INILUWAL ng photobomber na Torre de Manila ang nagwaging salita ng taon sa ikalawang araw ng Pambansang Kumperensiya sa Wikang Filipino na ginanap sa Diliman campus ng Unibersidad ng Pilipinas (UP), kahapon. Ang fotobam ay lahok ng historian na  si Michael Charleston Chua. Itinuturing ng mga eksperto na ang fotobam ay pandiwa na ang ibig sabihin ay sirain ang eksena …

Read More »

Libro sa ekonomiks ng DepEd ‘mahina’

“HINDI matibay ang pundasyon ng mga aklat sa ekonomiks na ipinamamahagi ng DepEd.” Ipinahayag ito ni Dr. Agustin L. Arcenas, propesor ng Ekonomiks sa University of the Philippines – Diliman, sa pagbubukas ng Pambansang Kumperensiya sa Wika at  Sawikaan 2016 ng Filipinas Institute of Translation (FIT) kahapon. Sa nasabing programa, inihayag ni Arcenas na hindi “advanced” ang mga aklat sa …

Read More »

Federalism solusyon sa Mindanao — Esperon

“Federalism to me, is the key to the peace process in Mindanao,” pahayag ni retired AFP chief, ngayo’y national security adviser Hermogenes Esperon kahapon. Ayon kay Esperon, hindi makakamit ang kapayapaan sa Mindanao hangga’t hindi ipinatutupad ang federalismo sa Filipinas. Taon 1997 hanggang 2008 aniya, nang sinimulan nila ang negosasyon sa MILF pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito …

Read More »

PUP president dapat bumaba sa puwesto (Sa utos ni Duterte)

ISANG barikada ang itinayo ng Kilusang Pagbabago – PUP at ang Duterte Youth for Change kasama ang ilang propesor at estud-yante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa main entrance ng unibersidad kamakalawa ng hapon, para paalalahanan ang pangulo ng unibersidad na bumaba sa puwesto. Sa nasabing protesta, ipinawagan ng mga guro at estud-yante na bakantehin ni Emanuel De …

Read More »

Walang banta ng terorismo sa Metro — NCRPO

WALANG banta ng terorismo sa Kalakhang Maynila, ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director Chief Superintendent Oscar Albayalde sa Kapihan sa Manila Bay media forum sa Café Adriatico sa Malate, Maynila. Iwinaksi niya ang mga balitang may banta mula sa sinasabing apat na babaeng  Muslim  na may planong maghasik ng karahasan bilang bahagi ng pananakot ng bandidong Abu …

Read More »

Pulis-Maynila sangkot sa EJKs

KINOMPIRMA ni NCRPO commander General Oscar Albayalde na nakahuli sila ng ilang pulis sa Manila Police District (MPD) na hinihinalang sangkot sa illegal drug trade. Sa weekly news forum na Kapihan sa Manila Bay sa Café Adriatico, Malate, Maynila kahapon, inilantad ni Albayalde na may mga pulis na sangkot sa pagtutulak ng droga at extrajudicial killings. “They hire gunmen,” ani …

Read More »

Exclusive subdivisions ‘di lusot sa Oplan Tokhang

GINAGALUGAD ng NCRPO maging ang mga gated subdivision sa Makati City, kasabay ng pagpapaigting sa kampanya ng administrasyong Duterte laban sa ilegal na droga. Sabi ni NCRPO commander General Oscar Albayalde sa weekly news forum na Kapihan sa Manila Bay sa Café Adriatico, Malate, Maynila kahapon, pinapasok ng NCRPO ang mga exclusive subdivision sa Makati tulad ng Forbes Park, at …

Read More »

Pagbuhay sa BNPP ligtas ba o mapanganib?

NANINIWALA si Engineer Mauro Marcelo Jr., isa sa mga orihinal na inhiniyero ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) mula pa noong 1977, na ang nuclear energy ang nag-iisang paraan upang bumaba ang singil ng elektrisidad sa bansa. Sa media briefing na pinangunahan ng Department of Energy (DOE) sa Taguig, sinabi ni Marcelo na, “uclear energy is the safest in the …

Read More »

Aklat ng Bayan publikasyon para kay Juan

MURA AT KALIDAD. Ito ang iginagarantiya ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa kanilang proyekto na Aklat ng Bayan. Kasabay ng patuloy na pagdiriwang ng KWF sa Buwan ng Wika na may temang “Filipino: Wika ng Karunungan” ay opisyal na inilunsad ang matagal nang pangarap ng komisyon na “Aklatan ng Karunungan” o ang Aklat ng Bayan. Malaki ang naitutulong ng …

Read More »

Murang condo itinatayo para sa mahihirap

HANDOG ng Homeowner’s Association (HOA) ng Kapitbahayan Blue Meadows, ang isang abot-kaya at dekalidad na pabahay sa Caloocan City. Makaraan ang halos tatlong taon na pagsisikap ng mga residente ng Blue Meadows, sa pangunguna ng kanilang HOA President Darling Arizala, opisyal na idinaos ang Groundbreaking Ce-remony ng Blue Meadows Housing Project kahapon ng umaga sa Balintawak Subdivision, Barangay 175, Camarin …

Read More »

Vice Mayor Maca Asistio nagbilin sa informal settlers

Hiniling ng Caloocan Vice Mayor sa mga benepisyaryo ng pabahay sa Camarin, Caloocan, na gampanan ang kanilang bahagi para sa ikatatagumpay na nakamit ng Homeowner’s Association ng Blue Meadows. Sa groundbreaking and thanksgiving ceremony ng Blue Meadows sa Barangay 175, ipinahayag ni Vice Mayor Macario “Maca” Asistio ang kanyang galak sa proyekto ng asosasyon sa pangunguna ng presidente na si …

Read More »

MMDA ‘Schizophrenic’ – Poe

KINUWESTIYON ni Sen. Grace Poe ang mga proyekto ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa weekly news forum na Kapihan sa Manila Bay sa Malate, Maynila, kahapon ng umaga. Sa kanyang unang full-blown press conference si-mula nang pagkatalo niya sa nakalipas na eleksiyon, pabirong tinawag ni Poe na ‘schizophrenic’ ang MMDA dahil sa halo-halo nitong proyekto na sinasabi niyang walang …

Read More »

Parañaque kontra ilegal na droga, maingay na bars

DINALA ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez ang kanyang kampanya kontra-droga at kontra-ingay, sa mga restobars at club sa lungsod, bilang pagtugon kay PNP Chief Ronald “Bato” De La Rosa. Ipinatawag ni Parañaque Business Permits and Licensing (BPLO) Chief, Atty. Melanie S. Malaya, ang lahat ng owner at manager ng mga resto-bar at club sa kahabaan ng Aguirre sa BF …

Read More »

Dagdag peace panelist aprub sa GRP at MILF

DINAGDAGAN ang bilang ng mga peace panellist na tatalakay sa implementasyon ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB), anunsiyo ni Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar kahapon sa isang press conference sa Malate, Maynila. Mula 15 ay napagkasunduang gawing 21 ang miyembro ng Bangsamoro Transition Committee (BTC), ang grupong binuo tungo sa pagpapatupad ng CAB, sa meeting na ginanap sa …

Read More »