Wednesday , December 4 2024
Kai Sotto Wasserman

Kai Sotto pumirma sa bago niyang ahente na Wasserman

INIWAN na ni Kai Sotto ang dati niyang agent na si Joel Bell pagkaraang mabigo siyang ma-draft sa 2022 NBA Draft.   At ngayon nga ay gumagawa siya ng hakbang para mapabuti ang kayang basketball career.

Nung nakaraang Miyerkoles ay inanunsiyo ng 7-foot-3 na sentro na pumirma siya sa kilalang sports agency na Wasserman.  

Ang Wasserman na nakabase sa Los Angeles ay sumikat  dahil sa maganda nilang track rekord sa pag-aalaga sa mga atleta para mapaganda ang kanilang piniling career.   Ilan sa manlalaro na nanggaling sa kanila ay sina dating NBA Most Valuable Player awardees na sina Russell Westbrook at Derrick Rose, ang rookie ng Detroit Pistons na si Jalen Duren, at four-time champion Klay Thompson.

Ang Wasserman din ang nag-alaga sa mga high-profile na atleta tulad nina  Megan Rapinoe ng US women’s football team at Olympic Swimming champion Katie Ledecky.

In fairness kay Joel Bell, ang ahente ang siyang nagpursige para makalaro ang 20-year-old na si Sotto sa Adelaide 36ers ng  National Basketball League sa Australia.

About hataw tabloid

Check Also

Philip Adrian Sahagun Lora Micah Amoguis Swimming 2024 BIMP-EAGA Games

2024 BIMP-EAGA Games
Philippine team A humakot agad ng anim na ginto sa unang araw

PUERTO PRINCESA CITY – Humakot kaagad ng anim na gintong medalya and Team Philippines-A sa …

Richard Bachmann PSC BIMP-EAGA friendship games

Sports para sa pagkakaisa

SA KABILA ng maulang panahon, nagbigay ng makulay at masayang kapaligiran ang parada ng mga …

Batang Pinoy

Sa overall lead
Pasig City nanguna sa Batang Pinoy National Championships

CITY OF PUERTO PRINCESA – Humakot ng 35 gintong medalya ang Pasig City at naguna …

Chito Danilo Garma Chess 32nd FIDE World Senior Chess Championship

IM Garma, patuloy sa paglaban, nanatiling umaasa

Porto Santo Island, Portugal — Si Pinoy International Master (IM) Chito Danilo Garma ay nakapagtala …

ArenaPlus PBA FEAT

ArenaPlus co-presents PBA Esports Bakbakan Season 2

ArenaPlus, your 24/7 sports entertainment platform in the country, co-presents another season of the Philippine …