Monday , July 14 2025

Pacman nagpakita ng dating bangis (6 na beses pinabagsak si Algieri)

112414_FRONTBINIGYAN ng boxing lesson ni Manny Pacquiao ang walang talong si Chris Algieri sa naging paghaharap nila kahapon sa Macau para irehistro ang isang unanimous decision at  mapanatili ang korona sa WBO welterweight sa harap ng libu-libong fans na dumagsa sa CotaiArena.

Sa kabuuan ng 12 rounds ay dinomina ni Pacquiao si Algieri at anim na beses niyang pinahiga sa canvas ang Kanong boksingero.

Sa Round 2 ay isang kombinasyon ang pinawalan ni Pacman na tumama kay Algieri kasabay ng pagkadulas ng huli.  Bagama’t kinontes ng kampo ni Algieri na “slip” lang ang pagkakatumba ng Kanong boksingero, binig-yan siya ng standing 8-count.

Ang dalawa pang bagsak ni Algieri ay nangyari sa Round 6.   Sinundan iyon ng dalawa pang plakda sa Round 9 at isa sa Round 10.

Bagama’t nakatikim ng mababagsik na suntok si Algieri ay nagawa niyang tapusin ang 12 rounds.

Sa post interview, nagbigay ng paghanga si Algieri sa naging performance ng Pambansang Kamao. “Manny is the best in the world at fighting like Manny Pacquiao. The plan was to get into the later rounds without incurring too much damage and land shots that would hurt him.”

Pahayag naman ni Pacquiao na handa na ni-yang tapusin si Algieri nang bumagsak sa 9th round pero mabilis ang mga paa nito na nagawang makatakbo sa mga suntok niyang finale.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Dave Gomez Sharon Garin

Gomez, bagong Press Secretary Garin, itinalagang Energy chief  

IPINAHAYAG ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., …

dead gun

Tagayan nirapido ng tandem, napadaan na katagay patay

ISANG 25-anyos na lalaki ang namatay habang sugatan ang dalawang iba pa nang pagbabarilin ng …

Marikina

Marikina LGU suportado shoe industry ng bansa

MULA noon hanggang ngayon, suportado ng Marikina City local government unit (LGU) ang kabuhayan ng …

PAGASA Bagyo LPA

Sa loob at labas ng PAR  
3 LPS INAANTABAYANAN

MASUSING binabantayan ng ­Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang tatlong low pressure …

Arrest Posas Handcuff

Illegal alien may patong-patong na kaso
Utol ng economic adviser ni Duterte inaresto

DINAKIP ng mga tauhan ng Pasay City Police ang Chinese national na si Tony Yang, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *