Friday , June 12 2026
Robin Padilla Heart Evangelista Chiz Escudero

Barong ni Robin binili sa mall; Hermes bag ni Heart agaw-eksena

BINILI lamang sa isang shopping mall. Ito ang ipinangalandakan ni Sen. Robin Padilla ukol sa suot-suot niyang Barong Tagalog para sa pagbubukas ng unang sesyon ng 19th Congress sa Batasang Pambansa sa Quezon City.

Robin Padilla

Inirampa ng dating action star ang nabiling Barong Tagalog na aniya’y binili lamang sa isang shopping mall at hindi tulad ng iba na gawa pa ng sikat na designer.

Agaw-eksena naman si Heart Evangelista sa suot niyang modern all-white Filipiniana na gawa ni Mark Bumgarner. Bukod sa magandang damit nakapukaw din ng pansin ang bags at accessories ni Heart, ang 20cm Hermès Kelly Sellier bag in Beton Matte Alligator na umano’y nagkakahalaga ng USD89,500 o around PHP4,999,917.50.

Evangelista Chiz Escudero

Para naman sa SONA, bitbit naman ni Heart ang kanyang Bvlgari “Serpenti” cocktail clutch habang suot ang white agate metallic karung skin gown. Ang bag ay nagkakalaga ng USD3,450.00 o around PHP192,694.58.

Agaw-pansin din ang OOTD ni Sen. Imee Marcos na inspired mula sa mga kababayan nating magsasaka. Ang kasuotan ni Imee ay gawa ng Davao designer na si Edgar Buyan.

Imee Marcos

Gawa naman ang Filipiniana ni Sen. Risa Hontiveros sa Piña fabric habang ang black-and-white na kasuotan ni Sen. Grace Poe ay nilikha rin ng isang local designer. Mula naman sa isang Cebu-based designer ang suot na maroon at green na kasuotan ni Sen. Pia Cayetano.

Risa Hontiveros Grace Poe Pia Cayetano

Panalo rin ang OOTD ni Vice President and Education Secretary Sara Duterte-Carpio, ang traditional Bagobo Tagabawa dress.

Ayon sa spokesman ni VP Sara na si Reynold Munsayac, hiniram lamang ng anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang damit mula kay Bae Sheirelle Antonio, ang deputy mayor ng Tagabawa tribe sa Davao City.

Sara Duterte

Elegante rin ang OOTD ni Senator Nancy Binay sa 2022 State of the Nation Address. Ito ang traditional Filipiniana terno na gawa rin ng local designer na si Randy Ortiz.

Nancy Binay

Panalo rin ang kasuotan ni Sylvia Sanchez na kasamang pumunta sa SONA ng kongresistang anak na si Arjo Atayde gayundin ang asawang si Art Atayde na kapwa naka-barong. Suot ni Sylvia ang classy at elegant in a modern  Terno na ginamitan ng Yakan handwoven fabric mula Zamboanga. Gawa iyon ni Frankie de Leon.

Arjo Atayde Sylvia Sanchez Art Atayde

Marami rin ang nabighani sa kasuotan ni Marga Nograles, asawa ni Karlo Nograles, Chairman ng Civil Service Commission. Isang Terno ang OOTD ni Marga na siya mismo ang nagdisenyo mula sa kanyang brand na Kaayo Mindanao. Gawa ito sa Inaul fabric na hinabi pa ng Maguindanao Tribe sa South Cotabato. Ipinakikita rin ng kasuotan ang hand-beaded details ngT’boli Tribe ng Lake Sebu, South Cotabato.

Marga Nograles
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Jos Garcia Nolo Lopez

Jos Garcia and Nolo Lopez nominado sa 17th Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla NAGPAPASALAMAT ang Pinay international singer na nakabase na sa Japan na si Jos …

Ryzza Mae Dizon Toni TalksToni Gonzaga

Ryza Mae Dizon thankful sa TVJ

MATABILni John Fontanilla EMOSYONAL na ibinahagi ni Ryzza Mae Dizon sa interview nito sa Toni Talks ni Toni …

Claudine Barretto Dolphy Home Along Da Riles

Claudine ramdam na kasamang nanonood si Dolphy 

MA at PAni Rommel Placente LAST week ay nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home Along …

Aiko Melendez Andre Yllana

Andre gusto nang bumukod kay Aiko

MA at PAni Rommel Placente DUMATING pala sa puntong nagtampo kay Aiko Melendez ang anak niyang si Andre …

Sue Ramirez

Sue malaki ang impluwensiya ng Project Baby sa kanyang growth bilang babae 

BIDA ang Star Magic actress na si Sue Ramirez sa naganap na Star Magic Press Conference noong June 6, 2026, sa …