Thursday , June 4 2026
Alexis Castro Bulacan

Bise Gob. Castro, kinilala sa kanyang makataong pamumuno sa Golden Icons Awards

DAHIL sa kaniyang pagiging makatao at may paninindigang pamumuno, kinilala si Bise Gob. Alexis Castro bilang isa sa mga Icon of Leadership Distinction Awardee sa ginanap na prestihiyosong Golden Icons Awards 2026 sa The Bellevue Manila, sa Alabang, Muntinlupa kamakailan.

Bunga ng kaniyang pamumuno na may malinaw na layunin, patuloy na isinusulong ni Castro ang mga programang nagpapabuti sa buhay ng mga Bulakenyo at nagpapalakas ng tiwala ng publiko sa pamahalaan.

Sa kaniyang taos-pusong Facebook post, buong pagpapakumbabang inialay ni Castro ang parangal sa kanyang mga kapwa Bulakenyo at binigyang-diin na ang pamumuno ay isang kolektibong proseso na nakabatay sa tiwala at inspirasyon.

“Ang karangalang ito ay hindi lamang para sa akin, kundi para sa bawat Bulakenyong patuloy na nagbibigay ng tiwala at inspirasyon upang ako ay magsilbi nang may malasakit at may paninindigan. Patuloy po tayong magsusumikap na maging lingkod bayan na karapat-dapat sa inyo at sa dangal ng Lalawigan ng Bulacan,” ani Castro.

Layunin ng Golden Icons Awards na kilalanin at ipagdiwang ang mga natatanging indibidwal mula sa iba’t ibang sektor na nag-iwan ng pangmatagalang positibong epekto sa kani-kanilang mga komunidad. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …