HABANG isinasampa ang mga kaso laban sa mga taong sinabing sangkot sa Dengvaxia, nanawagan ang isang grupo sa mga magulang na maging mapagmatyag at suriing mabuti kung sino ang mga dapat paniwalaan. READ: Noynoy, 20 pa inasunto sa electioneering (Sa Dengvaxia) READ: Responsable sa Dengvaxia scam may kalalagyan Sa isang pahayag ng Consumer-Commuter Association of the Philippines (CCAP), pinaalalahanan ng grupo …
Read More »8 Civil Law students pinatalsik ng UST (Sa Atio Castillo hazing)
INIUTOS ng University of Santo Tomas (UST) ang pagpapatalsik sa walong law student bunsod ng umano’y pagkakasangkot sa pagkamatay ng hazing victim na si Horacio “Atio” Castillo III. Iniulat ng official publication ng unibersidad, The Varsitarian, nitong Linggo, na walong civil law students ang napatunayang “guilty of violating the Code of Conduct and Discipline and imposing the supreme penalty of …
Read More »Dagdag-sahod sa public sector suportado ng ACT solons
LUMAHOK sina ACT Teachers Reps. Antonio Tinio at France Castro sa pulong-balitaan ng All Government Employees (GE) Unity para ianunsiyo ang kanilang nationally coordinated action sa 21 Pebrero para igiit sa administrasyong Duterte ang agarang pagkakaloob ng malaking dagdag-sahod para sa mga empleyado ng gobyerno at hindi sa 2020. Ang All GE Unity, koalisyon ng samahan ng public school teachers, health …
Read More »Taxi driver patay sa saksak ng katagay
PATAY ang isang 45-anyos lalaki nang bugbugin at saksakin ng kapwa taxi driver habang nag-iinoman sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Agad binawian ng buhay ang biktimang kinilalang si Tarzon Tinay, residente sa Catleya St., Camarin, Brgy. 177 ng nabanggit na lungsod. Agad tumakas ang suspek na si Julie Sabordo, 50, kapwa taxi dri-ver, nakatira sa Champaca St., Brgy. Pasong …
Read More »P2.8-M aid ng Taiwan sa pamilya ng Pinay quake victim
INIHAYAG ng Taiwan nitong Huwebes na pagkakalooban ng P2.8 milyon tulong ang pamilya ng isang Filipina na namatay sa nagaganap na lindol nitong Huwebes sa eastern Taiwanese county of Hualien. Ang anunsiyo ay kasunod nang pagdating ng labi ng biktimang si Melody Castro sa Maynila nitong Miyerkoles ng umaga. Magugunitang natagpuan ng mga awtoridad ang labi ng biktima mula sa …
Read More »Arraignment kay Noynoy et al sinuspende
PORMAL na sinuspende ng Sandiganbayan ang pagbasa ng sakdal kina dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, dating PNP chief Alan Purisima, at dating Special Action Force (SAF) director Getulio Napeñas, sa mga kasong kriminal kaugnay sa Mamasapano encounter. “This court thus holds in abeyance the arraignment and pre-trial it tentatively set on February 15, 2018 with respect to Aquino III, …
Read More »No work, no pay sa Chinese New Year, EDSA People Power
MAGPAPATUPAD ng “no work, no pay” sa mga manggagawa sa pribadong sektor ngayong 16 Pebrero, Chinese New Year, at sa 25 Pebrero para sa pagdiriwang ng anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Read More »Bong Go sa Senado tututukan ng Pangulo
INAASAHANG tututukan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagharap sa Senado ni Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go sa Lunes kaugnay sa isyu ng P15.7-B Philippine Navy frigate project. “I would think so. He would be very curious as to what will happen to that hearing. I’m sure it will be televised,” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque …
Read More »Bakbakang Crawford-Horn/ Pacquiao-Alvarado sa Las Vegas
NILINAW ni promoter Bob Arum sa BoxingScene.com noong Martes na ang sagupaang Terence Crawford-Jeff Horn at Manny Pacquiao-Mike Alvarado ay hindi mangyayari sa Madison Square Garden, sa halip ay magaganap iyon sa Las Vegas. Dagdag ni Arum na posibleng isa sa pag-aari ng MGM Resorts International gawin ang laban. Kung sakaling mangyari iyon ay malaki ang posibilidad na sa Mandalay Bay …
Read More »Pingris, Simon sasandalan ng Hotshots
PAKAY ng Magnolia Hotshots na tuldukan ang two-game skid sa pagharap nila sa GlobalPort Batang Pier sa PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum. Kasalo ng Hotshots sa second spot ang Alaska Aces tangan ang 6-3 records, makakalaban nila ang Batang Pier sa alas-7 ng gabi. Inaasahang mapapalaban ang liyamadong Magnolia dahil kagagaling lang sa panalo ang Batang Pier na may …
Read More »Doktor ‘utak’ sa ambush sa abogado
MASUSING iniimbestigahan ang isang doktor bilang utak sa ambush sa isang abogado sa Quezon City kamakailan, na napatay ang isang suspek na pulis, ayon sa isang opisyal nitong Miyerkoles. Ayon sa ulat, hinawakan ni Atty. Arjel Cabatbat, ang target sa ambush, ang isang kaso na nagresulta sa pagkasibak sa trabaho ng naturang doktor, ayon kay Chief Supt. Guillermo Eleazar, hepe …
Read More »‘Wag sanang paasa ang DOTr
DARATING na raw ang mga piyesa na kakailanganin para maayos ang mga tren ng MRT 3 na naging pasanin ng bawat pasahero nito sa mga nakalipas na taon. Ang mga piyesa ay ay manggagaling daw sa Germany, China at ilan pang bansa mula sa Europa. Dahil dito, unti-unting nagkakaroon ng pag-asa hindi lamang ang mga pasahero ng MRT kundi ang …
Read More »Immigration dapat magbantay
Ngayon na nilagdaan na ang kautusan na total ban sa deployment ng mga OFWs sa Kuwait, asahan na marami pa rin magtatangka na lumabas patungo sa nasabing bansa para makapaghanapbuhay. Marami pa rin susugal na mga kababayan natin, lalo na’t desperadong magkaroon ng pagkaka-kitaan para suportahan ang pamilya. ‘Ika nga, kakapit sa patalim para sa pamilya. Dito natin masusukat kung …
Read More »Misis tinaga ni mister (Nahuli kasama ng kalaguyo)
ARESTADO ang 41-anyos lalaki makaraan tagain ang kanyang misis nang mahuli habang kasama ang umano’y kalaguyo ng ginang sa Currimao, Ilocos Norte, nitong Sabado. Ang biktimang si Princess Rafanan, 31, ay nagkaroon ng sugat sa kamay makaraan tagain ng mister niyang si Frederick Rafanan. Sa imbestigasyon, nahuli ni Frederick na kasama ng kaniyang misis ang umano’y kalaguyo na si Helmer …
Read More »2 hipag nilaspag laborer arestado
INARESTO ng mga awtoridad ang isang construction worker makaraan ireklamo ng panggagahasa sa dalawa ni-yang hipag sa sa Sinait, Ilocos Sur. Kinilala ng pulisya ang suspek na si Juemar Dulig, 30-anyos, inaresto nitong Sabado sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong panggagahasa. Inihayag ng pulisya, dinakip si Dulig sa construction site sa nabanggit na lugar. Taon 2017 nang …
Read More »Caraga sapol ni Basyang
NAKAPASOK na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang Tropical Storm Basyang (international name: Sanba) at maaaring bumagsak sa Caraga area ngayong Martes ng umaga, ayon sa state weather bureau kahapon. Sinabi ni PAGASA Weather Division Chief Esperanza Cayanan, ang mga residente sa Davao Oriental, Caraga at Eastern Visayas ay makararanas ng “scattered to widespread, moderate to heavy rains.” “Residents …
Read More »Ex-poll chief Bautista arestohin (Utos ng Senate panel)
BUNSOD ng hindi pagsipot sa imbestigasyon sa kabila ng ipinadalang subpoena, nagdesisyon ang Senate banks committee nitong Lunes na i-cite of contempt si dating Comelec chairman Andres Bautista at iniutos ang pag-aresto sa kanya. Sinabi ni Senator Francis “Chiz” Escudero, chairman ng komite, hihilingin niya kay Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III ang pag-isyu ng warrant of arrest laban kay …
Read More »Cainta police official patay sa enkuwentro
BINAWIAN ng buhay ang deputy chief ng Cainta police sa Rizal makaraan makabakbakan ang ilang drug suspect, nitong Linggo ng gabi. Nagresponde ang biktimang si Senior Insp. Jimmy Senosin at mga tauhan sa floodway ng Cainta makaraan makatanggap ng tawag na may armadong grupo sa lugar, ayon kay Cainta police chief, Supt. Ray Rosero. Ngunit habang papasok ang mga operatiba …
Read More »PCC kinalampag sa monopolyo sa power supply
NANAWAGAN kahapon si Quezon City 2nd District Rep. Winston Castelo sa Philippine Competition Commission (PCC) na gumawa ng kaukulang hakbang para maputol ang monopolyo sa power supply sa bansa. Ayon kay Castelo, nasa ilalim ng kapangyarihan ng PCC ang pagsusulong sa interes ng mga mamimili, kabilang ang mga konsyumer ng koryente at pagpipigil sa mga mapagsamantalang kompanya na nasa sektor ng …
Read More »Babala ni Albayalde: Tutulog-tulog na pulis walang bonus
MAWAWALAN ng bonus para sa sa isang buong taon ang mga pulis na mahuhuling natutulog sa trabaho, ayon sa hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO). Napag-alaman, nagbabala si NCRPO Director Oscar Albayalde sa mga pulis na mahuhuling natutulog sa trabaho na kakasuhan sila. “Puwedeng reprimand po ‘yan o suspension. ‘Pag ikaw ay na-suspende kahit na isang araw lang …
Read More »Magdiriwang ng Valentine’s Day umiwas sa porno, unsafe sex
BAGO ang pagdiriwang ng Valentine’s Day, hinimok ng grupong Pro-Life Philippines ang publiko na umiwas sa pornograpiya at human immunodeficiency virus at acquired immune deficiency syndrome (HIV/AIDS). Kasabay nito, namahagi ang grupo sa mga namamasyal sa Rizal Park sa Maynila ng mga kendi na may mga balot na mga mensahe ukol sa pag-iwas sa mga malalaswang pelikula at HIV/AIDS. May …
Read More »Basyang signal no. 1 sa 4 areas ng Mindanao
PUMASOK na ang tropical storm na may international name “Sanba” sa Philippine Area of Responsibility (PAR) nitong Linggo ng gabi, at binigyan ng local name na “Basyang,” ayon sa state weather bureau PAGASA. Sinabi ng PAGASA, ang bagyo ay pumasok sa PAR dakong 7:00 ng gabi. Ang apat na eryang isinailalim sa tropical cyclone warning signal no.1 ay Dinagat Island, …
Read More »Presyo ng palay bagsak ngayong anihan (Magsasaka nangamba)
UMALMA ang mga magsasaka sa parating na bigas na inangkat ng National Food Authority (NFA) dahil sasabay ito sa panahon ng anihan. Nakatakdang dumating sa susunod na buwan ang 250,000 metriko toneladang bigas na inangkat ng NFA, habang higit 3.5 milyong metriko toneladang palay ang inaasahang aanihin ng mga magsasaka. Dahil dito, pinangangambahan ng local farmers na babagsak ang presyo …
Read More »Pinoy nurse, drivers wanted sa Czech Republic
PORMAL nang binuksan ng Czech Republic ang kanilang pintuan para mag-alok ng mga trabaho sa mga Filipino. Sinabi kamakailan ni Czech Ambassador to the Philippines Jaroslav Olsa, Jr., kailangan punan ng kanilang bansa ang pangangailangan sa mga manggagawa. Kabilang sa mga trabahong maaaring pasukin ng mga Filipino ay driver, manufacturing technician, warehouse manager, warehouse worker, forklift operator, baker, butcher, nurse, …
Read More »Bus sumalpok sanggol, ina 1 pa patay 10 sugatan
DEL GALLEGO, Camarines Sur – Tatlong biktima ang patay habang 10 ang sugatan makaraan sumalpok ang isang bus sa puno sa gilid ng Andaya Highway sa bayang ito, nitong Sabado. Ayon sa mga pasahero, mabilis ang takbo ng Fortune Star bus na may 57 pasahero nang mawalan ng kontrol ang driver pagdating sa Brgy. Sinukpin, 9:00 ng gabi. Dahil dito, …
Read More »