Thursday , June 4 2026
Vice Ganda Bam Aquino

Vice Ganda napasayaw si Bam Aquino

NAGSIMULA lang sa biro ni Vice Ganda, ngunit tinanggap ni Senator Bam Aquino ang hamon at buong gilas na nagpakita ng galing sa pagsayaw sa Super Divas concert nila ni Regine Velasquez-Alcasid sa Araneta Coliseum.

Habang nag-iikot sa manonood sa gitna ng isang performance, napansin ni Vice Ganda sina Sen. Bam at ang kanyang asawa na si Timi sa audience at tinawag ang mambabatas.

“Nag-eenjoy po ba kayo?” tanong ni Vice kay Bam, na sumagot ng, “Yes, enjoy na enjoy. Iyong asawa ko sayaw nang sayaw kanina pa.”

“Buti naman po nag-eenjoy kayo. Tama, paminsan-minsan mag-enjoy kayo dahil ang gulo-gulo niyo riyan sa Senado,” biro ni Vice, patungkol sa isyu ng impeachment.

“Stressed na stressed kayo roon. Mag-enjoy kayo paminsan-minsan dito, ‘di ba? At dahil diyan, sasayaw si Senator Bam,” dagdag pa ni Vice bago kinanta ang hit song ni Gloc 9 na Sumayaw Ka! at sinabayan naman ni Bam ng pagsayaw na sinalubong ng hiyawan mula sa mga manonood.

Nag-post si Bam sa kanyang Facebook page ng video ng sayaw na may caption: “Meme, next time si misis ko na lang!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …