Monday , October 14 2024

Meridien legal — Fortun

021017_FRONT
INIHAYAG kahapon ng Meridien Vista Gaming Corporation na legal at lehitimo ang operasyon ng kanilang kompanya na pinupustahan gamit ang larong jai-alai.

“Habang wala pang pinal na paghuhusga ang Korte Suprema sa kaso kung legal o hindi ang  lisensiyang inisyu ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) ay walang ahensiya ng gobyernong puwedeng magsabing ilegal ang aming mga laro,” pahayag kahapon ni Atty. Raymund Fortun, ang abogado ng MVGC.

Maging si Senadora Leila de Lima ay nagpahayag kahapon sa isang pagdinig sa Senado na minsan na niyang tinangkang ipahinto ang operasyon ng Meridien, pero wala siyang nagawa nang magdesisyon ang Court of Appeals pabor sa  Meridien na nag-apela sa mataas na hukuman para pigilin ang utos ng noon ay Justice secretary.

“Ako at ang namayapang si Jess Robredo, na noon ay sekretaryo ng DILG, ay sinampahan ng injunction case sa Court of Appeals kaya hindi napahinto ang mga laro ng Meridien. Hindi ko na alam kung ano ang update ngayon ng kaso,” pahayag ng senadora kahapon sa pagdinig sa kasong pangongotong umano ng dalawang mataas na opisyal noon ng Bureau Immigration.

Ayon kay Atty. Fortun, kasalukuyan pang nakabinbin ang usapin sa Korte Suprema matapos iapela ng gobyerno ang kaso nang manalo ang Meridien sa Court of Appeals at ideklarang legal ang operasyon ng MVGC at walang basehan ang noon ay pagtatangka ng DOJ na pahintuin ang mga laro ng MVGC.

Naging isyu noon ng hepe ng DOJ na walang legal na basehan ang mga laro ng Meridien sa labas ng mga lugar ng CEZA, pero hindi ito kinatigan ng Mataas na Hukuman na nagsabing sapat na batayan ang prangkisa o lisensiya na inisyu ng economic zone authority at ang mga permiso ng mga gobyernong lokal para maging legal ang operasyon ng MVGC. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

101124 Hataw Frontpage

DOE iginarantiya sa Senado
GEA-3 AUCTION TINIYAK TAPOS NGAYONG 2024

TINIYAK ng Department of Energy (DOE) sa mga mambabatas na ang 3rd Green Energy Auction …

101124 Hataw Frontpage

Nagsimula sa P8.9-B, lumobo sa P27-B
NEW SENATE BUILDING UMABOT NA SA P33-B  
Senators sa 2027 pa makalilipat

ni NIÑO ACLAN BUKOD sa naantala, muling lumobo ang halagang igugugol sa itinayong New Senate …

Isko Moreno Chi Atienza

Isko Moreno nagbabalik sa Maynila, Chi Atienza, bise-alkalde ni Yorme para sa 2025 midterm elections

PERSONAL na tinugunan ni dating Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang minimithi at sigaw …

Nora Aunor

Nora ‘nagpagamit’ daw (sa pagtakbo bilang kongresista)

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “THIS is what, her nth time in trying her luck in …

CALABARZON’s first Metals and Engineering Innovation Center inaugurated at BatStateU Malvar

CALABARZON’s first Metals and Engineering Innovation Center inaugurated at BatStateU Malvar

THE first ever Metals and Engineering Innovation Center (MEIC) in CALABARZON was officially inaugurated at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *