Friday , July 26 2024

Pagpaslang sa broadcaster kinondena ng Palasyo

KINONDENA ng Pala­syo ang pagpatay kay radio broadcaster Dindo Generoso ng dyEM 96.7 Bai Radio sa Dumaguete City, Negros Oriental kahapon.

Tiniyak ni Com­muni­cations Secretary Martin Andanar mabibigyan ng hustisya ang sinapit ni Generoso.

“This senseless and unwarranted act will not go unpunished. We will take the necessary action to ensure justice for Mr. Generoso’s family,” aniya.

Bilang co-chair ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS), ipagkakaloob aniya ang kaukulang ayudang legal at iba pang suportang kailangan ng pamilya Generoso.

“We are extending our deepest sympathies to the family of Mr. Generoso in this time of grief and we are with you in seeking justice,” dagdag niya.

Sa ulat ng pulisya, nagmamaneho papunta sa pinapasukang radio station si Generoso nang pagbabarilin ng mga armadong lalaki.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *