Thursday , July 7 2022

26-anyos guro binugbog tinangkang halayin sa sementeryo

DAGUPAN CITY – Bugbog-sarado ang isang 26-anyos guro makaraan tangkang halayin ng isang lalaki sa loob ng sementeryo sa bayan ng Bayambang, Pangasinan habang ay dumadalaw sa puntod ng kanyang ina kamakalawa.

Ayon kay Bayambang chief of police, Supt. Gregorio Galsim, unang dumalaw ang biktima sa puntod ng ina para mabantayan ng ama ang hiniram nilang motorsiklo na ginamit sa pakikipaglibing.

Habang nagtitirik ng kandila ang guro sa puntod ay dumaan ang isang lalaki, agad tinakpan ang kanyang bibig at tinangka siyang halayin.

Lumaban ang biktima at kinagat sa braso ang suspek makaraan siyang iniuntog sa nitso at binugbog.

Nakalabas sa compound ng sementeryo ang sugatang biktima at nakahingi ng tulong sa ama na naghihintay sa kanya kaya’t nadala siya sa ospital at nakapagsumbong sa pulisya.

About hataw tabloid

Check Also

Ops kontra sugal ikinasa 6 SUGAROL NASAKOTE SA CALAMBA, LAGUNA Boy Palatino

Ops kontra sugal ikinasa
6 SUGAROL NASAKOTE SA CALAMBA, LAGUNA

NASUKOL ng mga awtoridad ang anim na indibiduwal na sangkot sa ilegal na pagsusugal sa …

arrest, posas, fingerprints

Wanted sa murder
LIDER NG GUN-FOR-HIRE GROUP ARESTADO

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking wanted sa kasong murder at sinasabing lider ng …

dead gun

Convenience store nilooban
KAWATAN BULAGTA SA ENKUWENTRO, KASABWAT NAKAPUSLIT

NAPATAY ng mg aawtoridad matapos manlaban ang isang armadong lalaking pinaniniwalaang nanloob sa isang convenience …

marijuana

Nagkakalat ng marijuana sa Bulacan
TULAK AT RUNNER NA MENOR DE EDAD, TIKLO SA DRUG STING 

NAARESTO ng mga awtoridad ang dalawang personalidad na pinaniniwalaang tulak ng marijuana kabilang ang isang …

dead gun police

Sa Jaen, Nueva Ecija
CARETAKER NIRATRAT NG RIDING-IN-TANDEM 

PATAY ang isang caretaker nang barilin ng dalawang armadong lalaking magkaangkas sa motorsiklo sa bayan …

Leave a Reply