Monday , August 8 2022
Errol Spence Jr Terence Crawford

Bakbakang Spence-Crawford malapit nang maikasa

AYON sa report, ang bakbakang Errol Spence Jr. vs. Terence Crawford para sa undisputed welterweight championships ay ikinakasa na.

Sinabi ni ESPN’s Mike Coppinger na ang  kongretong ‘agreement’ ng dalawang boxing superstars ay malapit nang maayos at posibleng mangyari ang laban sa Oktubre.

Pero hindi nawawala ang espekulasyon ng mga eksperto na malaki rin ang posibilidad na hindi mangyari ang laban dahil ang partnership ni Crawford sa Top Rank ay magtatapos sa Nobyembre.

Si Spence ay nasa pangangalaga ni Al Haymon na bumuo sa Premier Boxing Champions.   At ang PBL ay hindi nakikipagsosyo sa ibang promoter, ayon kay Coppinger.

“I’m free to do whatever I want,”  sabi ni Crawford kay  Coppinger. “There’s nothing standing in the way from us fighting. There’s no promotion company that’s blocking it, there’s no wrong side of the street, there’s no nothing. Let’s see who the best welterweight in the world is.”

Unang nagparingginan sa Twitter sina Crawford at Spence nung nakaraang buwan nang magbiro ang huli tungkol sa rekord ng trainer ng una bilang boxer.

Hindi na pinalala ng dalawa ang biruin nila sa social media.  At nilinaw ni Spence na dapat lang na magkaharap ang dalawang  magaling na boxers sa welterweight.   Pag-uulit iyon sa naging pahayag niya nang talunin niya si Yordenis Ugas noong Abril 16.  Malinaw na hinamon niya si Crawford.

“Everybody knows who I want next. I want Terence Crawford next,” sabi ni Spence. “That’s the fight I want. That’s the fight everybody else wants.”

Si Crawford (38-0) ay naging kampeon ng WBO welterweight pagkaraang gibain niya si Jeff Horn noong 2018.    At naging matagumpay na dinipensahan ang kanyang titulo ng limang beses.  Ang panghuli ay nang  tibagin niya si Shawn Porter via 10th-round TKO noong Nobyembre.

Napanatili naman ni Spence (28-0) ang WBC at IBF welterweight titles at idinagdag niya sa  listahan ng kanyang  titulo ang naagaw niyang WBA welterweight kay Ugas.

About hataw tabloid

Check Also

Dave Apolinario

Gideon Buthelezi tulog sa 1st round kay Pinoy prospect Dave Apolinario

IMPRESIBO ang ipinakita ni Filipino prospect Dave Apolinario nang patulugin niya sa 1st round ang dating …

Marlon Bernardino Avocadoria FIDE Rated Rapid Chess Tournament

NM Bernardino nagkampeon sa 1st  Ever Avocadoria FIDE Rated Rapid Chess Tournament

MARIKINA CITY—Tumapos si last-minute entry National Master Almario Marlon Quiroz Bernardino Jr. sa 11-Round tournament, …

3x3 Wheelchair Basketball ASEAN Para Games

PH cagers tinalo ang Indons sa 3×3 Wheelchair Basketball

SURAKARTA, Indonesia – Inasahan si Alfie Cabanog sa inside game para talunin ng Team Philippines …

Buenaflor Cruz ASEAN Para Games Go for Gold

Hamon ni Buenaflor Cruz sa Pinoy bets “Go for Gold”

SURAKARTA, Indonesia – “Let’s go for the  gold!” ito ang hamon ni Buenaflor Cruz, ang …

MPBL OKBet Bacolod

Laro ng MPBL sa Bacolod City kinagiliwan ng manonood

TULAD ng pangako ng OKBet – nangungunang Pinoy gaming platform sa bansa – mas kinagiliwan …