Thursday , June 4 2026
NBI VACC

Estudyanteng Pinay na ginamit para sa extortion laban sa isang negosyante nagpasaklolo sa NBI

HUMINGI  ng saklolo sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isang 18-anyos estudyanteng   Pinay kasama ang kanyang ina at ang Chairman Emeritus ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na si Atty. Manny Obedoza. 

Ito’y kaugnay sa pagbabanta na papatayin umano siya kapag nagsumbong sa mga awtoridad.

Ayon sa biktima  na si  alyas JP, kaya siya nagtungo sa NBI ay para matulungan at maproteksiyonan dahil sa natatanggap na banta na kinasasangkutan ng umano’y dalawang SBMA Police.

Giit ni alyas JP, walang nangyaring rape at ang ginawang kaso ay palabas lamang para kikilan ng halagang P50 milyon  ang isang negusyanteng Taiwanese.

Natakot umano ang Taiwanese na maapektohan  ang negosyo niya matapos ma-dismiss  ang kaso.

Tiniyak ng NBI na bibigyan ng proteksiyon si alyas JP at kung maaaring mailagay sa Witness Protection Program (WPP).

Sinabi ni NBI Acting Director Lito Magno na susubukan nilang malaman kung ano ang mangyayari sa mismong kaso.

Sa ngayon makikipag-ugnayan na ang NBI sa kanilang mga agent mula sa Bataan at Olongapo.

Nauna rito ay lumiham para humingi  ng saklolo si JP at ang kanyang ina kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., upang bigyan ng aksiyon ang kanyang reklamo laban sa ilang mga empleyado ng Subic Bay Metropolitan Authorithy (SBMA).

Nararamdaman ni alyas JP at kanyang ina na tila binibigyan pa umano ng proteksiyon ng pamunuan ng SBMA ang kanilang mga inirereklamong empleyado na pawang miyembro ng SBMA police.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …