Saturday , May 18 2024

hataw tabloid

Sigaw ng bayan: Leni panalo, Marcos talo

MAS pinaiigting pa ng mga batayang sektor ang pagpapahayag nila ng suporta para kay Vice President Leni Robredo sa gitna ng protestang inihain ni Bongbong Marcos laban sa kaniya. Panawagan ng iba’t ibang sektor sa Korte Suprema, na nagsisilbing Presidential Electoral Tribunal, tapusin sa lalong madaling panahon ang kasong walang basehan. “VP Robredo, tunay na panalo!” sigaw ng mga grupo, …

Read More »

Salceda: CITIRA, positibong tatatak sa ekonomiya

ITINUTURING na panga­lawa sa 1987 Konstitusyon ang kahalagahan ng panu­kalang ‘Corporate Income Tax and Incentives Rationalization Act’ (CITIRA), na ipinasa ng Kamara nitong nakaraang linggo, dahil sa mga positibong yapak na iiwanan nito sa lahat ng sektor ng pambansang ekonomiya. Ayon kay Albay Rep. Joey Sarte Salceda, House Ways and Means committee chair at isa sa mga pangu­nahing may-akda nito, …

Read More »

Obstruction sa Tondo ipinatanggal ni Isko

PINANGUNAHAN ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Doma­goso ang road clearing operations sa ilang bahagi ng Moriones St., sa Ton­do, Maynila, kahapon. Dinatnan ni Moreno ang mga kulungan ng manok na panabong at iba pang road obstructions sa nasabing lansangan. Desmayado si Moreno dahil ginawang tambakan ng kung ano-anong mga gamit ang center island sa bahagi ng Barangay 123, Zone …

Read More »

Ph basic education antas itataas

DALAWANG panu­ka­lang batas ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang nakahain sa Kamara na naglalayong lalo pang itaas ang antas ng Philip­pine basic education sa pandaidigang paman­tayan. Ang isa, House Bill 311, ay isusulong ang ‘state-of- the art school system,’ at ang panga­lawa, House Bill 304 ay titiyaking maginhawang makapapasok sa mga paaralan ang mga mag-aaral sa liblib na mga …

Read More »

Limang huwarang Sentro ng Wika at Kultura, kinilala ng KWF

KINILALA kamakailan ang limang huwarang Sentro ng Wika at Kultura (SWK) ng Komisyon sa Wikang Filipino sa nangyaring Pammadayaw noong 27 Agosto 2019 sa Sentrong Pangkultura ng Filipinas. Pinagkalooban ng natatanging ahensiyang pangwika ang Selyo ng Kahusayan sa Wika at Kultura sa mga SWK na nása Aurora State College of Technology, Pangasinan State University, Sorsogon State College, Bukidnon State University, …

Read More »

Palengke, pantalan sa Maynila, bantay-sarado

INATASAN ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na mas lalo pang paigtingin ang pagbabantay sa lahat ng pamilihan at pantalan ng nasabing lungsod sa gitna ng mga ulat na maraming lalawigan ang apektado ng African Swine Fever (ASF). Sa ulat ng Veterinary Inspection Board (VIB) sa alkalde, tiniyak nila na wala pang kaso ng ASF sa lungsod dahil tuloy-tuloy …

Read More »

Isko aariba na: P90-bilyong kita ng Maynila kukunin sa Customs

MAYNILA ang magiging pinaka­mayamang lungsod.  Binigyang diin ito Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa kanyang pagharap sa isang business forum sa Manila Polo Club. Sinabi ni Moreno, makakukuha ng kita ang city government mula sa Bureau of Customs, na aabot sa P90-bilyon sa mga susunod na taon. Binanggit ni Moreno ang 2018 Supreme Court ruling na dapat ay may share ang city govern­ment …

Read More »

Tulak na mommy nagtago ng shabu sa medyas ni baby

shabu

INARESTO ang isang ina sa Maynila nang mahuling ginagamit ang kaniyang sanggol upang itago ang shabu na kaniyang ibenebenta. Kinilala ang suspek na si Annaliza Aligado. Naging emosyonal pa si Aligado, yakap-yakap ang kaniyang tatlong buwang sanggol, nang dalhin ng mga opisyal ng Barangay 108, Zone 9, Tondo sa tanggapan ng Manila Police District. Pahayag ng isang barangay kagawad, ma­ta­gal …

Read More »

Lahat puwede basta’t may pambili… ‘For sale’ talamak sa BuCor — Legal chief

INAMIN ng hepe ng legal division ng Bureau of Corrections (BuCor) ang talamak na korupsiyon sa ahensiya. Sa  pagharap sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni Atty. Fredric Santos na ‘nababayaran lahat’ sa BuCor. Si Santos ay isa sa mga opisyal ng BuCor na pinatawan ng suspen­siyon ng Office of the Ombudsman. Kabilang sa inihalim­bawa ni Santos ang …

Read More »

Highest attendance sa Kamara sa liderato ni Speaker Cayetano naitala ngayong 18th Congress

NAITALA ang pinaka­mataas na numero sa pagdalo ng mambabatas nang magbukas ang 18th Congress nitong 22 Hulyo 2019, hanggang 10 Se­tyembre, na umabot sa 247 kongresista ang pu­ma­sok para sa kabuuang 18 session days. Ang mataas na nu­mero ng dumalo ay unang pagkakataon, historic at pruweba ng determina­syon at pagi­ging maka­bayan ng ating mga mam­babatas sa pangunguna at paggabay ni …

Read More »

Buntis, 2 paslit na anak patay sa sunog sa Tondo

PATAY ang isang inang buntis at ang kanyang dalawang paslit na anak sa sumiklab na sunog sa mga kaba­hayan sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga. Kinilala ang bikti­mang mag-iina na sina Mara Beneza, 23; Leo Lance Tequillo, 4; at Andrei Tequillo, 5 anyos, pawang residente sa Honorio Lopez Blvd., Gagalangin, Tondo, Maynila. Ayon kay Fire Insp. John Joseph Jalique, chief …

Read More »

Erpat naburyong nagbigti

PAGKABURYONG ng isang padre de familia ang nakikitang dahilan kung bakit niya kinitil ang sariling buhay habang lango sa alak sa Tondo, Maynila. Kinilala ang biktima na si Christopher Pincas, 37, may asawa, residente sa Gate 14, Area B, Parola Compound,  Tondo, Maynila. Sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD), 7:45 am nang madiskubreng patay ang biktima ng kanyang asawang …

Read More »

PACC nakatutok sa tiwaling kawani at barangay officials sa Maynila

NAKIPAGPULONG ang pamu­nuan ng  Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso upang tala­kayin ang ilang usapin na kina­sasangkutan ng ilang empleyado ng Manila City Hall at barangay officials na tiwali at sangkot sa droga. Ayon kay Mayor Isko, sa kanilang pagpu­pulong ng PACC sa pangunguna  ni Chairman Dante Jimenez sa Office of the Mayor, binigyan siya …

Read More »

MMDA ginawaran ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko ng KWF

BINIGYAN Paranagal ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ng Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa paggamit nito ng wikang Filipino sa pakikipag-ugnayan sa publiko para sa mga serbisyo, programa, at proyekto ng ahensya. Ito ang kauna-una­hang pagkakataon na nakatanggap ng pagkilala ang MMDA mula sa KWF, ang regulating body ng wikang Filipino …

Read More »

Palasyo walang tutol sa suspensiyon ng 27 BuCor officials

nbp bilibid

WELCOME sa Palasyo ang desisyon ng Ombudsman na suspendehin ng anim na buwan ang 27 opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) dahil sa pagpapalaya ng heinous crime convicts base sa Good Conduct Time Allowance ( GCTA) law. “It was the President who referred the matter to the Ombudsman. So that should be welcome,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo. Nauna …

Read More »

Sa ilalim ni Speaker Cayetano… Budget hearings sa Kamara tapos agad (No pork barrel, no ‘insertions’)

NATAPOS “in record time” ng Committee on Appropriations ng House of Representatives, ang mga pagdinig sa mga panukalang gastusin ng iba’t ibang ahensiya ng pamaha­laan, nitong nakaraang linggo na may katiyakang walang nakatagong pork barrel o mga ilegal na ‘insertions’ sa 2020 national budget. ‘Yan ay sa masusing  paggabay ni House Speaker Alan Peter Caye­tano, na naglalayong ma­big­yan ng ligtas …

Read More »

“It can be done” — Sec. Gina Lopez

IBINAHAGI ni Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) executive director Jose Antonio “Pepeton” Goitia sa kanyang facebook account ang mga huling mensahe ng yumaong dating kalihim ng DENR at PRRC Chairperson Gina Lopez kaugnay sa Pasig River. “Pasig River is the main water artery of the nerve center of the country,” pam­bungad ni Lopez, yumao kamakailan dahil sa multiple organ failure. …

Read More »

Sumali sa KWF Gawad Julian Cruz Balmaseda!

ALAM mo bang maisusulat mo sa wikang Filipino ang iyong tesis/disertasyon sa iyong pinagdadalubhasaang disiplina? Pinagtibay ng KWF ang Kapasiyahan ng Kalupunan ng mga Komisyoner Blg. 18-25, s. 2018 na nagtatakda ng paggamit ng wikang Filipino bilang wika ng mga saliksik sa agham, matematika, at humanidades! Alam mo bang maaari kang magwagi ng P100,000 sa paggamit mo ng wikang Filipino …

Read More »

P170k droga nakompiska sa 8 suspek sa Maynila

shabu drug arrest

AABOT sa P170,000 halaga ng ilegal na droga ang nakompiska sa walong suspek na nahuli sa isang bahay sa Maynila nitong Miyerkoles. Sa bisa ng search warrant, hinalughog ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency at Manila Police District ang isang bahay sa Geronimo St., Sampaloc district, na sinabing ginagamit bilang drug den. Naaresto ang pitong lalaki at isang …

Read More »

Police clearance sa Senior Citizens at PWDs libre na sa Maynila

police clearance

LIBRE na ang police clear­ance para sa mga senior citizen at  PWDs na manga­ngailangan bilang isa sa requirements na ipinapasa sa paghahanap ng tra­baho. Inianunsiyo ito ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso  kasabay ng paglagda ng Memorandum of  Agreement (MOA) sa pagitan ng City Goverment at McDonald Philippines kaugnay ng pagtatrabaho ng senior citizens at may mga kapansanan sa mga …

Read More »

“Toilets for all gender stripes” ipinagmalaki ng Tourist site sa Palawan farm

SUMISIKAT ngayon ang isang farm tourist destination sa Palawan sa pagkonsepto ng isang ‘gender sensitive’ na palikuran para sa lahat ng uri ng kasarian. Dalawang taon na simula nang buksan ng Yamang Bukid Farm sa Barangay Bacungan, sa lungsod ng Puerto Princesa, ang palikuran na ipinagagamit sa lahat kahit ano ang kanilang sexual orientation. Sa pangangasiwa ng mga nakatatandang kaba­baihan …

Read More »

Truck driver pisak nang madaganan ng container van

dead

NAGKALASOG-LA­SOG ang katawan ng isang truck driver mata­pos madaganan ng isang container van sa isang warehouse sa Paco, Maynila kahapon. Kinilala ang biktima na si Rogelio Policarpio Jr., 44-anyos. Ayon sa pahinanteng si Richard Baranggain, nagbababa sila ng mga kargamento mula sa nakaparadang container van nang unti-unting gumalaw at tuluyang bumagsak. Huli na nang kanilang malaman na nadaganan na pala …

Read More »

Mabuhay Lane 100% obstruction free — VM Honey Lacuna

Manila brgy

IPINAGMALAKI ni Vice Mayor Honey Lacu­na kahapon na hindi na kailangan pang maki­pag-unahan ng Maynila sa itinakdang 60-day deadline para tumugon sa utos ni President Rodrigo Duterte na ma­bawi ang lahat ng mga kalye mula sa pribadong sektor dahil malinis na ito sa lahat ng uri ng ilegal na estruktura, may dalawang linggo na ang nakararaan. Ayon kay Lacuna, nauna …

Read More »

Babaeng sex worker inatado ng saksak sa loob ng motel

knife saksak

DUGUAN at tadtad ng saksak ang isang babae nang matagpuan sa inupahang motel, Linggo ng madaling araw sa Tondo, Maynila. Tinangkang habulin ang suspek na nagtata­takbo palabas ng Safety Motel sa kanto ng Morio­nes at Mabuhay St., ngu­nit hindi naabutan ng roomboy. Inilarawan  ni P/Sgt. Jansen Rey San Pedro, ng Manila Police District – Homicide Section, ang biktima na kinilala …

Read More »

Taguig ginawaran ng prestihiyosong Nutrition Honor Award (Pinakamataas na pagkilala sa larangan ng nutrisyon)

NADAGDAGAN ang listahan ng tagumpay ng Taguig City dahil sa panibagong pagkilala sa larangan ng nutrisyon. Tinanggap ng pama­halaang lungsod ng Taguig nitong Biyernes ang award mula sa National Nutrition Council (NNC) sa pagi­ging pinakamataas na local government unit sa buong bansa na may maayos at mabisang nutrition programs simu­la noong 2013. Ang Taguig ang nag-iisang siyudad sa buong Metro …

Read More »