Thursday , June 4 2026
LUMAHOK ang 200 miyembro ng transport advocacy group Transport Watch, kasama ang Riders of the Philippines, Motorcycle Rights Organization, at Arangkada Riders Alliance sa "Unity Ride" mula UP Diliman patungo sa Commonwealth Avenue, Quezon City kahapon, upang ipanawagan na payagan silang magserbisyo sa kanilang mga kliyente at aprobahan ng kinauukulang ahensiya ang isinusulong nilang ‘motorcycle taxi’ regulation.’ (ALEX MENDOZA)

TRO inihain ng consumers safety group… Pasahero delikado sa nagsulputang motorcycle taxis

ISANG commuters safety advocacy group ang naghain ng petition for injunction with appli­cation for a temporary restraining order (TRO) laban sa limang motor­cycle taxi groups na wala umanong experience at walang track record para mamasada.

Binigyang-diin ng grupo na malaking banta ito sa kaligtasan ng mga pasahero at ng publiko.

Ayon kay dating QC councilor Atty. Ariel Inton, ng Lawyers for Commuter Safety and Protection (LCSP), sa isang press conference kahapon, sinampahan nila ng petition for injunc­tion with application for a temporary restraining order ang limang motor­cycle taxi companies, ilan rito ay nagsasagawa na ng operasyon nang walang basbas ng awtoridad.

“Dapat ipagbawal sa kalsada ang motorcycle taxi operators na walang experience at walang track record,” ani Inton nang ihain niya ang petisyon kasama si Atty. Ray­mond Fortun, volunteer lawyer ng samahan.

Sa press conference kahapon, sinabi ni Inton, sinampahan nila ng petisyon ang We Move Things Philippines Inc. (Joyride), Habal Rides Corp., I-Sabay, Sampa-Dala Corp., at Trans-Serve Corp.

Inilahad sa petisyon, ang operasyon nito ay walang pahintulot at maaaring magdulot ng peligro sa mga pasahero.

Idinagdag ni Inton, dating Land Tran­spor­tation Franchise and Regulatory Board (LTFRB) member, ang pangunahing misyon ng LCSP ay isulong ang com­muter safety at itaguyod ang Karapatan ng com­muters, road users, at pedestrians para sa ligtas na uri ng tran­sportasyon.

“Malinaw na sina­sabo­tahe ng mga kom­panyang aming sinam­pahan ng petisyon ang kasalukuyang pilot program para sa motor­cycle taxis sa pamama­gitan ng pag-o-operate bagamat walang pahin­tulot ng batas,” ani Inton.

Batay sa petisyon na inihiain ng LCSP sa Quezon City Regional Trial Court, labis na peligro ang nakaamba sa libo-libong commuters dahil sa naglipanang motorcycle taxis na hindi man lamang dumaan sa safety standards at wa­lang maipakitang kara­nasan para sa operasyon ng ganitong uri ng tran­sportasyon.

“Di puwedeng ikom­para ang motorcycle taxi sa milk tea na nang mauso ay kay rami nang nagsulputan kahit maba­ba ang kalidad. Pero higit na mapanganib kung motorcycle taxi ang pinag-uusapan dahil buhay ng pasahero, buhay ng tao ang mala­lalagay sa peligro kung papayagan ang mga walang experience at walang track record na motorcycle taxi na makapasada,” ani Inton.

Ayon naman kay Fortun, hiniling nila sa petisyon ang kagyat na pagpapalabas ng res­training order upang mapigilan ang peligro sa mga pasahero, sa pang­ka­lahatan, at mabahiran din ang isinasagawang pilot program.

“Anomang aksidente ng motorcycle taxi sa kritikal na panahong ito ay lubhang makaaapekto at makasasabotahe sa isinagawang pilot pro­gram,” dagdag ni Fortun.

Sa pagsisimula ng taon, ipinasa ng Maba­bang Kapulungan ang House Resolution No. 449 na humihikayat sa Depart­ment of Tran­sportation (DoTR) na magpatupad ng pilot program na magpa­pahintulot, magmo-monitor at magbigay regulasyon sa operasyon ng rehistrado at orga­nisadong motorcycles for hire bilang alternatibong transportasyon.

Dahil dito, bumuo ang DoTr team ng isang Technical Working Group (TWG) na binubuo ng kinatawan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan upang talakayin ang nasabing usapin hinggil sa posibilidad na gawing legal ang operasyon ng motorcycle taxis sa bansa.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …