Monday , August 8 2022
Canelo Alvarez Gennadiy Golovkin

Golovkin tinawag si Canelo na tumatahol na aso

PANANAW ni Gennadiy Golovkin na hindi siniseryoso ni Canelo Alvarez ang magiging  trilogy fight nila sa Setyembre 17 sa T-Mobile Arena sa Paradise, Nevada.

May nauna nang pahayag si Canelo tungkol sa magiging laban nila, na kompiyansa siyang pagreretiruhin niya si Golovin sa pagtatapos ng kanilang paghaharap na isasa-ayre ng DAZN pay-per-view.

Buwelta ni Golovin (42-1-1, 37 KOs) na maituturing niyang parang isang aso si Canelo (57-2-2, 39 KOs) na tumatahol.   Hindi niya iniisip ang kanyang mga sinasabi.

Ayon naman  sa  mga eksperto sa boksing, para talunin ni Canelo si Golovkin at pagretiruhin, kailangan niyang magpakita ng superyor na laro  na mas maganda sa ipinakita niyang ‘performance’ sa naging talo niya kay WBA light heavyweight champion Dmitry Bivol nung May 7th.

Tingin ng mga eksperto na masyadong pagod si Canelo, mabagal at tipong tumanda na sa laban  nang sugurin niya nang sugurin si Bivol na steady lang sa pagpapakawala ng kombinasyon.

Naniniwala naman ang ilang miron sa boksing na ang pahayag ni Canelo ay buwelta lang sa komento ni Golovkin nang ma-test na positibo ang Mexican star ng dalawang beses sa ipinagbabawal na ‘substance clenbuterol’ apat na taon na ang nakararaan  nung March 2018.

Pinatawan ng anim na buwan na suspensiyon si Canelo dahil sa  pagka-positibo sa test.   At dahil dun  ay nagpahayag si Golovkin na hindi naging patas ang kanilang unang laban na nagtapos sa draw.  Hinala naman ng mga fans ni Golovkin na   Posibleng gumamit ng  PEDS ang Mehikano.

“I didn’t think anything in particular. I was judging his reaction and behavior,”   sabi ni Golovkin sa ESNEWS nang tanungin tungkol sa magiging laban nila ni Alvarez sa Setyembre 17th trilogy.

“Nothing goes through my mind. It’s just words,” pahayag ni Golovkin tungkol sa kanyang pananaw sa sinabi ni Canelo na pagreretiruhin siya sa kanilang laban.   “It’s like a caravan of camels going through the desert, and there’s a dog barking at them. That’s it.

“I looked him in the eye during the face-off. There’s nothing to say. If he thinks I said something bad about him, it’s up to him to believe that.

“We just faced each other. If he wanted to say something to me and I wanted to say something, we would have said it, but now giving him a message through a career, it’s not going to be here,”  sabi Golovkin nang tanungin kung may mensahe siya kay Canelo.

“It’s not yet different from other fights, but on the other hand, we cannot call my opponent just an ordinary guy,” ani Gennadiy. “Of course, I’ll be getting ready for this fight, I’ll do my best, and we will see how it is going to play out.”

About hataw tabloid

Check Also

Dave Apolinario

Gideon Buthelezi tulog sa 1st round kay Pinoy prospect Dave Apolinario

IMPRESIBO ang ipinakita ni Filipino prospect Dave Apolinario nang patulugin niya sa 1st round ang dating …

Marlon Bernardino Avocadoria FIDE Rated Rapid Chess Tournament

NM Bernardino nagkampeon sa 1st  Ever Avocadoria FIDE Rated Rapid Chess Tournament

MARIKINA CITY—Tumapos si last-minute entry National Master Almario Marlon Quiroz Bernardino Jr. sa 11-Round tournament, …

3x3 Wheelchair Basketball ASEAN Para Games

PH cagers tinalo ang Indons sa 3×3 Wheelchair Basketball

SURAKARTA, Indonesia – Inasahan si Alfie Cabanog sa inside game para talunin ng Team Philippines …

Buenaflor Cruz ASEAN Para Games Go for Gold

Hamon ni Buenaflor Cruz sa Pinoy bets “Go for Gold”

SURAKARTA, Indonesia – “Let’s go for the  gold!” ito ang hamon ni Buenaflor Cruz, ang …

MPBL OKBet Bacolod

Laro ng MPBL sa Bacolod City kinagiliwan ng manonood

TULAD ng pangako ng OKBet – nangungunang Pinoy gaming platform sa bansa – mas kinagiliwan …