Friday , January 21 2022

hataw tabloid

Truck driver binoga sa halagang P.1-M

PATAY ang isang truck driver nang malapitang pagbabarilin sa Paco, Maynila.   Kinilala ang biktima sa pangalang Elbert Silva, sinabing tinapatan ng P100,000 ng mastermind para ipapatay.   Batay sa CCTV footage, nakita si Silva na naglalakad kasama ang dalawa katao papasok ng trabaho nang biglang sumulpot ang isang lalaki sa likod nito at pinaputukan ang biktima sa ulo.   …

Read More »

17-anyos binatilyo nagbigti sa hirap ng module (Dumaing na nahihirapan)

PINANINIWALAANG kinitil ng isang 17-anyos binatilyo ang kanyang sariling buhay nitong Lunes, 26 Abril, sa lungsod ng Tacloban, lalawigan ng Leyte, matapos magreklamong nahihirapan sa kanyang mga module mula sa paaralan. Ayon sa pulisya, natagpuan ng kanyang nakatatandang kapatid ang biktimang Grade 10 student sa labas ng kanilang bahay dakong 6:00 am kahapon, na nakabigti gamit ang kumot. Sa pahayag …

Read More »

Pitmaster pinasalamatan ng Liga ng Governors sa bigay na mga ambulansya 

ABOT-ABOT ang pasasalamat ng samahan ng mga gobernador ng Filipinas sa Pitmaster Foundation dahil sa mga ambulansiya na ibinigay nito sa bawat probinsiya. Ayon kay Gov. Presbitero Velasco, Pangulo ng League of Provinces of the Philippines (LPP), “kailangang-kailangan namin ng mga additional na ambulansiya para magamit sa CoVid patients transport.” “Isang text lang namin sa Pitmaster, nandiyan na kaagad ang …

Read More »

Libreng talakayan sa akda ni Emilio Jacinto, isasagawa ng KWF sa 30 Abril 

ISASAGAWA ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang isang libreng talakayan sa akdang “Pahayag” ng bayaning manunulat na si Emilio Jacinto sa 30 Abril 2021. Tinatawag ang proyekto na Onlayn Talakayan sa mga Babasahín sa Kulturang Filipino na serye ng mga libreng sesyon sa pagbása at diskusyon. Layon nitóng magpasigla ang kultura ng pagbabasá at pagbabahagi ng kaalaman. Kinakailangan lámang …

Read More »

Community pantry sa Cagayan de Oro nagsara (Organizer na-red tag)

PANSAMANTALANG itinigil ang operasyon ng isang community pantry sa lungsod ng Cagayan de Oro, lalawigan ng Misamis Orienral, nitong Miyerko­les, 21 Abril, matapos maakusahan ang organizer na may kaug­nayan sa mga komunis­tang grupo. Inianunsiyo sa Facebook ng Kauswagan Community Pantry, na matatagpuan sa Pasil-Bonbon Road, na pansamantalang isasara ito matapos ang dalawang araw na pagsisilbi sa mga nagugutom na mga …

Read More »

2 pugante nalambat sa Olongapo at Subic

arrest prison

TIMBOG ang dalawang pinaniniwalaang mga pugante sa lungsod ng Olongapo at Subic nang mahuli ng mga awtoridad sa magkahiwalay na mga operasyon nitong Miyerkoles, 21 Abril. Ayon kay P/Col. Jeric Villanueva, acting director ng Olongapo City police, itinuturing na most wanted sa lungsod ang isa sa mga nadakip. Nadakip ang hindi pinangalanang suspek, na inireklamo sa kasong domestic violence, sa …

Read More »

Vintage bomb nahukay sa Batanes

ISANG vintage bomb, pinaniwalaang ginamit noong Ikalawang Dig­maang Pandaigdig, ang nahukay sa Bgy. Chana­rian, bayan ng Basco, lalawigan ng Batanes, nitong Miyerkoles, 1 Abril. Nabatid na nag-o-operate si Joey Hornedo ng backhoe sa lugar nang madiskubre niya ang bomba na may habang kalahating metro at may diametrong 12 pulgada. Ayon sa mga awtoridad, kung sasabog ang bomba, aabot ang pinsala …

Read More »

.5-M doses ng bakunang Sinovac dumating sa NAIA

AABOT sa 500,000 doses ng Sinovac vaccines na karagdagang binili ng gobyerno ng Filipinas ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 kahapon sakay ng komersyal flight ng Philippine Airlines (PAL) flight PR 359 mula sa Beijing, China. Sasalubungin ng ilang opisyal ng gobyerno ang pagdating ng mga bakuna na pangungunahan nina vaccine czar Carlito Galvez, Jr., Secretary …

Read More »

Community pantry sa Maynila ‘di dapat pakialaman ng MPD (Babala ni Mayor Isko)

INATASAN ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang Manila Police District (MPD) na huwag pakialaman ang mga nagsusulputang community pantry sa Maynila. Ayon kay Mayor Isko, hindi dapat gambalain ang community pantry dahil malaking tulong ito sa pamahalaan habang hinaharap ang pandemyang dulot ng CoVid-19. Una rito, sinabi ng organizer ng community pantry sa Pandacan, Maynila, ititigil nila ang operasyon …

Read More »

Balita tungkol sa community pantry, ‘di krimen — NUJP (Pagtulong ‘di subersiyon)

KUNG tingin ng estado ay panganib ang pag­susulputan ng napaka­raming community pantry sa buong bansa, ang pagtulong sa panahon ng krisis ay hind subersibo  at ang pagsusulat tungkol sa mga nasabing inisyatiba ay hindi kailanman isang krimen. Inihayag ito ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) kasabay ng pagkondena sa red-tagging sa miyembro at dating director na si …

Read More »

Bicol region, pinalakas Hugpong Sara 2022

SA MISMONG baluwarte ni Vice President Leni Robredo nag­karoon ng panunumpa ang mga bagong opisyal ng Hugpong para Kay Sara 2022 kamakalawa. Sa personal na pagdalaw ni Hugpong ng Pagbabago (HNP) secretary general at dating Davao Del Norte Gov. Anthony Del Rosario sa Legazpi City, Albay, pormal na nanumpa bilang mga opisyal ng Hugpo sa ilalim ng Legazpi City Chapter …

Read More »

Katawan ng 2 lalaki natagpuan sa Camotes Island, Cebu (Dalawang araw nang nawawala)

NATAGPUAN nitong Miyer­koles ng umaga, 21 Abril, ng mga awtoridad ang mga katawan ng dalawang lalaking dalawang araw nang nawawala habang lumalangoy sa tubigan ng Camotes Island, sa lalawigan ng Cebu. Kinilala ang biktimang si John Mark Donaire Gero­dias, 18 anyos, nakitang palutang-lutang sa Can­lusong Wharf sa bayan ng San Francisco, sa naturang lalawigan, dakong 9:05 am kahapon. Isang oras …

Read More »

2nd dose ng Sinovac lumarga sa Parañaque

NAGSIMULA na ang pagbibigay ng 2nd dose ng bakuna laban sa CoVid-19 ng pamahalaang lungsod ng Parañaque para sa frontliners at senior citizens ngayong araw, 22 Abril. Sinabi ni Dra. Olga Vertucio, head ng Paraña­que City health office, target na mabakunahan ng 2nd dose ang 500 frontliners sa SM Sucat sa Parañaque at 500 senior citizens gamit ang Sinovac vaccine. …

Read More »

Piolo at Regine muling magpapakilig

MA-INLOVE muli sa tambalan nina Piolo Pascual at Regine Velasquez-Alcasid dahil ipalalabas ng ABS-CBN Film Restoration ang digitally restored at remastered version ng 2007 romantic-drama hit mula Star Cinema na Paano Kita Iibigin, simula Abril 27 (Martes) sa Sagip Pelikula Festival sa KTX. Ang Paano Kita Iibigin ang una at huling tambalan nina Piolo at Regine.  Ito ay mula sa kuwento nina Tammy Bejerano-Dinopol at John Paul Abellera, panulat nina Abellera, Vanessa Valdez, at Mel Mendoza-del Rosario, at …

Read More »

Sunugan ng bangkay sa Manila North Cemetery nasunog

NASUNOG ang isang single-storey crematorium facility  sa Manila North Cemetery, Martes ng madaling araw. Ayon sa Bureau of Fire Protection na umabot sa unang alarma ang sunog. Tinatayang aabot sa P20,000 ang pinsala ng sunog at wala namang nasaktan sa insidente. Sa ulat, nagsimula ang sunog sa kanang gitnang bahagi ng human incinerator crematory equipment. Patuloy na iniimbes­tigahan ang nangyari. …

Read More »

Operating Room Complex ng GABMMC, isinara

PANSAMANTALANG isinara ang Operating Room Complex ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) sa Tondo, Maynila. Ayon sa Manila Public Information Office, kasama rito ang OR, LR-DR, NICU, High Risk Unit ng nasabing ospital. Isinara ang Operating Room Complex ng GABMMC simula 8:00 pm, nitong Lunes, 19 Abril, hanggang 8:00 am, ngayong Miyerkoles, 21 Abril. Layon nitong bigyang daan …

Read More »

Isko nanguna sa groundbreaking ng CoVid-19 field hospital

PINANGUNAHAN ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang groundbreaking ceremony ng itatayong 336 bed-capacity CoVid-19 field hospital sa Luneta Park nitong Martes. Kasama ni Mayos Isko si Vice Mayor Ma. Shielah ‘Honey’ Lacuna-Pangan at iba pang opisyal ng gobyerno tulad nina National Task Force (NTF) Against CoVid-19 chief implementer Sec. Carlito Galvez, Jr., NTF Against CoVid-19 deputy chief implementer Secretary …

Read More »

Katawan ng babae natagpuang palutang-lutang sa Bataan

PALUTANG-LUTANG na natagpuan ang katawan ng isang babae sa bay area ng bayan ng Morong, lalawigan ng Bataan, nitong Linggo, 18 Abril. Ayon sa mga imbesti­gador, nakita ang katawan, may 14.8 kilometro ang layo mula sa dalampa­sigan sa harap ng nuclear power plant. Ayon kay P/SSg. Michael Villanueva, imbestigador ng San Antonio police station, kinokompirma ng mga awtoridad kung ang …

Read More »

SUV nahulog sa irigasyon 7 bata, 5 pa patay, 2 sugatan

LABING-DALAWANG tao ang binawian ng buhay, na kinanibilangan ng pitong bata, nang mahulog ang sinasakyan nilang sport utility vehicle (SUV) sa isang irrigation canal sa lungsod ng Tabuk, lalawigan ng Kalinga, nitong Linggo ng gabi, 18 Abril. Sa inisyal na ulat ng pulisya, kinilala ang mga namatay na sina Remedios Basilio, Judilyn Talawec Dumayon, Jeslyn Dumayon, Shadarn Dumayon, Wadeng Lope, …

Read More »

Reimbursement ng PhilHealth sa private hospitals, aabonohan ng DBP

PABOR ang Palasyo na saklolohan ng Development Bank of the Philippines (DBP) ang PhilHealth sa pagbabayad ng reimbursement ng mga pribadong ospital upang makaagapay sa CoVid-19 pandemic. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi katanggap-tanggap na naaantala ang reimbursement sa mga pribadong pagamutan ng PhilHealth dahil ang pondong ito ang inaasa­han upang magpatuloy ang kanilang operasyon. “Talagang hindi katanggap-tanggap na …

Read More »