INIHAYAG ni incoming Bureau of Corrections (BuCor) Director Major Gen. Alexander Balutan ang planong paglilipat sa military facility sa 19 high profile inmates o tinaguriang “Bilibid 19” na nakapiit sa Building 14 ng maximum security compound sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City. Ang nabanggit na mga preso na kinabibilanga nina Herbert Colangco, Jayvee Sebastian at Peter Co ay …
Read More »Bebot itinumba sa loob ng jeep
PATAY ang isang babae makaraan barilin ng kapwa pasahero sa jeepney nitong Huwebes ng umaga sa lungsod ng Makati. Kinilala ang biktimang si Lauren Kristel Rosales, 27, ng Sta. Ana, Maynila. Ayon kay Sonny Priol ng Makati Public Safety Assistance (MAPSA), kapwa pasahero rin ng jeepney ang bumaril kay Rosales sa kanto ng N. Garcia St. at JP Rizal St. …
Read More »Bilibid inilagay sa kontrol ng SAF (53 inmates inilipat)
PANSAMANTALANG inilipat ng Special Action Force (SAF) ang 53 high profile inmates sa ibang bahagi ng New Bilibid Prisons (NBP), habang nagpapatuloy ang unang “Oplan Galugad” ngayong Duterte administration. Partikular na tinumbok ng operasyon kahapon ang Building 14 ng maximum security compound na puwesto ng kilalang convicted criminals. Kasama sa operasyon si Justice Sec. Vitaliano Aguirre at iba pang mga …
Read More »8 tiklo sa pot session
BUMAGSAK sa piitan ang walong indibidwal, kabilang ang isang hinihinalang gunrunner, makaraan maaktuhan ng mga tauhan ng Regional Police Intelligence Operation Unit (RPIOU) ng National Capital Region Police Office (NCRPO) habang sumisinghot ng shabu sa loob ng isang bahay sa Taguig City kahapon. Nahuli habang nagbebenta ng isang kalibre .45 baril ang suspek na si Jefferson Yanilla, 37, vendor, ng …
Read More »Dentista utas sa holdaper
BINARIL at napatay ang isang lalaking dentista ng dalawang holdaper na nagpanggap na pasyente sa loob ng kanyang klinika sa Makati City kahapon ng tanghali. Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Makati Medical Center (MMC) ang biktimang si Dr. Antonio Limos, 59, dahil sa ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Tinitingnan ng mga awtoridad …
Read More »Ama’t ina sinaksak ng salamin ng anak (‘Sinapian’ ng bad spirits)
INAKALANG sinapian ng masamang espirito ang anak dahil tatlong araw nang hindi makatulog kaya nagpasyang dalhin sa isang albularyo ng mga magulang ngunit sinaksak sila nang napulot na basag na salamin sa Muntinlupa City kamakalawa. Agad binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Muntinlupa ang ginang na si Sonia Corres, 54, habang malubha ang kalagayan ng mister …
Read More »Barker utas sa tandem sa Pasay
PINAGBABARIL hanggang mapatay ang isang barker na sinasabing drug user at babaero, ng hindi nakilalang mga suspek na sakay ng motorsiklo habang nagtatawag ng mga pasahero nitong Huwebes ng gabi sa Pasay City. Binawian ng buhay habang isinusugod sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Reynaldo Baculo, 22, miyembro ng Batang City Jail, ng 307 G. Villanueva St., Brgy. …
Read More »Driver/bodyguard, yaya patay, among chinese kritikal sa ambush (5-anyos sugatan)
PATAY ang dalawa katao habang malubha ang isang babaeng Chinese at bahagyang nasugatan ang 5-anyos batang babae makaraan paulanan ng bala ang sinasakyan nilang kotse ng isa sa dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Pasay City. Binawian ng buhay noon din ang driver/bodyguard na si Pfc. Mark Neil Alisasis, 33, ng Block 13, Lot 28, Francisco Homes, …
Read More »6 drug pusher patay, 1 sugatan sa tandem
PATAY ang anim hinihinalang mga drug pusher habang isa ang sugatan makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo sa magkakahiwalay na insidente sa lungsod ng Las Piñas at Pasay kamakalawa. Ayon sa ulat ni Chief Insp. Rolando Baula, hepe ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) ng Pasay City Police, ang mga namatay ay kinilalang …
Read More »Pinoy patay, 1 pa kritial sa aksidente sa Jeddah
PATULOY na inaalam ng Konsulado ng Filipinas sa Jeddah ang detalye sa naganap na aksidente at pagkamatay ng isang overseas Filipino (OFW) at kritikal ang kondisyon ng kanyang kasama noong unang araw ng Eid’l Fitr holiday sa Saudi Arabia. Base sa ulat na nakarating kay Vice Consul Alex Estomo, head ng Assistance to National Section ng Konsulado, nitong Miyerkoles (Hulyo …
Read More »Lady dentist todas sa 2 holdaper
PATAY ang isang babaeng dentista nang pagbabarilin ng dalawang holdaper na magkaangkas sa motorsiklo, sa loob ng kanyang dental clinic sa Makati City kahapon ng hapon. Kinilala ni SPO3 Noel Pardinas, imbestigador ng Homicide Section, ang biktimang si Dra. Raquel Magellan, 38, residente sa Taguig City. Base sa inisyal na ulat ni SPO2 Rico Caramat, pasado 2:00 pm kahapon nang …
Read More »2 Taiwanese tiklo sa P1.7-B shabu chemicals (1 pa timbog sa P500-M shabu)
SINALAKAY nang pinagsanib na puwersa ng Las Piñas City Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang hinihinalang shabu laboratory na nagresulta sa pagkahuli sa dalawang Taiwanese national at nakompiska ang mga kemikal na sangkap sa paggawa ng shabu na nagkakahalaga ng P1.7 bilyon kamakalawa sa Las Piñas City. Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang dalawang Taiwanese na sina …
Read More »Casino financier na Koreano nagbaril patay
HINDI nakayanan ng isang Korean casino financier ang problemang kinakaharap kaya tinapos ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili makaraan malustay ang P25 milyon na puhunang ibinigay ng kanyang boss sa Pasay City kahapon. Kinilala ni Pasay City Police chief, Sr. Supt. Joel Doria ang biktimang si Jeoyoung Shin, 37, may asawa, tubong South Korea, nanunuluyan sa Fine …
Read More »Suspek sa sexual abuse arestado
HINULI ng mga operatiba ng Las Piñas City Police ang 35-anyos lalaking may kasong sexual abuse sa isang dalagita kamakalawa ng gabi sa nasabing lungsod. Base sa tanggapan ni Las Piñas Police chief, Sr.Supt. Jemar Modequillo, nahuli ng mga tauhan ng Warrant Section ang akusadong si Russel Tolentino, ng 138 Satima Compound, Pilar Talon 2, Brgy. Las Piñas City …
Read More »Zero crime sa NCRPO sa Duterte inauguration
ZERO crime rate ang naitala ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Metro Manila kasabay ng inagurasyon nina Pangulong Rodrigo Duterte bilang ika-16 Presidente ng Filipinas at Bise Presidente Leni Robredo kamakalawa. Inihalintulad ito ni NCRPO Spokesperson Chief Insp. Kimberly Molitas sa tuwing may laban si boxing champion at ngayo’y Senator Manny “Pacman” Pacquiao, na walang naitatalang krimen. Bago …
Read More »Manikyurista patay sa saksak ng live-in na nagtangkang maglaslas sa leeg (Ina sugatan)
PATAY ang isang 42-anyos manikyurista habang sugatan ang kanyang ina nang pagsasaksain ng live-in partner na nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pagsaksak sa sarili sa Las Piñas City kamakalawa ng gabi. Binawian ng buhay bago idating sa Las Piñas District Hospital ang biktimang si Elena Gamboa, 42, ng 79 Diamond St., Phase 5, BF Martinville, Brgy. Manuyo Dos, Las Piñas …
Read More »Call center agent natagpuang patay sa gusali ng Makati
MAKARAAN ang tatlong araw, natagpuang patay ang isang call center agent sa 5th level basement ng isang gusali sa Hernandez Street, San Lorenzo Village sa Makati City dakong 3 p.m. nitong Lunes. Sa imbestigasyon ng Makati PNP, lumalabas na 9:30 p.m. noong Hunyo 24 ay namataan ng anak ng caretaker ng gusali na si Regine Dioleste, na pumasok nang walang …
Read More »74 street dwellers nasagip sa Pasay
NASAGIP ng mga awtoridad ang 74 street dwellers sa isang rescue operation kamakalawa ng gabi sa Pasay City. Sinabi ni Pasay City Police chief, Sr. Supt. Joel B. Doria, nagsanib-puwersa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) upang sagipin ang mga palaboy. Ikinasa ang rescue operation ng mga awtoridad dakong …
Read More »Presyo ng petrolyo may rollback
ASAHAN ang napipintong oil price rollback na ipatutupad ng mga kompanya ng langis sa bansa ngayong linggo. Ayon sa taya ng oil industry sources, posibleng magbawas ng 50 hanggang 65 sentimos ang presyo ng kada litro ng gasolina at diesel. Ang nagbabadyang bawas-presyo sa petrolyo ay bunsod nang pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan. Noong Hunyo 14, nagtaas …
Read More »Tulak todas sa 4 maskarado
PATAY ang isang hinihinalang tulak ng droga makaraan pagbabarilin ng apat lalaking nakamaskara sa Muntinlupa City nitong Martes ng hapon. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Marlon Oliva, alyas Marlon Tulak, 37, ng Mullet Compound, PNR Site, Brgy. Cupang, Muntinlupa City. Base sa inisyal na ulat na nakarating kay Muntinlupa City police chief, Senior Supt. Nicolas Salvador, dakong 1:45 …
Read More »P195-M shabu kompiskado, 2 Taiwanese arestado
ARESTADO ang dalawang Taiwanese national sa ikinasang anti-drug operation nang pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) sa Parañaque City kahapon. Kinilala ang mga naarestong Taiwanese na sina Chen Sheng-Ming, 33, at Hwang Zhong-Kee, 25. Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng intelligence report kaugnay sa ilegal na gawain ng dalawa na sinasabing pawang …
Read More »Pinay dedbol sa bundol ng SUV sa Italy
BINAWIAN ng buhay ang isang Filipina domestic helper makaraang mabundol ng Sports Utility Vehicle (SUV) sa Milan, Italy nitong Sabado. Para sa agarang repatriation ng labi ng Filipina worker, inaayos na ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang kailangang mga dokumento para rito. Kinilala ang overseas Filipino worker (OFW) na si Myrna Reyes, isang kasambahay, nabagok ang ulo sa insidente. …
Read More »Tsap-tsap victim sa Senado tukoy na
NATUKOY na ang pagkakakilanlan ng tsap-tsap victim na isinilid sa sako at itinapon sa tapat ng gusali ng Senado sa lungsod nitong Miyerkoles ng madaling araw. Sa pamamagitan ng peklat sa putol na kaliwang binti at deskripsiyon sa pares ng kamay, kinilala ni Helen Bacordo, 43, ng 137 Brgy. E, Rosario, Batangas, ang nasabing bahagi ng katawan ay sa nawawala …
Read More »Tsap-tsap na 2 binti at 2 braso itinapon sa Senado
NATAGPUAN ng isang vendor ang putol-putol na bahagi ng katawan ng tao sa loob ng isang sako sa harapan ng Senate Building sa Pasay City kahapon ng madaling araw. Base sa inisyal na ulat na nakarating kay Pasay City Police chief, Senior Supt. Joel Doria, dakong 5:30 a.m. nang matagpuan ng vendor na si Meniano Samarro, 65, ang naturang sako …
Read More »3 tiklo sa ‘Oplan Big Bertha’ 3 kilo ng shabu kompiskado
NAHULI ang tatlo katao at nakompiskahan ng tatlong kilo ng shabu sa isinagawang “Oplan Big Bertha” at follow-up operation ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Cavite sa lungsod ng Parañaque kamakalawa ng gabi. Kalaboso ang tatlong suspek na sina Madayao Mustapha Batonggara, 47; Macabato Binor Pangcatan, 19, at Amatonding Noroden Alap, 35, pawang dinala na sa …
Read More »