Friday , December 27 2024

hataw tabloid

So pumasok sa top 10 world ranking

PINALUHOD ni Pinoy super grandmaster Wesley So si American GM Timur Gareev upang sumampa sa semifinals round ng 2014 Millionaire Chess Open sa USA. Umabot sa 42 moves ng Ruy Lopez bago pinagpag ni top seed So (elo 2755) si Gareev (elo 2612) upang makalikom ang Pinoy ng six points matapos ang seventh round. Ang top four pagkatapos ng pitong …

Read More »

TNT pinataob ng Batang Pier sa Albay

PINANGUNAHAN nina Stanley Pringle at Ronjay Buenafe ang matinding ratsada ng Globalport sa huling yugto tungo sa 88-78 panalo kontra Talk n Text noong isang gabi sa huling laro ng PBA Holcim Liga ng Bayan sa Legaspi City, Albay. Naisalpak nina Pringle at Buenafe ang tig-isang tres upang burahin ng Batang Pier ang 64-60 na kalamangan ng Tropang Texters sa …

Read More »

Pagkuha ng Hapee kay Newsome legal — Dy

KLINARO ng ahente ni Chris Newsome na si Charlie Dy ang mga pahayag ni Tanduay Light coach Lawrence Chiongson tungkol sa kaso ng dating manlalaro ng Ateneo Blue Eagles na pumirma ng kontrata sa Hapee Toothpaste sa PBA D League. Ayon kay Dy, natanggap niya ang alok ni Chiongson ilang oras pagkatapos na lumipas ang limang araw na grace period …

Read More »

Malaya naging malayang-malaya

Naging malayang-malaya na nakalayo ang kabayong si Malaya sa naganap na 2014 PHILRACOM “Sampaguita Stakes Race” sa pista ng Metro Turf sa Malvar, Batangas. Mainam din ang kanyang tinapos na tiyempong 1:49.0 (13’-23-23-23-26’) para sa distansiyang 1,800 meters dahil pagsungaw sa rektahan habang lumalayo ay nakapirmis lamang sa ibabaw ang hinete niyang si Unoh Basco Hernandez, kaya umasang may maipapakita …

Read More »

Mga Off-Track-Betting Stations Bawal Malapit

Sa Mga Eskuwelahan at 13th KDJM Derby Tagumpay LAKING TUWA ng mga residente ng magsara ang isang Off-Track-Betting Stations sa may P.Ocampo st., Malate, Manila. Malapit kasi ito sa mga eskuwelahan. Bilang nagtaka ang mga residente sa may P. Ocampo street ng biglang mag-operate na muli ang nasarang isang ZONTEC BAR & GRILL na isa diumanong OTB na wala naming …

Read More »

Dream house ni Jason para sa kanila ni Vickie, ipatatayo pa

ni Pilar Mateo ANONG nangyari? Nang si Jason Abalos na ang magbanggit ng katagang “investment” sa ilang tanong sa kanya pertaining to his relationship with Vickie Rushton, react ang press na nasa presscon ng pagbibidahan nitong Two Wives with Erich Gonzales and Kaye Abad. Usap-usapan kasi ‘yung pagre-regalo raw niya ng sasakyan sa girlfriend paglabas nito Sa Bahay ni Kuya. …

Read More »

Pagbabalik ni Aga sa showbiz, matatagalan pa; real estate business inaasikaso pa

KATUWANG pala ni Aga Muhlach ang misis niyang si Charlene Gonzales-Muhlach sa pag-aasikaso ng property nila na gagawing negosyo. Magka-text kami ni Mommy Elvie Gonzales, ina ni Charlene tungkol sa ibinigay nilang Labrador retriever sa amin at sabay kumusta sa anak niya na sabi namin ay sana maging visible na sa telebisyon. Ang sagot sa amin, “maybe not so soon, …

Read More »

Andi, 3 weeks nang BF si Bret

ni Alex Datu HIWALAY na sina Andi Eigenmann at Jake Estrada kaya balitang kung kani-kanino sila nakikipag-date. Madalas ngayon napagkikitang magkasama sina Andi at Brent Jackson at si Jake naman, caught-in-the act umano na may kahalikang girl na itinuturong ugat ng hiwalayan ng dalawa. Kamakailan ay may nag-PM (private message)  sa amin at may naka-attach na pictures nina Andi, Brent …

Read More »

Eat Bulaga host at PBB housemate, wagi sa Miss World

HINDI inaasahan ni dating Eat Bulaga host at PBB housemate Valerie Weigmann na siya ang mag-uuwi ng korona sa katatapos na Miss World 2014 pageant noong Linggo ng gabi. Tinalo ng 24 taong gulang ang 25 iba pang kandidata sa Miss World pageant. “Ako naman, win or lose, it’s still the experience that I gained,” ani Valerie. Hindi pa man …

Read More »

Galing sa pagme-make-up ni Paolo, hinangaan sa ibang bansa

ni John Fontanilla NA-FEATURE ang Dabarkads na si Paolo Ballesteros sa pamosong New York City based, Buzz Feed, an international internet news media organization. Nakasaad sa Buzz Feed na, “This guy has been instagramming himself made up like female.” Maaalalang sumikat sa bansa si Paolo sa kanyang make-up transformation na ilan sa mga sikat sa local and Hollywood celebrities ang …

Read More »

Hulog King, bagong title ni James Reid

ni ED DE LEON   NATAWA kami roon sa isang comment sa social media. May bago na raw title iyong male starlet na si James Reid. Dapat daw tawagin iyong “hulog king”. Isipin nga naman ninyo, sa dinami-rami ng mga modelong nasa stage na iyon, bukod tanging siya lang ang nahulog doon sa butas. Mabuti hindi masama ang bagsak niya …

Read More »

Sakit na ulcer ni Ate Vi, bumalik

ni ED DE LEON AFTER some time na kailangan niyang magpahinga, balik trabaho na sa kapitolyo si Governor Vilma Santos. Pero nilinaw niyang talagang stress lang naman ang tumama sa kanya, at saka nagbalik iyong problema niya sa ulcers, pero hindi naman ganoon kalala iyon. Talagang sobra lang siguro ang trabaho niya, at kahit nga nagpapahinga kailangan pa rin niyang …

Read More »

Bonggacious ang PR at balayzung ni Pokwang!

