Anjo pinagalitan ng mga anak, aminadong maling-mali ginawa sa TVJ

Anjo Yllana TVJ Tito Sotto Vic Sotto Joey de Leon

NAHINGAN ng pahayag si Anjo Yllana tungkol sa utos ng korte na magbayad ng P3.5-M bilang danyos sa petition for permanent injunction na isinampa laban sa kanya ng TVJ Productions, Inc. dahil sa mga mapanirang pahayag niya laban sa Eat Bulaga! at sa mga host ng show.

Accepted ko naman ‘yung reaction. Nabigla lang ako sa babayaran ko.

“Alam mo, habang tumatagal, naiisip ko, ang taas pala ng value ko.

“Kasi kapag ikaw ay ano, hahatulan ng ganoon kalaking halaga, bini-base ‘yan sa kung ano ‘yung kakayahan mo.

“Eh kayang-kaya ko pala ito. Sabi ng korte.”

Seryosong sinabi naman ni Anjo na inapela na nila ang desisyon ni Presiding Judge Gloria Monica S. Lopez ng Branch 279 ng Regional Trial Court ng Mandaluyong City.

It is under appeal. And siyempre it will take time. Right now, nag-appeal ako sa court.

“So siguro mga ano ‘yun, baka dalawa o tatlong appeal pa ‘yun kapag ‘di makukuha sa isa.”

Inamin naman ni Anjo ang pagkakamali niya sa mga naging pahayag niya laban sa mga dating kasamahan sa Eat Bulaga!

Twice na I made a public apology. I said sorry.

“I am vocal na mahal ko sila hanggang ngayon.

“And I admitted I had mistakes. May mga mali akong nagawa, and sabi ko nga, pinagsisisihan ko naman ‘yun.

“The most important thing is, natuto ka roon sa pagkamali.

“Ang pinaka-wish ko lang naman ngayon hindi naman ‘yung guilty ako or hindi, may babayaran ako, malaki or hindi.

Mas wish ko ‘yung sana humupa na kung mayroon man sama ng loob at galit sila.”

Naganap ang panayam kay Anjo sa Maddox Jewelry Iconic Runway Fashion Show 2026 ng Maddox Jewelry owner na si Charo Cordial.

Natanong si Anjo kung ano ang mas iniinda niya, ang kaso laban sa kanya o ang nasirang friendship?

Well, ‘yung friendship kasi namin medyo dormant na for years.

“Kasi noong nag-resign ako sa show, medyo hindi ko na sila nakasama’t nakakausap.

“Mas masakit, para sa akin ha, mas masakit ‘yung na-realize ko na kapag mayroon ka palang mga taong pinakisamahan, minahal, eh ‘yung nararamdaman mo na may galit sila sa ‘yo.

“At ‘yun ang masakit sa akin. Hindi naman ‘yung guilty ka o may babayaran ka.”

Ang lesson learned ni Anjo?

Sabi ko nga, I learned from my mistakes. First time ko nagawa ito sa 41 years ko sa showbiz.

“Ang pinagsisisihan ko ‘yung bagay na natutunan ko. Sabi ko nga, you learn from your mistakes.

“’Pag hindi ka nag-learn sa mistakes mo, eh, wala kang natutunan. Eh, sarili ko lang ‘yun, eh.

“Mag-isa, mag-isa, kumbaga mag-isang laban ko ito. Ang kausap ko lang sarili ko.”

Nagkaroon ba sila ng pag-uusap sa labas ng korte?

Wala. Pero kasi sa akin kasi, parang hindi ko na kailangang mag-mediate pa kasi alam ko naman ‘yung fault ko, eh.

“So, bakit pa kukuha ng tao na mag-mediate? 

“Mayroon ngang fault eh, at I admit naman I made a mistake.

“Parang kasalanan ko na naging emotional din ako. Naglabas ako ng mga sama ng loob.

Pero ‘yun nga, dahil sabi ko nga first time lahat ito sa akin, eh, ang importante sa akin din ‘yung natutunan ko na, ‘Ay mali pala to.’

“At saka rin, eh, ‘yung mga anak ko rin, pinagalitan ako ng mga anak ko.”

Guest lamang si Anjo sa Maddox Jewelry Iconic Runway Fashion Show 2026  at ang mga celebrity na rumampa mismo sa fashion show ay sina Claudine Barretto, Ryza Cenon, Diego Loyzaga, AJ Raval, Aljur Abrenica, Kris Bernal, Edgar Allan Guzman, Polo Ravales, Sheree Bautista, Pancho Magno, Negi, Aubrey Miles, Troy Montero, Katrina Halili, Diana Zubiri, Katya Santos, James Blanco, Nadine Samonte, Daiana Menezes, Geneva Cruz, Giselle Sanchez, Nana Avery Cordial, Ara Mina, Beauty Gonzales, Maureen Larrazabal, DJ Durano

Ynez Veneracion, Regine Tolentino, Jeric Raval, Gary Estrada, Alma Concepcion, Pokwang, Amy Austria, Jackie Lou Blanco, Yayo Aguila, Gardo Versoza, Epy Quizon, Eric Quizon, at sina Roderick Paulate at Carmi Martin.