NAIS ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na matukoy ang mga supplier ng mga preso na nakapagpapasok ng droga at mga kontrabando sa New Bilibid Prisons (NBP). Kasunod ito nang inilunsad na buy-bust operation ng mga tauhan ng PNP-NCRPO sa loob mismo ng NBP at narekober doon ang limang bulto ng shabu na nagkakahalaga ng P60,000. Dahil dito, ayon …
Read More »Poll preps tuloy — Comelec (Kahit postponement posible)
TULOY ang election preparation ng Comelec sa kabila nang namumuong pagliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections. Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, nag-iimprenta pa ng mga balota sa National Printing Office (NPO) at inaasahang tatagal ito ng dalawang buwan. Aabot sa 85 milyon ang kailangang ilimbag para sa 80 probinsya at mga lungsod sa ating bansa. Giit ni …
Read More »Ama pinatay sa taga ng anak (Pananakit sa ina ‘di nakayanan)
ROXAS CITY – Patay ang 61-anyos ama makaraan pagtatagain ng anak sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Lag-it, Brgy. Bilao, Sapian, Capiz kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Danilo Dicon, napatay sa taga ng kanyang anak na si Jonathan Dicon 33-anyos, agad sumuko sa mga pulis makaraan ang insidente. Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Sapian Police Station, sinasaktan ng …
Read More »6 ASG patay, 17 sundalo sugatan sa Sulu encounter
ZAMBOANGA CITY – Anim miyembro ng Abu Sayyaf ang napatay habang 17 sundalo ang sugatan sa panibagong sagupaan sa lalawigan ng Sulu. Ito ay kinompirma mismo ngiMajor Filemon Tan, tagapagsalita ng Western Mindanao Command (WeStMinCom). Kabilang sa mga napatay sa grupo ng mga bandido ang Abu Sayyaf leader na hindi pa pinangalanan ng militar. Sinasabing halos lahat ng mga sundalo …
Read More »22 COPs sa Region 2 sinibak
TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Sinibak ang 22 chief of police (COP) sa Region 2. Ayon kay Supt. Chevalier Iringan, tagapagsalita ng Police Regional Office No. 2, sinibak ang 22 COPs nitong Agosto 24, 2016. Anim sa mga pinatalsik na hepe ay mula sa Cagayan, 12 sa Isabela, tatlo sa Nueva Vizcaya, at isa sa Quirino. Ayon kay Iringan, inalisan ng …
Read More »Bagyong Dindo bumagal sa Batanes
BUMAGAL ang takbo ng bagyong Dindo habang nananatili sa Philippine area of responsibility (PAR). Ayon sa ulat ng Pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,035 km silangan hilagang silangan ng Itbayat, Batanes. Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot ng 160 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 195 kph. Kumikilos ang typhoon Dindo nang patimog-timog …
Read More »Dagdag na drug rehab centers tiniyak ng DDB
TINIYAK ng Dangerous Drugs Board (DDB) na magdaragdag ng bilang ng rehabilitation centers sa bansa. Sinabi ni DDB chair Felipe Rojas sa briefing ng Committee on Dangerous Drugs sa Kamara, kulang ang rehab centers sa Filipinas para sa patuloy na pagtaas ng bilang nang sumusukong drug addicts. Sa ngayon, mayroon lamang 50 residential at outpatient rehab centers, kaunti kung ituring …
Read More »Genocide? Stupid tang ‘na — Duterte
BUMUWELTA si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga kritiko kaugnay sa dumaraming napapatay sa pinaigting na kampanya laban sa illegal na droga. Ayon sa pangulo, hindi maaaring isisi sa kanya ang lahat ng mga namamatay pati ang biktima ng summary executions. Kung lehitimo ang operasyon ng mga awtoridad at lumaban ang mga drug addict, sagot niya ito at kanyang responsibilidad. …
Read More »2 COP sa Cordillera sinibak
BAGUIO CITY – Sinibak sa puwesto ang dalawang chief of police sa rehiyon ng Cordillera nang mabigo silang makamit ang target sa implementasyon ng Oplan Double Barrel. Ayon kay Police Regional Office-Cordillera (PRO-COR) acting regional director, Chief Supt. Elmo Francisco Sarona, iniutos niya ang pagsibak sa puwesto ng isang hepe sa lalawigan ng Abra habang ang isa pa ay sa …
Read More »BGC bar owners aprub sa police deployment
PUMAYAG ang high-end bar at club owners mula sa Makati at BGC sa Taguig City na mag-deploy ang pambansang pulisya ng mga pulis na nakasibilyan para manmanan ang drug personalities na nagbebenta ng party drugs. Ito ang desisyon sa isinagawang pagpupulong kamakalawa pasado 10:00 pm. Una rito, tinukoy ng PNP na talamak ang bentahan ng droga sa high-end bars na …
Read More »Warren inarbor ni Leila kay Francis (Digong ayaw papigil)
HINDI napigilan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rebelasyon sa ‘lihim’ ni Sen. Leila de Lima at ng bago niyang rider-lover.’ Sa kanyang press conference, kahapon ng madaling araw ay isiniwalat ni Duterte na ipinakita sa kanya ni dating Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino na ‘inarbor’ sa kanya ni De Lima ang motorcycle escort na si Warren Cristobal …
Read More »P3-M ecstacy pills mula Germany nasabat ng BoC
TINATAYANG P3 milyon halaga ng hinihinalang ecstasy pills mula Germany, ang nasakote ng mga awtoridad kamakailan, kinompirma ng Bureau of Customs (BOC) nitong Miyerkoles. Ayon kay BoC Commissioner Nicanor Faeldon, natunugan nilang droga ang laman ng dalawang parcels na dumating noong Mayo 7 kaya agad nilang kinompiska. Laman ng mga parcel ang 2,000 tableta ng ectasy, na nagkakahalaga ng P1,500 …
Read More »Pinoy casualty negatibo sa Italy killer quake
WALA pang natatanggap na ano mang ulat na may namatay na mga Filipino makaraan ang malakas na lindol sa Italy, ayon sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA). Ayon sa DFA, tuloy-tuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng ating embahada sa naturang bansa. Maging sa mga Filipino community anila ay kumukuha ng update upang malaman ang kalagayan ng …
Read More »Mag-utol na Duterte arestado sa buy-bust
ZAMBOANGA CITY – Arestado ng anti-drug operatives sa lungsod na ito ang anim katao, kabilang ang magkapatid na may apilyedong Duterte, sa buy-bust operation nitong Lunes ng gabi. Naaresto ng mga pulis ang mga suspek na sina Adrian at Arlyn Duterte, Stevenson Ardelesa, Ceejay Janal, Archie Quilante, at Jerrypaul Violanggo, pawang residente ng Don Alfaro, Tetuan, Zamboanga City. Nakompiska mula …
Read More »Digong nagbabala sa China (‘It will be bloody’)
BAGAMA’T hindi naghahangad ng giyera, tahasang binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang China na huwag susubukang lusubin ang Filipinas. Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa harap ng mga sundalo sa 2nd Infantry Division sa Camp Capinpin, Tanay, Rizal. Sinabi ni Pangulong Duterte, hindi mangunguna ang Filipinas sa giyera ngunit tinitiyak na kapag umatake ang China, magiging madugo. Ayon sa …
Read More »Sidekick ni Kerwin Espinosa arestado
CEBU CITY – Naaresto ng mga operatiba ng Regional Special Operations Group (RSOG) ang pinaniniwalaang kasamahan ng itinuturing na drug lord na si Rolando Kerwin Espinosa Jr., sa loob ng isang pension house sa Brgy. Lorega, lungsod ng Cebu kahapon ng umaga. Ayon kay SPO2 Reynaldo Solante, team leader ng nasabing operasyon, mismong ang management ng pension house ang nagsumbong …
Read More »Pokemon Go bawal sa polling centers
IPINAGBAWAL ng Commission on Elections (Comelec) sa Sangguniang Kabataan (SK) voters na maglaro ng Pokemon Go sa bisinidad ng mga presinto kapag natuloy ang eleksiyon sa Oktubre 31, 2016. Ayon sa Comelec, ano mang paggamit ng cellphone sa loob ng presinto ay hindi pinahihintulutan. Giit ng poll officials, hindi lamang ang pagkuha ng larawan sa balota ang bawal, kundi maging …
Read More »Brgy., SK polls makaaapekto sa anti-drug ops
POSIBLENG makaapekto sa kampanya ng gobyerno laban sa illegal na droga ang pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections. Ito ang pahayag ng mga kinatawan ng PNP sa pagdinig ng Senate committee on local government kaugnay ng pinagdedebatehang term extension ng kasalukuyang barangay officials. Giit ng pulisya, mapipilitan silang mag-divert ng mga tauhan na abala ngayon sa anti-illegal drugs …
Read More »Typhoon Dindo pumasok sa PAR
PUMASOK na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang ika-apat na bagyo ngayong 2016 at pinangalanan ito bilang tropical cyclone Dindo. Ang bagyong Dindo ay may international name na “Lionrock.” Huling namataan ng Pagasa ang sentro ng sama ng panahon sa layong 1,200 km silangan hilagang silangan ng Itbayat, Batanes. Taglay nito ang lakas ng hangin na 130 kph malapit …
Read More »‘Kotong Judge’ ng Makati RTC ipinasisibak sa SC
ISANG hukom ng Makati Regional Trial Court ang gustong ipasibak sa Korte Suprema dahil sa pangongotong ng P15 milyon sa isang kompanya ng bakal na complainant sa isang kaso laban sa limang malalaking kompanya ng seguro na nabigong magbayad ng insurance claims. Inireklamo si Judge Josefino Subia ng Branch 138 ng Makati RTC sa SC Office of the Court Administrator …
Read More »Peter Co ugat ng illegal drug trade sa PH
PUNO’T dulo ng illegal drug trade sa bansa ang kasalukuyang nakakulong na drug lord na si Peter Co. Ito ang salaysay ni PNP chief Ronald Dela Rosa sa ikalawang araw ng Senate probe hinggil sa nangyayaring extrajudicial killings sa bansa. Ayon kay Dela Rosa, lahat ng mga nahuhuli nilang sangkot sa ilegal na droga ay itinuturo si Co bilang kanilang …
Read More »Shabu lab sa Bilibid itinanggi ni De Lima
MULING itinanggi ni Sen. Leila de Lima ang mga ulat na mayroong shabu laboratories sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP). Sa ikalawang araw ng Senate hearing tungkol sa extrajudicial killings sa bansa, iginiit ni De Lima, “walang basehan na mayroong shabu lab sa loob ng Bilibid.” Wala rin aniyang nanggagaling na shabu sa loob ng piitan dahil mga transaksiyon …
Read More »No Marcos burial sa loob ng 20-araw
NAGPALABAS ang Supreme Court (SC) ng status quo ante order kaugnay nang planong paghimlay kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Ayon kay SC spokesman Atty. Theodore Te, epektibo ang status quo ante order sa loob ng 20 araw. Ibig sabihin ay wala munang magaganap na pagpapalibing sa labi ng dating pangulo sa loob ng 20 araw …
Read More »Whistleblower 10-taon kulong sa graft
HINATULAN ng anim hanggang 10 taon pagkakakulong ng Sandiganbayan Fourth Division ang dating National Broadband Network (NBN) – ZTE deal whistleblower na si Rodolfo “Jun” Lozada Jr., dahil sa kasong katiwalian. Sa ruling ng anti-graft court, guilty si Lozada sa paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act kaugnay sa maanomalyang land deal noong siya pa ang pangulo …
Read More »Nominees ng Senior Citizens, hiniling ng taga-Davao na iproklama na
Nanawagan si Senior Citizens Association of Davao City President Albina Sarona kay Commissions on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista na iproklama na ang dalawang nagwaging nominee ng Senior Citizens Party-list para mapangalagaan ang kapakanan ng mga nakatatanda sa Kongreso. Hiniling ni Sarona kayBautista na iproklama na ang da-lawang nominado ng Senior Citizens na sina Francicos Datol Jr. at Milagros …
Read More »