It’s not everyday that one gets invited to Pokwang’s fabulous Antipolo mansion. Kaya naman go agad kami ni Peter L., upon the invitation of our angel Eric John Salut. Anyway, the weather was inclement and was not conducive to a visit such as this but the press people seemed not to mind one bit. Anyhow, after what seemed like eternity, …

Read More »

Dermatologist kuning!

Amusing naman ang kwento-kwento tungkol sa aesthetician o dermatologist na ‘to. Hahahahahahaha! May name na rin naman siya dahil dekada na rin ang binibilang niya sa skin care business pero up to now, mahiwaga pa rin talaga siya in as far as we are concerned. At any rate, kumikita na rin naman siya dahil up to now, bukambibig pa rin …

Read More »

Transgender inilublob sa inodoro hanggang mamatay (Nabuking ng sundalong Kano na hindi tunay na babae)

HINIHINALANG sinadyang patayin ang isang transgender ng sinabing kaulayaw niyang isang US serviceman makaraan matagpuang nakalublob ang ulo ng biktima sa ino-doro ng motel sa Olongapo City kamakalawa ng gabi. Iniimbestigahan ng Region 3 PNP ang pagkamatay ni Jeffrey Laude, alyas Jennifer, 26, ng 5th St., Drapper West, Tapinac, ng nasabing lungsod, bali ang leeg at nakalawit ang dila nang …

Read More »

‘Rantso’ inireklamo inmates pinatahimik ng tear gas

GENERAL SANTOS CITY – Hinagisan ng tear-gas ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang mga bilanggo ng Lanton City Jail nang magwelga dahil sa hindi patas na pagbibigay ng rasyon ng pagkain. Ayon sa isang nagpakilalang si Melissa, kapatid ng isang preso, sinabi sa kanya ng kapatid na hindi maayos at ‘biased’ ang pamimigay ng …

Read More »

16-anyos nagbigti sa kaarawan (Ex-GF ‘di sumipot sa handaan)

  NAGBIGTI ang isang 16-anyos binatilyo nang hindi sumipot ang kanyang dating nobya sa pagdiriwang ng kaarawan ng biktima kamakalawa ng madaling araw sa Marikina City. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Nolie Bruce, nakatira sa 68 Palay St., Brgy. Tumana sa naturang lungsod. Dakong 4:30 a.m. nang natagpuan ng tiyuhin na si Abner Marcos, 34, ang pamangkin habang nakabigti …

Read More »

Pasang Masda sa LTFRB: Pasahe sa jeep ibaba sa P8

HIHILINGIN ng grupong Pasang Masda transport group sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ibaba ang pasahe sa P8 kasunod ng rollback sa presyo ng petrolyo kamakalawa. Ayon kay Pasang Masda national president Robert Martin, makikipagpulong sila kay LTFRB Chairman Winston Gines at pag-uusapan nila ang magiging kasunduan para hindi sila maagrabyado sakaling tumaas o bumaba ang presyo …

Read More »

Manyak itinumba ng utol ng rape victim

PATAY noon din ang isang lalaki makaraan pagbabarilin ng riding-in tandem sa Quezon City kahapon ng umaga. Sa ulat kay Sr. Supt. Joel Pagdilao, QCPD director, kinilala ang napatay sa pamamagitan ng driver’s license na si Ruel Opelanos ng P. Guevarra St., San Juan City. Sa imbestigasyon, nakatayo ang biktima sa Driod St., Brgy. Kaunlaran, Cubao, Quezon City nang sumulpot …

Read More »

Lolo dyuminggel sa ilog nalunod

NALUNOD ang isang 62-anyos lalaki makaraan mahulog habang umiihi sa tabi ng ilog sa Brgy. Sto. Rosario, Hagonoy, Bulacan kamakalawa. Ayon sa ulat ng Hagonoy Police, wala nang buhay nang matagpuang lumulutang sa ilog ang biktimang si Manuel Dumasig, 62, residente ng Santos St., Brgy. San Roque, Angat. Nabatid na nagtungo sa Hagonoy ang biktima upang makipaglamay sa burol ng …

Read More »

Nag-groupie sa tabing-dagat dalagita nalunod

NALUNOD ang isang 17-anyos dalagitang estudyante makaraan tangayin nang malaking alon habang nagpapakuha ng larawan sa tabing dagat kasama ng kanyang mga kaklase nitong Linggo sa Brgy. Masikil, Bangui, Ilocos Norte. Sa imbestigasyon ng pulisya, nagkayayaang pumunta sa tabing dagat ang pitong magkakaklase kabilang ang biktimang si Cheska Agas para magpakuha ng larawan. Habang naggo-’groupie’ humampas sa kanila ang malaking …

Read More »