Saturday , January 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may kantang 12 Days of Christmas, ng 12 meals/food for Christmas.

Oh my gosh,” bulalas muna ni Juday. “Twelve meals? With diet or walang diet,” at tumawa ang aktres. “No diet? No diet ‘pag Christmas, ‘di ba?

Of course Christmas ham! With dinner rolls. Andiyan ang truffle galantina, chicken galantina na may truffle rice sa loob.

“Tapos mayroon kang lechon belly, pork belly na crispy, ‘di ba?

“Tapos maglagay tayo ng salad para hindi naman, para you know, balanced meal. Ensaladang talong kasi perfect ‘yan sa crispy pork,” tili ni Juday.

Panlima… of course Pinoy spaghetti, hindi puwedeng  mawala, hindi talaga puwedeng mawala. Lumpiang Shanghai, hindi iyan puwedeng mawala.

“Aba maglalagay ako ng baked oysters! Na may laing, na may cream cheese.

“Siyempre maglagay tayo ng macaroni salad para Filipinong-Filipino. Maglalagay din tayo siyempre ng side dishes na potato salad na may longganisa para Filipino spread pa rin.

“Bago ‘yun ‘di ba, potato salad na may crumbled longganisa imbes na bacon? Uy,” at napapikit si Juday na tila sarap na sarap.

Tapos… ay gusto ko rin ng relyenong bangus!.

“Dessert na tayo… eh ‘di leche flan. Leche flan at saka buco lychee.”

Using UFC Lychee, suhestiyon ng awtor na ito kay Judy Ann since isa sa mga bagong produkto ng UFC ay ang canned lychee.

Of course! Very plump, matambok, namumutok-mutok, very juicy!

“That’s my twelve meals for Christmas.”

Si Judy Ann ang bagong endorser ng UFC na ang naging spotlight ay ang “UFC’s global-quality standards, its diverse culinary portfolio, and its continuing legacy of shaping the Pinoy palate”.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Paolo Gumabao Sara Sandeva Spring in Prague Ferdinand Topacio Marco Gomez

Topacio iginiit pamamahala ng MMFF ilipat sa FDCP, NCCA

I-FLEXni Jun Nardo MALALAMAN kay Atty. Ferdie Topacio na mahal niya ang local showbiz. Pati nga lumang …

Toni Gonzaga Paul Soriano

Toni inihalintulad sa dumi nagpapakalat ng maling tsismis sa power couple

I-FLEXni Jun Nardo TINABLA na ni Toni Gonzaga ang pagsama nila ng asawang si Paul Soriano na power couple …

Bam Aquino Bianca Gonzales Y Speak

Bam Aquino sasamahan nina Elijah at KD sa Y Speak

HINDI maiwasang magbalik-tanaw ni Senador Bam Aquino sa kanyang karanasan bilang host kasunod ng pag-anunsiyo ng pagbabalik …

GMA Regional tv

GMA artists bubusugin sa saya mga Pangasinense

RATED Rni Rommel Gonzales ISANG unforgettable evening ang tiyak na hatid ng ilang GMA stars sa mga …

Vina Morales Gladys Reyes Neil Ryan Sese

Vina nagkakapasa-pasa sa awayan nila ni Gladys 

RATED Rni Rommel Gonzales MASAYANG nakipagkulitan ang mga bida ng Cruz vs. Cruz na sina Vina Morales, Gladys …