Concert ni Toni Gonzaga sa MoA kompirmadong kumita (Pops Fernandez bilib sa talent at pagiging multi-media artist)
VINDICATED si Toni Gonzaga at ang kampo nila laban sa gumawa ng black propaganda para siraan ang 15 anniversary concert ng sikat na singer-actress/host na Celestine na ginanap last October 3 sa SM Mall of Asia Arena.
Naisulat na namin at ilang press na sumusuporta kay Toni ang tagumpay ng kanyang konsiyerto at nabigyang linaw na rin na hindi totoong konti lang ang nanood dahil lampas 90% ang crowd ni Toni sa gabi ng kanyang concert at ito ay pinatotohanan mismo ng MOA. Ngayon ay hindi na lang kami ang nagtatanggol kay Toni, dahil nagsalita na rin ang main producer ng concert nito na si Pops Fernandez hinggil sa naturang issue.
Nagbigay ng statement si Pops nang ma-interview siya kamakailan ng entertainment press para sa reunion concert nila ng ex na si Martin Nievera. Narito ang mga naging pahayag ng Concert Queen, โWe did very, very well. Iโm very happy, Iโm very impressed kay Toni, I know sheโs a good singer, she could dance. And I know she put, I think, more than a hundred percent on that show kasi siya siya talaga โyung, actually silang dalawa ni (Paolo Valenciano) ang nag-conceptualize ng show, she worked so hard for it, she really rehearsed for it,โ ani Pops.
Patuloy ng Concert Queen na talagang pinupuri ang Kapamilya star, โWhen I chose to produce Toni, alam kong magaling siyang kumanta, nakasasayaw siya, at magaling siyang magsalita. But when I watched her in the concert, mas na-surprass pa niya โyung bilib ko sa kanya because nga she was very calm, sheโs such a perfectionist. And I think people expected her to have the title โConcert Queen.โ
โTama si Martin. Why would she aspire for that? I think she has her own title which is better. She is a multi-media artist,โ sunod-sunod pang sambit ng singer businesswoman. May masasabi pa ba kami e lahat binanggit na ni Pops and among Kapamilya stars bukod kay Kris Aquino sino pa ba ang pwedeng itapat kay Toni sa pagiging multi-media star? Sa tingin namin ay wala na at โyan ang โtruth and nothing but the truth.โ Pero humahabol rin sa kanya ang younger sister na si Alex Gonzaga na next year ay mas lalong bobongga ang career at maituturing nang little multi-media artist gyud!
ni Peter Ledesma

