Thursday , June 4 2026

Suspek sa sexual abuse arestado

 

HINULI ng mga operatiba ng Las Piñas City Police ang 35-anyos lalaking may kasong sexual abuse sa isang dalagita kamakalawa ng gabi sa nasabing lungsod.

Base sa tanggapan ni Las Piñas Police chief, Sr.Supt. Jemar Modequillo, nahuli ng mga tauhan ng Warrant Section ang akusadong si Russel Tolentino, ng 138 Satima Compound, Pilar Talon 2, Brgy. Las Piñas City dakong 11:30 p.m. kamakalawa.

Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Parañaque City Regional Trial Court Judge Gloria B. Aglugub, hinuli si Tolentino na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Child Abuse.

Ayon kay Sr. Supt. Modequillo, matagal nang pinaghahanap ang akusado at kamakalawa ng gabi ay natiyempohan sa kanilang lugar na dahilan nang pagka-aresto ng mga pulis.

May inirekomendang P200,000 piyansa ang korte para sa pansamantalang paglaya ng akusado.

( JAJA GARCIA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …