Tuesday , December 5 2023
Gilberto Ramirez Dmitry Bivol

Bivol haharapin si Zurdo para sa WBA Super Light Heavyweight Championship

LAS VEGAS (July 20, 2022) – Tapos na ang paghahabol ni Gilberto “Zurdo” Ramirez  dahil nag-order na ang World Boxing Association (WBA) na dapat lang silang magharap ng WBA reigning  champ Dimitry Bivol  para sa sa world heavyweight championship.

Si Zurdo  na dating middleweight champion ay mahaharap sa mahirap na asignatura sa pagharap niya kay Bivol na kamakailan ay tinalo si Canelo Alvarez via unanimous decision.

Si Ramirez ay hindi lang isang beses nanalo sa title eliminator dahil dalawang beses nangyari iyon nang talunin niya si dating WBA No. contender Dominic Boesel sa four rounds.

“Bivol’s champion period is conditioned to a term of 24 months and his last mandatory fight was on March 3, 2018 (8 fights ago vs. Sulivan Barrera in Bivol’s first title defense), his next was to be after March, 2020,” paliwanag ni Carlos Chavez, chairman ng  WBA Championship Committee, sa naging sulat niya sa dalawang teams. “For that reason, he must face Ramirez. In case they do not reach an agreement in the given time period or any of the parties refuse to do so, the WBA will have the right to call the fight a purse bid.”

Binigyan ang dalawang panig hanggang Agosto 10th para ayusin ang laban at hindi na dumaan iyon sa WBA purse bid hearing.

“I always hear things here and there,” Ramirez said, “but I’m in this position for a reason. The WBA is a tremendous organization and I believe the right process will prevail. Unlike others, I take pride in my craft and will always want to face the best in real life, and not just speak of it like other champions.”

About hataw tabloid

Check Also

PH Canoe-Kayak squad, kampeon sa Asian Cup

PH Canoe-Kayak squad, kampeon sa Asian Cup

INANGKIN ng Philippine Canoe-Kayak team ang pangkalahatang kampeonato sa napagwagihang 21 medalya kabilang ang 10 …

Pickleball, laro para sa Pinoy

Pickleball, laro para sa Pinoy

UMAASA ang liderato ng Philippine Pickleball Federation na tulad ng kaganapan sa ibang bansa, mabilis …

Nagbabalik ang Volleyball World Beach Pro Tour sa Nuvali

Nagbabalik ang Volleyball World Beach Pro Tour sa Nuvali

MAGTITIPON ang mga elite na manlalaro sa buong mundo sa loob ng limang araw sa …

Siargao kampeon sa International Dragon Boat

Siargao kampeon sa International Dragon Boat

DINOMINA ng Siargao Dragons ang apat sa pitong events na nakataya at inangkin ang overall …

Tribesmen sasabak sa PSC IP Games

Tribesmen sasabak sa PSC IP Games

PUERTO PRINCESA — Muling bibigyan ng pagpapahalaga ang mayamang pamana ng kultura ng mga Filipino …