Wednesday , April 24 2024

19-anyos bebot na-gang rape ng 4 katagay

111014 rapeZAMBOANGA CITY – Halinhinang ginahasa ang isang 19-anyos dalagita ng kanyang apat na mga kaibigan habang nakikipag-inoman sa Brgy. Guiwan sa Zamboanga City kamakalawa.

Base sa salaysay ng biktima sa mga pulis ng Divisoria police station, sumama siya sa bahay ng isa sa mga suspek at nakipag-inoman hanggang umabot sila ng hanggang 2 a.m.

Kasama siya ng dalawang lalaking suspek na sina Benjamin Pingad y Quijano, 19, at Jose Carlo Angelo Sanson y Perez, 26.

Kasama rin nilang nakipag-inoman ang dalawang bading na hindi pa pinangalanan.

Dahil sa sobrang kalasingan, pumasok siya sa kwarto ng bahay at doon nakatulog at nagising na lamang nang maramdaman ang ginagawa sa kanya ng dalawang suspek.

Sa isinagawang follow-up operation ng mga pulis, nahuli ang mga suspek.

Pursigido ang dalaga na sampahan ng kasong rape ang mga suspek.

Beth Julian

About hataw tabloid

Check Also

drugs pot session arrest

4 arestado sa pot-session sa Valenzuela

SWAK sa kulungan ang apat katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot …

arrest prison

Sigang tambay, kulong

‘IBINALIBAG’ sa selda ang 22-anyos tambay makaraang pumalag at ‘magpamalas ng kabangisan’ nang ireklamo ng …

Win Gatchalian

Mas maigting na pakikilahok ng LGUs sa edukasyon isinusulong ni Gatchalian

MULING isinulong ni Senador Win Gatchalian na paigtingin ang pakikilahok ng local government units (LGUs) …

Namatay sa baha sa Dubai
LUBOS NA TULONG MARAPAT IGAWAD SA TATLONG OFWs

KASUNOD ng pagpapaabot ng taos-pusong  pakikiramay sa pagkamatay ng tatlong overseas Filipino workers (OFWs) sa …

Paco Catholic School Fire Sunog

Pagkatapos ng P15-M sunog sa palengke
PACO CATHOLIC SCHOOL NO FACE-TO-FACE CLASSES

INIANUNSIYO ng Paco Catholic School (PCS) ang suspensiyon ng face-to-face classes simula bukas, Martes, 23 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *