TODAS ang isang 60-anyos gunrunner makaraang manlaban sa mga awtoridad nang matunugan na parak ang napagbentahan niya ng baril sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot nang buhay sa Dr. Jose Rodriguez Hospital ang suspek na si Dominador Talusay, tubong Munoz, Nueva Ecija, at naninirahan sa 781 Orchids St., Bo. Concepcion, Brgy. 188 Tala ng nasabing lungsod. Habang …
Read More »Mamondiong new TESDA Secretary
ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Atty. Guiling Mamondiong bilang TESDA Secretary. Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa kanyang pakikipagharap sa mga kababayang Muslim sa Davao City. Sinabi ni Pangulong Duterte, layunin ng maraming Muslim sa kanyang gabinete na makabuo nang katanggap-tanggap na framework para sa MILF at MNLF partikular sa grupo ni Nur Misuari. Ayon kay Duterte, nais …
Read More »1st LEDAC meeting pagkatapos ng SONA
NAKATAKDANG ipatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang unang Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting pagkatapos ng unang State of the Nation Address (SONA). Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, dito ilalatag ni Pangulong Duterte sa mga lider ng Kongreso ang kanyang legislative agenda o priority bills. Sa nasabing LEDAC meeting, inihaharap ng Ehekutibo ang mga panukalang batas para mailagay ng …
Read More »Pabuya vs Duterte galing sa drug triad (Kompirmasyon ng SolGen)
HINDI inaalis ng Malacañang ang posibilidad na ang mga pinangalanang drug lords ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-ambag-ambag ng pabuya para mawala sa landas nila ang Pangulo at si PNP chief Ronaldo “Bato” dela Rosa. Sinabi ni Solicitor General Jose Calida, kung pagbabatayan ang inilabas na organizational chart o matrix, malaki ang posibilidad na ang drug lords na sina Peter …
Read More »Bahagi ng Mindanao niyanig ng 5.2 magnitude
NIYANIG ng magnitude 5.2 na lindol ang ilang bahagi ng Mindanao kahapon ng umaga. Ayon sa ulat ng Phivolcs, naitala ang lindol dakong 7:16 a.m. kahapon. Natukoy ang epicenter sa 09 km hilagang kanluran ng Talacogon, Agusan Del Sur. May lalim itong 61 kilometro at tectonic ang pinagmulan. Naramdaman ang lakas ng pagyanig ng mga residente: Intensity V sa Butuan …
Read More »PH ‘wag hayaang maging Iraq, Syria — Duterte
DAVAO CITY – Sinamantala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang selebrasyon ng Hariraya o Eid’l Ftr ng mga kababayang Muslim para igiit ang hangarin niyang magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan sa bansa. Sinabi ni Pangulong Duterte, puspusan ang ginagawa ng kanyang administrasyon para malagdaan ang kasunduan sa mga rebelde partikular sa mga Moro. Ayon kay Pangulong Duterte, magkakapatid tayong lahat, Muslim man …
Read More »Drug surenderees sa Bicol higit 2,000 na
NAGA CITY – Pumalo na sa mahigit 2,000 drug personality ang sumuko sa mga awtoridad sa buong Bicol region. Nabatid na nangunguna sa may pinakamalaking surenderees ang lalawigan ng Camarines Sur na aabot na sa 1,000; sinundan ng Sorsogon na may 650; Masbate na may 321; Camarines Norte na may 303; Albay na may 488, at Catanduanes na may pinakamaliit …
Read More »BBL nananatiling opsiyon sa MILF, MNLF — Duterte
INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng mga kababayang Muslim na hindi siya nakatitiyak na magkakaroon ng federalismo sa bansa kaya nananatiling opsiyon o Plan B ang pagpasa ng Bangsamoro Basic Law (BBL). Sinabi ni Pangulong Duterte, titiyakin niyang maipasa ang BBL kung sakaling tanggihan ng mayorya ng mga Filipino ang federalismo sa isasagawang plebisito. Ayon kay Duterte, maka-aasa …
Read More »13 sundalong positibo sa droga daraan sa due process — AFP
TINIYAK ng pamunuan ng AFP na bibigyan ng “due process” ang 13 sundalo ng Philippine Army na nagpositibo sa droga sa isinagawang mandatory drug test na isinagawa sa Fort Bonifacio, Taguig City nitong Hulyo 5. Ayon kay Philippine Army spokesperson Col. Benjamin Hao, kapag napatunayang positibo sa “confirmatory test” ang mga sundalo ay sapat nang ebidensiya para tanggalin sila sa …
Read More »2 patay, 3 sugatan sa truck vs tricycle sa Quezon
NAGA CITY – Patay ang dalawa katao habang sugatan ang tatlong iba pa sa nangyaring aksidente sa Atimonan, Quezon kamakalawa. Kinilala ang mga namatay na sina Dean De Gracia, 39, at Eduardo Aguilar, habang sugatan sina Formetierra Galindo, 57; Edgar Deza, 27; at Charlie Erandio, 21. Nabatid na habang binabaybay ng truck na minamaneho ng suspek na si Eric Maupan …
Read More »Nagpakita ng ari sa babaeng estudyante, kelot arestado (Sa loob ng jeep)
ARESTADO ng mga awtoridad ang isang lalaking ilang ulit nang nagpakita ng kanyang maselang bahagi ng katawan sa isang estudyanteng babae na nakasasabay niya sa pampasaherong jeepney sa Maynila. Ayon sa ulat, nadakip ng mga pulis si Joel Curay, 37, residente ng Caloocan City, nang muling makasabay ng estudyanteng si Tina sa jeep nitong Biyernes ng umaga. Bago nito, nakuhaan …
Read More »Maliit na sasakyang pandagat ‘wag muna bumiyahe — PCG
PINAYUHAN ng Philippine Coast Guard (PCG) ang maliliit na mga sasakyang pandagat na huwag munang bumiyahe sa susunod na dalawang araw dahil sa sama ng panahon na dulot ng bagyong Butchoy. Ayon kay PCG Spokesperson Armand Balilo, maiging hintayin muna ng mga naglalayag na maging kalmado ang karagatan bago bumiyahe para maging ligtas. Napag-alaman, kamakalawa ay hindi pinayagang makabiyahe ang …
Read More »8 patay sa drug operation sa N. Cotabato
COTABATO CITY – Patay ang walo katao sa isinagawang operasyon kahapon madaling araw laban sa isang organized crime group sa Poblacion, Matalam, North Cotabato. Batay sa ulat ng Matalam PNP, inilunsad ang joint operation para isilbi ang arrest warrant laban sa mga suspek sa hinihinalang drug den sa Sitio Quiapo. Ngunit nanlaban ang mga suspek na nagresulta sa palitan ng …
Read More »Libreng kabaong, biskwit, kape at karo (Sa mapapatay na drug pusher)
GENERAL SANTOS CITY – Mamimigay ng mga gift certificate ang Local Government Unit (LGU) ng Glan, Sarangani, kasabay nang pinaigting na kampanya kontra sa droga. Ito ang kinompirma ni Mayor Victor James Yap Sr. makaraan sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na may mga alkalde na dawit sa drug trade. Mas mabuti aniyang magkaalaman na, kaya siya mismo ang mangunguna kasama …
Read More »Alok ng drug lord vs Duterte bilyones na
KINOMPIRMA ni Pangulong Rodrigo Duterte, umaabot na sa ilang bilyon ang inaalok ng mga drug lord para siya ay ipatumba. Ngunit sinabi ni Pangulong Duterte, hindi siya natatakot dahil kung sakali ay mayroon namang bise presidente na papalit sa kanya. Ayon kay Duterte, tiwala siyang magiging matapang din si Vice Pres. Leni Robredo sa mga drug lord para sa kapakanan …
Read More »Draft EO ng FOI aaralin muna — Digong
PAG-AARALAN muna ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order (EO) sa implementasyon ng Freedom of Information (FOI) Bill. Ayon sa Pangulo, kamakalawa lang naipresenta sa gabinete ang draft ng nasabing EO. Kaya kanya muna itong aaralin bago lagdaan. Sa susunod na linggo na ayon sa Pangulong Duterte, mailalabas ang EO para sa FOI Bill. Una nang ipinangako ni Pangulong Duterte …
Read More »Flood alert sa Metro pinalawig
PINALAWIG pa ng PAGASA ang umiiral na flood alert sa Metro Manila at karatig na mga lugar dahil sa epekto ng habagat na pinaigting ng bagyong Butchoy. Nakataas ang red warning alert o matinding pagbaha sa ilang lugar sa Zambales at Bataan. Habang nasa orange alert o lantad pa rin sa pagbaha ang Cavite, at Batangas. Samantala, may inisyal na …
Read More »DSWD naka-alerto sa emergency response sa bagyo
NAKA-STANDBY alert status ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagresponde sa mga naapektohan ng bagyong Butchoy na may international name na Nepartak. Ayon kay DSWD Secretary Judy Taguiwalo, patuloy na mino-monitor ng kanilang ahensiya ang mga lugar na pinaka-apektado kabilang ang Maynila, Parañaque at Quezon City na nagpalabas ng yellow warning affect. Nakahanda umano ang kanilang quick …
Read More »Ex-pres PNoy, Abad inasunto sa DAP
SINAMPAHAN nang panibagong kaso sa Ombudsman sina dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at dating Budget Sec. Florencio “Butch” Abad dahil sa isyu ng Disbursement Acceleration Program (DAP). Batay sa reklamong inihain nina Bayan Muna Rep. Isagani Zarate, Ferdinand Gaite at iba pang personalidad, kasong graft, technical malversation at usurpation of legislative powers ang inihain nila laban sa dalawang dating …
Read More »Kongresistang laging absent ‘wag sahuran — solon
HINIKAYAT ni Navotas City Rep. Toby Tiangco ang kanyang mga kasamahan na suportahan ang inihain niyang “no work, no pay bill” para matapos ang absenteeism sa Kamara. Iginiit ni Tiangco, hindi layunin ng kanyang panukala na siraan ang institusyon ng Kamara kundi ang hikayatin silang lahat na maging tapat sa kanilang sinumpaang tungkulin. Kung ordinaryong manggagawa aniya ay hindi nababayaran …
Read More »Eau De Comet pabango na amoy ihi ng pusa
NILIKHA ng isang British firm ang pabango na ang amoy ay katulad ng surface ng comet. Ang samples ng aroma ng 67P/Churyumov-Gerasimenko, na nilanghap ng Philae lander sa Rosetta mission, ay nakatakdang ilabas sa isang event sa London. Ngunit maaaring hindi n’yo ito iwisik sa iyong katawan sa big date dahil ito ay katulad ng amoy nang nabubulok na itlog, …
Read More »Bako-bako, ‘di patag na lupa good feng shui
NAGTUTURO ang Feng Shui nang matalinong paggamit sa kapaligiran. Kung ang lupa sa inyong paligid ay hindi patag at bako-bako, may naninirahan ditong maswerteng mga dragon. Kung ang lupa ay patag at featureless, walang naninirahang dragon at ang lugar ay hindi masuwerte. Gentle slopes mas masuwerte kaysa craggy slopes Ang marahang pagkurba ng lupa ay higit na masuwerte kaysa magaspang …
Read More »Ang Zodiac Mo (July 08, 2016)
Aries (April 18-May 13) Dapat iwasan ang sobrang pagpapagod at stress. Taurus (May 13-June 21) Mainam ang oportunidad na busisiin ang mga bagay sa ibang anggulo at ibahin ang mga taktika. Gemini (June 21-July 20) Walang ibang makahihikayat kundi ang oportunidad na matuto ng bagong bagay. Cancer (July 20-Aug. 10) Iwasan ang paninita sa iba, kundi ay masasangkot ka sa …
Read More »Panaginip mo, Interpret ko: Ginapangan ng ahas (2)
Ang panaginip naman ukol sa mga hayop na tulad ng baka o kalabaw ay sumisimbolo ng iyong passive and docile nature. Ito ay nagpapakita ng pagsunod sa kagustuhan ng iba ng hindi nag-iisip o nagtatanong pa. Alternatively, ang ganitong mga hayop ay nagre-represent ng maternal instincts o ng kagustuhang maalagaan o pangalagaan sila. Para sa ilang kultura, ang baka ay …
Read More »A Dyok A Day: Mister binaril ni misis nangumapak sa malinis na baldosa
AGAD tumalon at lumabas sa kanyang squad car para tumawag sa kanilang estasyon ang isang pulis. Aniya, “Mayroon tayong interesanteng kaso rito.” “Binaril ni misis ang kanyang mister dahil umapak siya sa bagong lampasong baldosa.” “Inaresto mo na ba siya?” Tanong ng sarhento sa pulis. “Hindi pa. Basa pa ang baldosa.”
Read More »