Saturday , December 3 2022

Secret jail sa Tondo, bubusisiin ng Senado

MAGKASAMANG ininspeksiyon nina NCRPO director, Chief Supt. Oscar Albayalde at MPD director, Chief Supt. Joel Napoleon Coronel, ang Manila Police District Integrated Jail, na nagsisiksikan ang mahigit 100 bilanggo, alinsunod sa kautusan ni PNP chief, Director General Ronald dela Rosa. (BONG SON)
MAGKASAMANG ininspeksiyon nina NCRPO director, Chief Supt. Oscar Albayalde at MPD director, Chief Supt. Joel Napoleon Coronel, ang Manila Police District Integrated Jail, na nagsisiksikan ang mahigit 100 bilanggo, alinsunod sa kautusan ni PNP chief, Director General Ronald dela Rosa. (BONG SON)

NAKATAKDANG imbestigahan sa Senado sa susunod na linggo ang “secret jail” na natuklasan sa police station sa Tondo habang iniinspeksiyon ng Commission on Human Rights (CHR).

Ayon kay Sen. Bam Aquino, siyang naghain ng resolusyon para imbestigahan ang isyu, nagbigay ng commitment si Sen. Panfilo Lacson, pinuno ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, hinggil dito.

Tiniyak aniya ni Lacson, sa susunod na linggo ay sisimulan na ang pagdinig.

Samantala, binatikos ng senador ang pamunuan ng PNP bagama’t hindi direktang tinukoy si PNP chief, Director General Ronald Dela Rosa, sa pagdepensa sa mga pulis na sangkot sa pagkakaroon ng sikretong kulungan sa Tondo.

Malinaw ayon kay Aquino, na paglabag sa Saligang Batas at karapatang Pantao ang ginawa ng mga pulis.

Hindi pa man aniya nalilitis ang nasabing mga pulis ngunit mistulang inabsuwelto na ng pamunuan ng PNP.

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Rank No. 10 MWP
WANTED SA ROBBERY, NASAKOTE SA KANKALOO

BAGSAK sa kulungan ang isang miyembro ng “Limos Carnapping Group” na nasa talaan bilang rank …

shabu drug arrest

P.1M shabu
2 BEBOT, TULAK, HULI SA DRUG BUST

TATLONG hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang ginang ang kalaboso matapos makuhaan ng mahigit P.1 …

Sibuyas Onions

Magsasaka dehado sa planong  importasyon ng sibuyas — Imee

MAGIGING malungkot ang Pasko ng mga magsisibuyas sa walong lalawigan kung itutuloy ng gobyerno ang …

PHil pinas China

Joint exploration sa WPS, ituloy – Marcos Jr.

KAILANGANG makahanap ng paraan ang Filipinas para matuloy ang paggalugad sa West Philippine Sea (WPS) …

NTF-ELCAC

Pondo ng NTF-ELCAC ilipat sa serbisyo publiko — Makabayan

NANAWAGAN ang grupo ng Makabayan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na tapyasan ang P10 milyong …

Leave a Reply