Friday , July 19 2024
Stab saksak dead

Ama’t ina sinaksak ng salamin ng anak (‘Sinapian’ ng bad spirits)

INAKALANG sinapian ng masamang espirito ang anak dahil tatlong araw nang hindi makatulog kaya nagpasyang dalhin sa isang albularyo ng mga magulang ngunit sinaksak sila nang napulot na basag na salamin sa Muntinlupa City kamakalawa.

Agad binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Muntinlupa ang ginang na si Sonia Corres, 54, habang malubha ang kalagayan ng mister niyang si Adimo, makaraan pagsasaksakin ng kanilang anak na si Arnel, 32-anyos.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong 9:00 pm nang mangyari ang krimen sa panulukan ng Beberly  St., at National Road, Brgy. Tunasan ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Muntinlupa City Police, naglalakad ang mag-asawang Sonia at Adimo kasama ang anak nang makapulot ng basag na salamin ang suspek at biglang pinagsasaksak ang mag-asawa. ( JAJA GARCIA )

About Jaja Garcia

Check Also

Collectors Con Year 2 Funkos The Block Atrium SM North EDSA

Collectors Assemble: Collectors Con Year 2 brings Exclusive Drops, Limited-editions and Supersized Funkos

Promising the ultimate collector’s adventure in the North, Collectors Con is back at The Block …

CPP PNP NPA

Miyembro ng CPP-NPA boluntaryong sumuko sa Bulacan police

ISANG miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ang boluntaryong sumuko sa …

SSS Cellphone

SSS nagbabala sa miyembro at publiko sa mga pekeng alerto sa text

BINALAAN ng Social Security System (SSS) ang mga miyembro nito at ang publiko na maging …

Arrest Posas Handcuff

  Kawatan sa coffee shop, timbog

DAHIL sa mabilis na pagresponde ng mga awtoridad ay kaagad naaresto ang isang lalaki na …

071824 Hataw Frontpage

Sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga
POGO ‘TORTURE DEN’ VIDEO FOOTAGES INILABAS SA PAGDINIG NG KAMARA

HABANG mainit ang galit ng mga mamamayan sa mga natuklasang ilegal na Philippine Offshore Gaming …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *