Friday , November 22 2024

hataw tabloid

Responde ng Baguio team kailangan sa Cebu para tumulong sa contact tracing

NAKATAKDANG lumi­pad patungong Cebu sa Miyerkoles, 8 Hulyo, ang contact tracing team ng lungsod ng Baguio sa pangunguna ni Mayor Benjamin Magalong upang sanayin ang mga key police personnel para mapabuti ang kanilang sistema ng contact tracing nang sa gayon ay mapigilan ang pagkalat ng coronavirus. Ani Magalong, mana­natili ang kanilang grupo sa lungsod ng Cebu sa loob ng tatlong …

Read More »

Mandaluyong LGU lumarga na sa online payments ng business, real property taxes

Mandaluyong

SIMULA kahapon, 1 Hulyo ay maaari nang magproseso at magbayad ng buwis nang hindi kinakailangang pumunta sa city hall ang mga residente at negosyante sa lungsod ng Mandaluyong.   Pinangunahan ni Mayor Menchie Abalos ang pagpapatupad ng online payments ng buwis ng mga business at real property bilang isa sa mga makabago at angkop na pamamaraan sa paghahatid ng pangunahing …

Read More »

Globe nakiisa sa UN sa pagkilala sa kontribusyon ng MSMEs sa ekonomiya (Sa pagdiriwang ng UN MSME Day)

NAKIISA ang Globe Telecom sa United Nations (UN) sa pagbibigay-pugay sa mahalagang papel na ginagampanan ng micro, small and medium-sized (MSME) enterprises sa pagkakaloob ng disenteng trabaho at sa paglago ng ekonomiya, gayondin sa investments sa industriya, inobasyon at impraestruktura na kabilang sa 17 Sustainable Development Goals (SDGs) na sinusuportahan ng huli. Idineklara ng UN ang 27 Hunyo bilang MSME …

Read More »

‘Hate speech’ vs ‘overbilling electric utility’ binura ng FB

 DESMAYADO ang grupong nagbibigay proteksiyon sa consumers at nakikipaglaban sa ginagawang pang-aabuso ng Manila Electric Company (Meralco) makarang isara o burahin ng Facebook ang mga naka-post na maraming pagbatikos laban sa kompanya. “We received a notice that someone has complained about our posts. We have received similar complaints before, but we trusted Facebook to act correctly since nothing ever came …

Read More »

3 preso nakapuga sa baklas na kandado (Jailbreak sa MPD Ermita Station (PS5)

NAKATAKAS sa kustodiya ng Manila Police District-Ermita Station (PS5), ang tatlong preso na naaresto sa iba’t ibang kaso, kamakalawa ng madaling araw sa Maynila. Kinilala ang mga detainee na sina Joel Meneses, 25 anyos, miyembro ng Batang City Jail (BCJ) gang, residente sa Dubai St., Baseco Compound, may kasong paglabag sa Revised Ordinance (curfew hour) at RA 10591 o Comprehensive …

Read More »

80 ordinansa aprobado kay Isko (Sa unang taon bilang alkalde)

Sa loob pa lamang ng isang taon na panunungkulan bilang alkalde ng lungsod ng Maynila ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, umabot sa mahigit 80 bagong ordinansa ang kanyang inaprobahan na ang karamihan ay nagbibigay ng benepisyo sa lahat ng Manilenyo.   Karamihan sa mga ordinansa na tumatak sa mga Manilenyo ang pagbibigay ng monthly pension sa senior citizens, persons …

Read More »

CDO ng NTC vs ABS-CBN tutulan – NUJP

NUJP ABS-CBN

NANAWAGAN ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) sa mga pinuno ng iba’t ibang news organizations sa bansa at sa mga kasamahang mamamahayag na magkaisa sa ngalan ng propesyon at industriya at hilingin sa pamahalaan na tigilan ang persekusyon o pang-uusig sa ABS-CBN at payagang makabalik sa ere sa ngalan ng kalayaan sa pamamahayag at karapatan ng taong …

Read More »

Ospital sa Iloilo ini-lockdown (6 doktor positibo sa COVID-19)

NANANATILING naka-lockdown ang St. Paul’s Hospital sa lungsod ng Iloilo habang nagsasagawa ng contact tracing ang mga awtoridad matapos magpositibo ang anim na doktor sa coronavirus disease (COVID-19).   Ayon kay Atty. Roy Villa, tagapagsalita para sa Western Visayas Task Force on COVID-19, kasalukuyan nilang isinasagawa ang contact tracing upang matukoy ang mga nakasalumuha ng mga nagpositibong doktor.   Ani …

Read More »

Samar municipal police office isinailalim sa quarantine

ISINIAILALIM sa quarantine ang buong puwersa ng pulisya sa bayan ng Zumarraga, sa lalawigan ng Samar, matapos makasalumuha ang isang PDL (person deprived of liberty) na nagpositibo sa new coronavirus disease (COVID-19).   Ayon kay P/Lt. Reynato Gerona, hepe ng Zumarraga municipal police, nasa isolation ang kanilang 16 pulis  at apat na non-uniformed personnel (NUP) sa loob ng kanilang himpilan. …

Read More »

Sked ng laro inilabas ng NBA

NEW YORK—Isina­publi­ko  na ng NBA ang komple­tong game schedule at national television schedules para sa TNT, ESPN, ABC at NBA TV para sa ‘seeding games’ na magsisimula sa July 30 –Aug. 14  sa pagpapatuloy ng 2010-20 season. Ang 22 teams na lalahok sa season ay magsisimula ng laro ng walong seeding games kada isa sa ESPN Wide World of Sports …

Read More »

Tyson ikinumpara kay Pacquiao

BALAK  bumalik sa ring ni Iron Mike Tyson at nagpakita ito ng bagsik sa ensayo na hinangaan ng makasaysayang trainer na si Teddy Atlas. “Mike Tyson was speed and power – the heavyweight Manny Pacquiao,” pahayag ni Atlas. Ang unang pagsalang sa  training ni Tyson ay napanood ni Atlas at nagustuhan niya ang istilo ng dating undisputed heavyweight champion at …

Read More »

Bilis, lakas napanatili ni Pacquiao

INILABAS   ni eight-division champion Manny Pacquiao ang kanyang bilis at lakas sa paunang ensayo  kahit mahigit 40 anyos na ito. Nag-post ng video si fighting senator sa kanyang twitter account ng ensayo nito, nakita doon ang walang humpay na training kahit na may COVID-19 pa sa bansa. Bilis ng kamay at lakas ng suntok ang nasilayan sa video kung saan …

Read More »

‘Di awtorisadong pista sa gitna ng lockdown nakalusot sa Cebu

NAGLUNSAD ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy kung sino ang nagbigay ng permiso sa ginanap na pista sa Sitio Alumnos, Barangay Basak San Nicolas, sa lungsod ng Cebu, noong Sabado, 27 Hunyo sa gitna ng umiiral na mahigpit na lockdown upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19). Ayon kay P/BGen. Albert Ignatius Ferro, direktor ng Police Regional Office in …

Read More »

7 close contacts ng LSIs sa Naga nagpositibo sa Covid-19

Covid-19 positive

POSITIBO sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) nitong Linggo, 28 Hunyo, ang pitong residente ng lungsod ng Naga, lalawigan ng  Camarines Sur, na nag­karoon ng close contact sa locally stranded individuals (LSIs) mula sa bayan ng Naic, sa lalawigan ng Cavite. Dagdag ito sa dala­wang naunang close contact na nagpositibo sa SARS-CoV-2, virus na sanhi ng COVID-19, noong Sabado, 27 Hunyo. …

Read More »

Ex-NPC president, 3 pa absuwelto sa 2 kasong Libel

ABSUWELTO ang dating Pangulo ng National Press Club of the Philippines (NPC) sa dalawang bilang ng kasong Libel na inihain ng isang police officer noong 2015. Kasamang inabsuwelto ni Jerry Yap, kolumnista at publisher ng HATAW D’yaryo ng Bayan; sina Gloria Galuno, managing editor; at Edwin Alcala, circulation manager. Sa ikalawang kaso ng Libel, kapwa absuwelto rin sina Yap at …

Read More »

Sa Palawan… 2 menor de edad ikinandado sa loob ng quarantine facility

IKINANDADO sa loob ng isang quarantine facility ang dalawang menor de edad na nabatid na kababalik pa lamang sa sa bayan ng Roxas, sa hilagang bahagi ng lalawigan ng Palawan. Ayon kay Barangay Tinitian chairman Andrew Goldfarb, noong Miyerkoles, 24 Hunyo, ikinadena nila ang pasilidad upang matiyak ang kaligtasan at walang masamang mangyari tuwing gabi sa dalawang batang nasa loob …

Read More »

Tindero sa Angeles namatay sa COVID-19 shutdown ng public market iniutos ng alkalde

COVID-19 lockdown

IPINAG-UTOS ni Angeles City Mayor Carmelo Lazatin ang pansamantalang pagsasara ng Pampang public market, sa lungsod ng Angeles, isa sa pinakamalalaking pampublikong pamilihan sa lalawigan ng Pampanga, simula kahapon, Miyerkoles, 24 Hunyo, matapos pumanaw noong Martes ang isang tindero dito dahil sa coronavirus disease (COVID-19). Binawian ng buhay ang isang 21-anyos tindero, residente sa Barangay Pampang, na nabatid na mayroong …

Read More »

Bagong vending stalls itinayo sa Ilaya, Divisoria  

NAGTAYO ang pamahalaang lungsod ng Maynila ng bagong stalls sa Ilaya Street sa Divisoria. Ang mga bagong vending stalls, kulay asul at may sariling linya ng koryente. Ayon kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagos, ang mga dating vendor sa Ilaya ang prayoridad at minimal lamang ang babayaran. Itinayo ito sa magkabilang bahagi ng kalsada kaya isang lane na lamang ang …

Read More »

Tourist spots paiilawan nang sabay-sabay (Ngayong Araw ng Maynila)

SABAY-SABAY ang gagawing pagpapailaw sa magagandang tanawin, pasyalan, tourist spots, at mga gusali sa kabisera ng bansa sa isasagawang pagdiriwang  ngayong araw ng ika-449 Araw ng Maynila.   Ayon kina Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at sa kanyang Chief of Staff Cesar Chavez, magsisimula ang pailaw dakong 6:30 pm.   Ayon kay Charlie Dungo, Director ng Department of Tourism, Culture …

Read More »

7-anyos Pinay sa Kuwait patay sa inorder na fried chicken  

ISANG pitong taong gulang na batang babae ang namatay sa Kuwait dahil sa pagkain ng fried chicken ng isang fast food chain na inorder sa online delivery, iniulat kahapon. Ang batang si Zara Louise Lano ay namatay noong 21 Marso, isang araw matapos kumain ng fried chicken na inorder sa isang fast food chain sa online delivery. “Habang kumakain kami, …

Read More »

Jams Artist Production, handang-handa sa New Normal

THE world has changed. Lahat ng bagay mayroong new rules and new guidelines dahil kailangan nating mag-adjust sa New Normal. Kahit mahirap ito lalo na sa mga taga-entertainment, wala tayong choice kundi sumunod at mag-adapt. Aware rito ang JAMS Artist Production, ang sikat na casting agency na pinamumunuan nina Jojo Flores (na dating taga-Star Circle Quest) at Maricar Moina. Ayon kina Jojo at Maricar, handa …

Read More »

Ai Ai, iniwan na si Boy Abunda

SO, wala na sa pangangalaga ni Boy Abunda si Aiai delas Alas. Ito ay nang ipahayag noong June 19, 2020 ng GMA Artist Center na bago nilang alaga ang aktres. Sabagay, matagal na ring nasa GMA si Aiai simula nang lumipat siya ng network at maganda rin ang naging move niya sa problemang kinakaharap ng ABS-cBN ngayon, ang prankisa nila. Naniniwala naman ako na maaayos din ‘yan. …

Read More »

Michael V., Heart, at Dingdong, may pasabog

SA gitna ng pandemic dahil sa Covid-19, obligadong manahimik sa kanilang pamamahay ang mga artista natin sa ayaw at sa gusto nila to protect themselves and their families. Pero hindi sila tumunganga at naghintay na lang ng kaganapan. Hindi sila nawalan ng mga idea para maging busy at makapaghatid ng kasiyahan sa mga follower nila. Kaya hindi nahirapan ang GMA Network na …

Read More »