MULING nagtaas ng red alert ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Luzon dahil sa kakapusan ng koryente. Ayon sa abiso ng NGCP, epektibo ang pinakamataas na alerto simula 11:00 am hanggang 3:00 pm. Habang yellow alert ang paiiralin simula 4:00 pm hanggang 11:00 pm. Nag-ugat ito sa aberya ng pitong planta na pinagkukunan ng supply para sa …
Read More »Party-list system inaabuso (Kontra con-ass binuweltahan ni Duterte)
INIHAYAG ni Pangulong Rodrigo Duterte, tatanggalin na ang party-list system sa bansa kapag nabago na sa Federalismo ang porma ng gobyerno. Sinabi ni Pangulong Duterte, sobra na ang pagkaabuso sa sistema kaya bago sisimulan ang pag-amyenda sa Saligang Batas, igigiit niya ang pagtanggal sa party-list system. Ayon kay Pangulong Duterte, sinasamantala ito ng mayayaman na bumibili o bumubuo ng party-list …
Read More »10 lugar signal 1 kay Carina
ITINAAS na ang anim lugar sa tropical cyclone signal number 1 bunsod ng Tropical Depression “Carina” ayon sa ulat ng weather bureau Pagasa kahapon. Ayon sa Pagasa, napanatili ni Carina ang lakas, na may maximum sustained winds na hanggang 55 kilometro kada oras. Habang palapit si Carina sa lupa, nadaragdagan ang mga lugar na inilalagay sa signal number 1. Kabilang …
Read More »Sink hole lumawak, 134 pamilya inilikas (Sa South Cotabato)
GENERAL SANTOS CITY – Aabot sa 134 pamilya ang sapilitang inilikas mula sa Brgy. Silway 8, Polomolok, South Cotabato makaraan ang patuloy na pag-ulan sa kanilang lugar na malapit sa sink hole. Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC), pinangangambahang mas lumawak pa ang butas sa lupa na may lawak na 40 metro at lalim na 35 feet …
Read More »DTI official pinagreretiro ng konsyumers
HINIKAYAT ng Filipino Consumer Federation (FCF) si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na palitan na si Undersecretary Victor Dimagiba na sinasabing responsable sa pagkalat ng substandard products kagaya ng bakal, semento, electrical wires, plywood at iba pang construction materials sa bansa. “Aside from questionable actions of Dimagiba, he is already above the mandatory retirement age of …
Read More »Mr. and Miss Campus Face Universe Philippines 2016, grand pageant night gagawin sa Music Museum
NGAYONG Sabado, July 30 magaganap ang Grand Pageant Night ng Mr and Miss Campus Face Universe Philippines 2016 sa Music Museum sa Greenhills, San Juan, 7:00 p.m. hosted by Alvir Antoine at Magic Tood. Bago ang grand pageant night, nagkaroon muna ng iba’t ibang aktibidades ang Mr. and Miss Campus Face-Universe Philippines 2016 tulad ng Official Sashing Night noong July …
Read More »Hataw SuperBodies 2016 (Year 9), ngayong gabi na!
TULOY na tuloy na ang Hataw SuperBodies 2016 (Year 9) ngayong Sabado, July 30, 8:00 p.m. sa Music Hall, Metrowalk, Ortigas, Pasig City. Seventeen male and female official candidates ang maglalaban-laban sa pinakamalaking bikini open. Ito’y binubuo nina #1 Justin Zamora (Antipolo), #2 Calvin Dantes (Laguna), #3 Archie Guevarra (Pampanga), #4 Rhedz Turner (Pampanga), #5 Clark Dantes (Laguna), #6 Lorenzo …
Read More »Road rage suspect arestado sa Masbate
ARESTADO ng Philippine Army Intelligence units ang road rage suspect dakong 11:50 am kahapon sa Brgy. Bangat, Milagrosa, Masbate. Ayon kay Armed Forces of the Phillipines (AFP) Spokesperson B/Gen. Restituto Padilla, naging mapayapa ang paghuli ng mga sundalo sa dating reservist na si Vhon Tanto at hindi siya nanlaban. Si Tanto ang suspek sa pagpatay sa cyclist na si Mark …
Read More »2 sa 3 narco generals may prima facie evidence
INIHAYAG ni Interior and Local Government Secretary Mike Sueno, may prima facie evidence na nakita ang probe team ang DILG sa dalawa sa tatlong active police generals na iniimbestigahan ngayon dahil sa pagkakasangkot sa illegal drugs. Ang tatlong active police generals na sinasabing sangkot sa illegal drugs ay sina Police Director Joel Pagdilao, Chief Supt. Edgardo Tinio at Chief Supt. …
Read More »2 ex-DoJ off’ls nakinabang sa Bilibid drug money — Aguirre
BUBUO ang Department of Justice (DoJ) ng fact-finding committee na iimbestiga sa dalawang dating mataas na opisyal ng kagawaran na sinasabing nakinabang sa milyones na drug money mula sa high-profile inmates sa New Bilibid Prison (NBP), at sangkot sa sinasabing korupsiyon sa pondo ng Bureau of Corrections (BuCor). Ito ang ibinunyag kahapon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa ginanap …
Read More »Miss U tiyaking ‘di prehuwisyo sa Filipino
AGAD sisimulan ng Filipinas ang paghahanda bilang host ng 2016 Miss Universe pageant. Sinabi ni Department of Tourism Secretary Wanda Teo, may napili na siyang nais maging venue ng coronation night sa Enero 30, 2017. Ito ay sa Mall of Asia Arena sa Pasay City, nasa 20,000 ang capacity bagama’t patuloy pa itong pinag-aaralan. Habang isasagawa sa anim lalawigan ang …
Read More »3 itinumba sa Tacloban airport iniugnay sa drugs
TACLOBAN CITY – Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa pagpatay sa tatlo kato sa DZR Airport sa siyudad ng Tacloban nitong Biyernes ng umaga. Tadtad ng mga tama ng bala sa katawan ang tatlong biktimang hindi pa nakikilala. Ayon kay Senior Supt Rolando Bade, hepe ng Tacloban City Police Office (TCPO), ang mga biktima ay isang babae, isang lalaki …
Read More »Tiyuhin pinatay ng pamangkin dahil sa walis-tingting
DAGUPAN CITY – Pinatay sa taga ng pamangkin ang kanyang tiyuhin nang mapuno dahil sa pananakit sa kanya sa Brgy. Guliman sa bayan ng Malasiqui sa lalawigan ng Pangasinan kamakalawa. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Silverio Angel nang tagain ng pamangkin na si Oliver Ramos makaraan pagalitan dahil sa hindi pagbabalik ng hiniram na walis-tingting. Ayon sa suspek, …
Read More »Yorme Erap takot ba sa Lawton illegal terminal operator?
KA JERRY, tama ka. Nilinis ni Mayor Erap ang Divsoria at Blumentritt pero nagtataka ako bakit hindi nya maalis ang illegal terminal sa Lawton. Takot ba cya o may pakinabang sa operator diyan? +63918769 – – – – Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN …
Read More »Miss U sa 2017 gaganapin sa PH sa Jan 30 — DoT
INIANUNSIYO ni Tourism Sec. Wanda Teo ang pagdaraos ng Miss Universe sa Filipinas sa Enero 30, 2017. Napag-alaman, ito ang agenda na isinakatuparan ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa kanyang pagbabalik sa bansa at courtesy call kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang kamakailan. Ipinaabot ni Pia kay Duterte ang pagnanais na matuloy ang kanyang proposal na ang Filipinas ang …
Read More »Word war nina Alvarez at De Lima tumindi (Sa Bilibid drugs)
MISTULANG “guilty” si dating Justice Secretary at ngayon Sen. Leila de Lima sa ibinabato sa kanya na mga alegasyon tungkol sa paglaganap ng ilegal na droga sa New Bilibid Prisons (NBP) noong nasa ilalim pa ito ng kanyang pamumuno. Ito ang pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez kasunod sa naging statement ng senadora na kailangan muna mag-research ng kongresista kaugnay …
Read More »No HR violations sa anti-drugs campaign (Tiniyak ng PNP)
TINIYAK ng pamunuan ng pambansang pulisya, hindi malalabag ang karapatang pantao ng mga mamamayan sa lalong pinalakas na anti-illegal drugs campaign. Ito’y kasunod nang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga napapatay sa inilulunsad na operasyon ng PNP. Una rito, iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PNP na triplehin pa ang kanilang trabaho lalo na sa kampanya kontra ilegal na …
Read More »5 presidente dumalo sa NSC meeting (Aquino inisnab si GMA)
DUMALO ang lahat na dating pangulo ng bansa sa ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kauna-unahang National Security Council (NSC) meeting kahapon. Kabilang dito sina dating Pangulong Fidel Ramos, Joseph Estrada, Gloria Arroyo at Benigno Aquino III. Layunin ng multipartisan dialogue sa NSC na magkaroon ng consensus sa gagawing polisiya at estratehiya sa pagtugon sa mahahalagang national concerns partikular ang …
Read More »Traffic Crisis Act inihain sa Kongreso
INIHAIN na sa Kongreso ang panukalang “Traffic Crisis Act,” magbibigay ng solusyon sa problema ng trapiko sa bansa. Sinabi ni Speaker of the House Pantaleon Alvarez, ang House Bill No. 3 ay naglalayong bigyan ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte ng dalawang taon para sa pagresolba ng road at air traffic congestion sa Metro Manila at Cebu province. Napapaloob …
Read More »Pumatay sa siklista sa Quiapo, susuko na
NAGPAHAYAG nang kagustuhang sumuko sa Manila Police District (MPD) ang driver ng kotse na bumaril at nakapatay sa naka-alitang siklista sa Quiapo, Manila nitong Lunes. Ayon kay MPD Director chief Supt. Joel Coronel, nakatanggap sila ng impormasyon na nakahandang magpaliwanag ang driver ukol sa kanyang pagbaril sa bicycle rider na si Mark Vincent Geralde sa P. Casal Street kahapon. Una …
Read More »16-anyos bagets patay sa boga ng 2 barkada
PATAY ang isang 16-anyos Grade 8 pupil makaraan barilin ng dalawang kaibigan sa bahay ng isa sa mga suspek sa Paco, Maynila kahapon. Itinago sa alyas na Totoy ang 16-anyos biktimang nabaril dakong 2:30 pm. Habang itinago sa mga alyas na Ar-Ar, 15, at Kaloy, 16, ang mga suspek na tumakas makaraan ang insidente. Base sa salaysay ng ina ni …
Read More »26-anyos guro binugbog tinangkang halayin sa sementeryo
DAGUPAN CITY – Bugbog-sarado ang isang 26-anyos guro makaraan tangkang halayin ng isang lalaki sa loob ng sementeryo sa bayan ng Bayambang, Pangasinan habang ay dumadalaw sa puntod ng kanyang ina kamakalawa. Ayon kay Bayambang chief of police, Supt. Gregorio Galsim, unang dumalaw ang biktima sa puntod ng ina para mabantayan ng ama ang hiniram nilang motorsiklo na ginamit sa …
Read More »2 sundalo sugatan sa pagsabog ng IED sa Bukidnon
CAGAYAN DE ORO CITY – Sugatan ang dalawang sundalo ng 41st Division Reconnnaissance Company sa ilalim ng 8th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Bukidnon, nang masabugan ng improvised explosive device (IED) na itinanim ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Halapitan, San Fernando kamakalawa. Sinabi ni 8th IB commanding officer, Lt. Col Lennon Babilonia, unang nakasagupa ng kanilang …
Read More »4 drug suspect utas sa police ops sa Negros’
BACOLOD CITY – Patay ang apat drug personalities nang lumaban sa operasyon ng pulisya sa Negros Occidental dakong 12:50 am kahapon. Kinilala ang dalawa sa apat na namatay na sina Andrew Tuvilla at Jun-Jun Lanzar, residente ng Brgy. Miranda, Pontevedra, No. 1 at No. 2 sa drug watchlist ng Pontevedra Municipal Police Station. Samantala, patuloy pang inaalam ang pagkakilanlan ng …
Read More »12 barkong ‘shabu lab’ negatibo
VIGAN CITY – Negatibo ang resulta nang isinagawang ocular inspection ng mga awtoridad sa mga nakatenggang barko sa Brgy. Pantay Tamurong, Caoayan, Ilocos Sur, na pinagkamalang shabu laboratory. Sa pagsisiyasat ng pulisya, napag-alamang hindi pa nakapagsasagawa ng ‘dredging operation’ ang Keenpeak company na pinagtratrabahuhan ng Chinese nationals dahil inaayos pa ang permit mula sa Mines and Geosciences Bureau kahit mayroon …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com