Saturday , July 27 2024
gun dead

Barker utas sa tandem sa Pasay

PINAGBABARIL hanggang mapatay ang isang barker na sinasabing drug user at babaero, ng hindi nakilalang  mga suspek na sakay ng motorsiklo habang  nagtatawag ng mga pasahero nitong Huwebes ng gabi sa Pasay City.

Binawian ng buhay habang isinusugod sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Reynaldo Baculo, 22, miyembro ng Batang City Jail, ng 307 G. Villanueva St., Brgy. 52, Zone 7, ng lungsod.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, dakong 10:10 pm nang nangyari ang insidente sa panulukan ng Buendia Avenue at A. Luna St., Brgy 38, Zone 5.

Habang nagtatawag ng pasahero ang biktima nang sumulpot ang isang motorsiklo at siya ay pinagbabaril.

( JAJA GARCIA )

TULAK TODAS SA PARAK  SA CALOOCAN

PATAY ang isang hinihinalang tulak ng droga nang manlaban sa mga pulis makaraan maaktohan habang nagtutulak ng shabu kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Agad binawian ng buhay sa insidente si Salic Gafore, ng Sampaloc St., Brgy. 178 ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat ni Senior Supt. Johnson Alamazan, hepe ng Caloocan police, naaktohan ng mga pulis ang suspek habang nagbebenta ng droga.

Ngunit nang matunugan ang mga pulis ay tumakbo ang mga kasama ng suspek ngunit lumaban si Gafore sa mga awtoridad.

Gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.

( ROMMEL SALES )

About Jaja Garcia

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *