Sir Jerry,’lam ba ni MPD DD Jigz Coronel na dalawang presinto ang hawak ni bagman tata boy-ong.onse at kuwatro ang hawak nito.ngpadoble tara pa. 0994166— Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
Read More »Surrender or die — Gen. Bato (Ultimatum sa anak ni Mayor Espinosa)
“KERWIN, you better surrender or die.” Ito ang babala ni PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa sa anak ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr., para sumuko sa mga awtoridad makaraan aminin na ang kanyang anak ay isang drug lord. Sa kanyang pagsasalita sa press conference, sinabi ni Dela Rosa, ang alkalde ay bumiyahe mula sa Leyte patungo …
Read More »Maaayos ang hakbang ni Duterte sa Hague ruling —PDP-Laban
INIHAYAG ni PDP-Laban Policy Studies Group head Jose Antonio Goitia na sinimulan na ni Presidente Rodrigo Duterte ang mga serye ng mabubuting hakbang sa hindi pagkilala ng China sa paborableng desisyon ng Permanent Court of Arbitration ng United Nations kaugnay ng reklamo ng Filipinas sa pag-angkin ng Beijing sa buong South China Sea. Ayon kay Goitia, pangulo rin ng PDP-Laban …
Read More »Human trafficking sa Baguio hotel iniimbestigahan
BAGUIO CITY – Iniimbestigahan ang hinihinalang kaso ng human trafficking sa isang sikat na hotel sa Camp John Hay, Baguio City. Ito’y makaraan magsumbong ang tatlong babae sa front desk ng nasabing hotel na ginahasa at pinagamit sila ng ilegal na droga ng dalawang Arabian national. Base sa inisyal na imbestigasyon, kinuha ang tatlong kababaihan, kabilang ang dalawang menor de …
Read More »Kelot nahulog mula 20/F ng QC condo, nabagok
PATAY ang isang hindi pa nakikilalang lalaki makaraan mahulog mula sa ika-20 palapag ng Berkeley Residences building sa Katipunan, Quezon City nitong Martes. Maputi at balbas sarado ang biktima at tinatayang nasa 25 hanggang 30 anyos ang edad. Ayon sa mga nakasaksi, laking gulat na lamang nila nang marinig ang malakas na kalabog makaraan tuluyang mahulog ang biktima sa gilid …
Read More »CPP ‘di aatras sa peace talk
UMAASA ang Communist Party of the Philippines (CPP) na maipagpapatuloy pa rin ang usapang pangkapayapaan sa gobyerno sa kabila nang hindi pagkakaunawaan kaugnay sa pagdedeklara ng tigil-putukan. Ayon sa CPP, welcome sa kanila ang deklarasyon ng ceasefire ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo 25 bilang hakbang sa isinusulong na itinakdang NDFP-GRP peace negotiations. Ngunit nanghinayang sila na agad din itong …
Read More »Prank callers sa Hotline 911 aarestohin — Gen. Bato
PINAALALAHANAN ni PNP chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang publiko sa mahalagang paggamit sa nationwide 911 hotline. Ginawa ng heneral ang paalala kasunod nang naitalang maraming bilang ng nanloloko o prank calls sa unang araw nang ‘activation’ ng 911 numbers. Nagbanta ang PNP chief, malalaman ang mga tumatawag na ginagawang biro ang 911 at sila ay aarestohin. Batay …
Read More »Intelektuwalisasyon ng wikang Filipino isinusulong ng KWF
ISINUSULONG ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang paggamit ng wikang Filipino sa trabaho, media, at pagtuturo ng mga asignatura sa eskuwelahan. Sa pagbubukas ng Buwan ng Wika sa tanggapan ng KWF sa Palasyo ng Malacañan kahapon, binigyang-diin ni Dr. Benjamin Mendillo, puno ng Sangay ng Salin at Publikasyon ng KWF, ang pagpasok ng Filipino sa sistema ng edukasyon bilang …
Read More »Ulan para sa sakahan, ‘di sa karagatan
NAGSASAYANG ng maraming tubig ang Filipinas ngunit kung iipunin ang sampung porsiyento ng tubig na nasasayang makatutulong ito sa pagpapalaki ng produksiyon sa pagkain, ayon kay Gonzalo Catan, Jr., executive vice president ng Mapecon Green Charcoal Philippines. Nadedesmaya si Catan na marami tayong nakukuhang tubig mula sa malakas na buhos ng ulan ngunit hindi tayo makapag-imbak nang sapat para sa …
Read More »1,000 pamilya sa Region 2 inilikas (Dahil sa baha)
TUGUEGARAO CITY – Umaabot sa mahigit 1,000 pamilya o mahigit 8,000 indibidwal ang nakaranas nang pagbaha dahil sa pagsalanta ng bagyong Carina sa Region 2. Sa nasabing bilang, 129 pamilya ang nasa 10 evacuation centers habang ang iba ay nakitira sa kani-kanilang mga kamag-anak. Sa Cagayan, anim na bayan na may 102 pamilya o 326 indibidwal ang binaha. Sa infrastructure, …
Read More »Buntis patay, 7 sugatan sa tribal war
CAGAYAN DE ORO CITY – Bangayan sa tribo ang tinukoy ng pulisya na motibo sa pamamaril sa gitna ng lumad wedding sa Sitio Tibugawan, Brgy. Kawayan, San Fernando, Bukidnon kamakalawa. Inihayag ni San Fernando Police Station commander, Insp. Rham Camelotes, mayroong personal na alitan ang grupo ng isang Aldy Salusad alyas Butsoy sa pamilya ng namatay na si Makinit Gayoran …
Read More »Blumentritt vendors masama ang loob sa city hall
SIR ngayon wala n kami kabuhayan sa pagtitinda dto sa Blumentritt kahit ngbayad kami ng tamang buwis. Sobra-sobra rin ang inihatag naming tong sa DPS, pulis at city hall. Bigla n lng kami pinalayas matapos kaming pakinabangan. Wala nman programa kung saan kami lilipat pra magtinda. +63915474 – – – – Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext …
Read More »Reklamo sa bisor ng MTPB
SIR, sana malaman ni Mayor Erap na may isang MTPB bisor ang yumaman na sa paniningil ng terminal fee sa mga UV Express Taxi Terminal sa Sampaloc, Maynila. Sa bawat UV Express taxi ay pinagbabayad sila ni Maliksi Supervisor ng P600 kada linggo isang taxi na naka-illegal terminal sa Morayta St. Kung ‘di kami magbabayad kay Maliksi ay ipapahuli kami …
Read More »Pasaway na mga jeep ng rutang Blum-Balut (Attn: LTFRB, LTO at MMDA)
KA JERRY, reklamo lang namin dito sa Antipolo St., Tondo ang mga pasaway na mga jeep na dumaraan rito sir, napakaiingay at sobra pa sa pugon ang ibinubugang usok. Hindi maipagkakailang adik pa po ang ilang mga jeep driver kaya walang pakialam sa paligid. Abusado po kung magpatakbo at biglang hihinto sa gitna ng kalsada tuwing magbababa o magsasakay ng …
Read More »Attn: Parañaque PNP Chief Col. Jose Carumba
SIR JERRY, ‘yan police mobile 313-A at 313-B lagi nag-aantay ‘yan tuwing madaling araw sa mga delivery papuntang palengke ng P’que tapos susundan nila at alam n’yo na po ang kasunod. Doon cla natutulog sa SM naka-park sa madaling araw. +63919368 – – – – Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. …
Read More »Rep. GMA patungo sa Germany (Spinal problems ipagagamot)
PATUNGO si dating Pangulo at kasalukuyang Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo sa Germany sa darating na Setyembre Sinabi ni Arroyo, kanyang balak na ipagamot sa Germany ang iniindang problema sa spine. Ayon sa dating Presidente, sumasakit pa rin ang kanyang kaliwang braso. Magugunitang kamakailan lang ay tuluyan nang pinalaya si Arroyo mula sa halos apat na taon pagkaka-hospital arrest sa Veterans …
Read More »PNoy admin sinisi ni GMA sa kalusugan
PINASARINGAN ni dating Pangulo at kasalukuyang Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang nakaraang administrasyon kaugnay sa kanyang pagkaka-hospital arrest nang ilang taon. Sa kanyang pagbisita kamakalawa sa Pampanga, hindi napigilan ni Arroyo ang sarili na magpaabot nang kanyang hihinakit dahil halos apat na taon pagkaka-hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center bunsod nang kinaharap niyang PCSO plunder case. Sinabi ni Arroyo, …
Read More »Carina ‘bumagsak’ sa Cagayan
NAG-LANDFALL ang sentro ng bagyong Carina dakong 1:20 pm kahapon sa bahagi ng Cabutunan point sa San Vicente, Lallo sa lalawigan ng Cagayan. Sa abiso ng Pagasa, binabaybay ng bagyo ang bahagi ng Northern Cagayan. Kaugnay nito, nakataas ang signal number 2 sa Isabela, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Apayao, Mt. Province, Ifugao, Kalinga, Abra at Cagayan kabilang din ang Babuyan …
Read More »Gov’t-NDF talks tuloy kahit walang ceasefire
TINIYAK ni Presidential Adviser on the Peace Proces Jesus Dureza, walang epekto sa peace process ng Communist Party of the Philippines-National Democratic Front (CPP-NDF) sakaling bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang unilateral ceasefire declaration sakaling mabigo ang mga komunista na makatugon sa ultimatum. Sinabi ni Sec. Dureza, katunayan tuloy ang nakatakdang pagsisimula ng formal peace negotiations sa Oslo, Norway sa …
Read More »Road rage killer arestado (Huwag ninyo akong tularan — Tanto)
NASA kostudiya na ng Manila Police District ang Army reservist at suspek sa road rage killing na si Vhon Martin Tanto. Ito ay apat na araw makaraan ang pamamaril sa siklistang si Mark Vincent Garalde dahil lamang sa alitan sa trapiko sa P. Casal street sa Quiapo, Maynila. Makaraan ang police booking procedures ay ang suspek ay dinala sa Department …
Read More »CCTV dapat pondohan ng LGUs — Dela Rosa
HINIMOK ni PNP Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang local government units LGUs na pondohan ang pag i-install ng mga CCTV sa kanilang komunidad partikular na sa matataong lugar. Ito ay makaraan maging susi ang video footage mula sa CCTV sa pagkakilanlan ng road rage suspect na si Vhon Tanto na bumaril at nakapatay sa siklistang biktima na si …
Read More »Luzon power nasa red alert status, 7 planta pumalya
MULING nagtaas ng red alert ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Luzon dahil sa kakapusan ng koryente. Ayon sa abiso ng NGCP, epektibo ang pinakamataas na alerto simula 11:00 am hanggang 3:00 pm. Habang yellow alert ang paiiralin simula 4:00 pm hanggang 11:00 pm. Nag-ugat ito sa aberya ng pitong planta na pinagkukunan ng supply para sa …
Read More »Party-list system inaabuso (Kontra con-ass binuweltahan ni Duterte)
INIHAYAG ni Pangulong Rodrigo Duterte, tatanggalin na ang party-list system sa bansa kapag nabago na sa Federalismo ang porma ng gobyerno. Sinabi ni Pangulong Duterte, sobra na ang pagkaabuso sa sistema kaya bago sisimulan ang pag-amyenda sa Saligang Batas, igigiit niya ang pagtanggal sa party-list system. Ayon kay Pangulong Duterte, sinasamantala ito ng mayayaman na bumibili o bumubuo ng party-list …
Read More »10 lugar signal 1 kay Carina
ITINAAS na ang anim lugar sa tropical cyclone signal number 1 bunsod ng Tropical Depression “Carina” ayon sa ulat ng weather bureau Pagasa kahapon. Ayon sa Pagasa, napanatili ni Carina ang lakas, na may maximum sustained winds na hanggang 55 kilometro kada oras. Habang palapit si Carina sa lupa, nadaragdagan ang mga lugar na inilalagay sa signal number 1. Kabilang …
Read More »Sink hole lumawak, 134 pamilya inilikas (Sa South Cotabato)
GENERAL SANTOS CITY – Aabot sa 134 pamilya ang sapilitang inilikas mula sa Brgy. Silway 8, Polomolok, South Cotabato makaraan ang patuloy na pag-ulan sa kanilang lugar na malapit sa sink hole. Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC), pinangangambahang mas lumawak pa ang butas sa lupa na may lawak na 40 metro at lalim na 35 feet …
Read More »