Saturday , December 13 2025

hataw tabloid

Arjo, sa career naka-focus at hindi sa mga babae

MASAYA at kuntento na raw si Arjo Atayde sa takbo ng kanyang career sa ABS-CBN2. Malaki nga ang pasasalamat niya sa alagang ginagawa sa kanya ng Kapamilya Network. “I’m very thankful sa ABS-CBN sa mga project na ibinibigay nila sa akin.  Sana magtuloy-tuloy lang ‘yong magagandang break na nakukuha ko,” ani Arjo na sa estasyong ito rin siya nakakuha ng …

Read More »

Dugong Buhay, na-extend pa hanggang Oktubre

Regular ding napapanood si Arjo with Ejay Falcon sa panghapong serye ng ABS-CBN, ang Dugong Buhay. ”Masaya nga ako dahil na-extend na naman ito. Dapat first week of July na ito mag-i-end. Na-extend siya until September. Tapos muling na-extend hanggang October. “So far, so good. ‘Yong rating ng show gets higher. Sobrang blessed naman. Mahirap makapagtaas ng ratings, eh, dahil …

Read More »

Judy Ann, excited makapag-host ng game show

TINAPOS na ni Judy Ann Santos-Agoncillo ang mga haka-hakang iiwanan na niya angABS-CBN matapos muling pumirma noong Miyerkoles (Setyembre 11) ng isang two-year contract sa Kapamilya Network. Ani Juday, pinakinggan naman niya ang alok ng ibang estasyon. ”’Yung mga pakikipag-usap namin sa ibangeistasyon at mga alok nilang proyekto, andiyan naman kami para makinig. Pero sa bandang huli, hindi natin maitatanggi …

Read More »

Juday, kapamilya pa rin! (Project sa TV5, tuloy pa rin, GMA babu na)

NAG-RENEW ng kontrata si Judy Ann Santos-Agoncillo sa ABS-CBN noong Miyerkoles ng hapon kasama ang executives na sina TV production head Laurenti Dyogi, ABS-CBN broadcast head Cory Vidanes and ABS-CBN president Charo Santos-Concio at manager ng aktres na si Alfie Lorenzo. Kuwento ni Tito Alfie noong Miyerkoles ng hapon ay hindi na tiyak papayagan si Juday na gumawa ng project …

Read More »

GMA management, sinisisi sa mga negative tsismis kay Marian?

TODO depensa ang mga bayarang tagapagtanggol ni Marian Something sa nasulat na nagkaroon ng tension nang bumisita siya sa taping ni Dingdong Dantes. Pinaghihinalaang taga-production ang source ng negative chismis about Marian. Mayroon namang nagsasabing baka si Rhian Ramos ang may pakana ng negative issue about Marianita. Halatang affected much ang kampo ng aktres dahil sunod-sunod ang pagtatanggol kay Marianita. …

Read More »

Joshua, pinababayaan pa rin ng Siete (Kahit kuminis na ang mukha at nawalan na ng pimples)

NAGSIMULA sa ABS-CBN 2 si Joshua Dionisio. Nakilala siya ng publiko dahil sa mga show na ibinibigay sa kanya ng Kapamilya Network. Pero hindi pa rin satisfied ang bagets at ang mga magulang nito. Nagdesisyon silang lumipat sa GMA 7 sa pag-aakalang dito ay mas lalong makikila at maaalagaan ang career ni Joshua. Noong una ay okey naman ang pangangalagang …

Read More »

Derek, ‘di kayang pasikatin ng TV5

TILA hindi maibigay ng TV5 ang kasikatang tinatamasa noon ni Derek Ramsay sa ABS-CBN. Lahat na ng pagsubok ay ibinigay na sa actor. At ang ang pinaka-latest ngayon, sila na raw ni Cristine Reyes. Teka! May maniniwala kaya? Kuya Germs, producer na ng teleserye? MAY mga nagkakalat na si Kuya German Moreno ang producer ng teleseryeng Got to Believe ng …

Read More »

Tuesday Vargas, bida na sa Ang Turkey Man Ay Pabo Rin

BIGGEST BREAK ng versatile na komedyanang si Tuesday Vargas ang pelikulang Ang Turkey Man Ay Pabo Rin, isa sa walong pelikulang kalahok sa CineFilipino Festival. Ayon sa aktres, ibang Tuesday ang mapapanood sa kanya rito. “OO, kasi, hindi ako madalas nakikita na nagseseryoso. Makulit ang character ko rito, pero makikita nila na kapag nade-develop na ‘yung story, makikita nila iyong …

Read More »

Multiple Murder vs Sajid Ampatuan pinagtibay ng CA (Sa November 23 massacre)

PINAGTIBAY ng Court of Appeals (CA) ang pagsasampa ng kasong multiple murder laban sa isa pang miyembro ng pamilya Ampatuan hinggil sa karumal-dumal na Maguindanao massacre noong Nobyembre 23, 2009 na ikinamatay ng 58 katao kabilang ang higit 30 kasapi ng media. Batay sa 12 pahinang desisyon na may petsang Setyembye 10, 2013 na isinulat ni Associate Justice Rodil Zalameda, …

Read More »

Napoles itinurong mastermind sa pork barrel scam

TAHASANG inihayag ng whistleblower na si Benhur Luy na si Janet Lim-Napoles ang mastermind sa kanilang mga transaksyon sa pork barrel fund scam. Taliwas ito sa ilang impormasyon na may ‘tao’ nasa likod ni Napoles na nagdidikta sa kanyang mga ginagawa. Sa pagtatanong ng mga senador, inisa-isa ni Luy ang kanilang mga ginagawa mula sa pakikipag-usap sa mga mambabatas, follow-up …

Read More »

MNLF gagamitan na ng pwersa — Palasyo

HINDI mangingimi ang pamahalaan na gamitin ang pwersa ng estado para protektahan ang mga mamamayan kaya hinimok ang mga nasa likod ng Zamboanga City standoff na makipagtulungan upang malutas sa mapayapang paraan sa lalong madaling panahon. Ito ang nakasaad sa pahayag ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda kahapon sa ika-apat na araw ng standoff sa nasabing siyudad ng tropa ng pamahalaan …

Read More »

Ex-SolGen Chavez pumanaw na

PUMANAW na si dating Solicitor General Frank Chavez matapos makaranas ng stroke kamakalawa ng gabi. Kinompirma kahapon ni Ingrid Chavez na noon pang Hulyo na-confine sa ospital ang kanilang ama. Ang opisyal ay ipinanganak sa Bateria, Sagay, Negros Occidental noong Pebrero 6, 1947. Siya ay nag-aral ng school education sa University of Negros Occidental-Recoletos, at nagtapos bilang salutatorian. Pumasok siya …

Read More »

P18/100 kWh dagdag singil ng Meralco

INIHAYAG ng Manila electric Company (Meralco) na magdadagdag sila ng P18 sa kada 100 kilowatt (kWh) na konsumo ng koryente ngayon buwan. Gayonman, halos hindi anila mararamdaman ng konsyumer ang pagtaas ng singil sa koryente dahil kadalasan naman sa mga household ay hanggang 100kWh lamang ang konsumo sa isang buwan. Ayon sa Meralco, bagama’t bahagyang bumigat ang generation and transmission …

Read More »

Travel advisory vs PH dumagsa

KABILANG na rin ang Hong Kong sa mga nagdeklara ng travel ban laban sa Filipinas dahil sa kaguluhan sa Zamboanga City. Ayon sa latest advisory ng HK government, hindi lamang sa Zamboanga pinagbabawalan ang kanilang mga kababayan kundi pati na sa buong Filipinas. Ang abiso ay iba pa sa travel alert na dati nang ipinaiiral kaugnay ng nangyaring Manila hostage …

Read More »

PH BoC, Korea nagkasundo sa Customs trade

PORMAL na pumirma ng kasunduan ang Filipinas at ang Republic of Korea (ROK) na naglalayon na mas lalong mapabuti ang customs trade sa pagitan ng dalawang bansa. Walang iba kundi si Bureau of Customs Commissioner Rozanno “Ruffy” Biazon at ang kanyang counterpart na si Korean Customs Service Head Back Chan Un ang sumaksi sa pagpirma ng Memorandum of Agreement (MoA) …

Read More »

Police asset itinumba sa harap ni misis

LAGUNA – Agad binawian ng buhay ang isang hinihinalang asset ng pulis makaraang pagbabarilin sa harap ng kanyang misis ng dalawang hindi nakilalang salarin kamakalawa sa San Vicente Road, Brgy. San Vicente, bayan ng San Pedro. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Neil Depano, 40, naninirahan sa Bonifacio Street, Purok 1, Brgy. Magsaysay ng nabanggit na lugar. Ayon sa ulat, …

Read More »

12 arestado sa ‘putahan’

NAARESTO ang 12 katao kabilang ang walong babae sa pinaigting na kampanya laban sa mga putahan at mga walang work permit sa Taytay, Rizal. Gayonman, natuwa pa ang mga empleyado ng Ysabell KTV Bar dahil ligtas na sila sa kamay ng isang alyas Alvin na may-ari ng nasabing club, na sapilitang nag-uutos na magtanghal ng malalaswang panoorin sa harap ng …

Read More »

2 parak nadakma sa anti-drug ops

POSIBLENG masibak sa serbisyo at tiyak na masasampahan ng kasong kriminal ang dalawang pulis na nakalawit sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa General Santos City. Tinukoy ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Undersecretary Arturo Cacdac, Jr., ang mga suspek na sina PO3 Fernando Alim, 49, at PO1 Kadil Masahod, 34, pawang mga residente ng Sultan Kudarat at …

Read More »

Chief of Staff ni Enrile sumibat (Sa gitna ng ‘pork barrel’ scam probe)

LUMABAS na ng bansa si Atty. Lucila “Gigi” Gonzales Reyes, dating chief of staff ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile, sa gitna ng scam na kinasasangkutan ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng mga mambabatas. Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, si Reyes ay umalis ng Manila nitong Agosto 31 dakong 7:30 p.m. lulan ng Cebu Pacific flight 5J …

Read More »

Ate Shawie parang Poncio Pilato na nilinis ang pangalan ng asawang si Sen. Kiko sa paggamit ng Pork Barrel

NAGMUKHA ngang PONCIO PILATO si Ms. SHARON CUNETA-PANGILINAN nang tila ‘nilabhan’ ang kanyang asawang si Sen. KIKO PANGILINAN at kung paano niya gastahin ang PORK BARREL na nakalaan sa kanya. Ayon kay Ms. Shawie na inihayag niya sa kanyang Twitter account, hindi raw misused ang pork barrel ng kanyang husband. “His (Pork barrel) was well-accounted for, napunta sa lahat (nang) …

Read More »

Jerry Zunga para kapitan sa Guadalupe Nuevo, Makati

BUMABALIK daw po ang mga ZUNGA sa pamamagitan ng kanilang utol na si JERRY para makapaglingkod sa Barangay Guadalupe Viejo sa Makati City. Noong panahon ng utol ni JERRY na si NOEL ZUNGA, walang problema sa PEACE & ORDER sa kanilang lugar. Mga lehitimong negosyante at franchisee ng limang outlet ng Jollibee at mayroong pang 20 dollar exchange outlets, nagagawa …

Read More »