Angela ibinuking ‘physical touch’ na regalo ni Rabin

Rabin Angeles Angela Muji

RATED R
ni Rommel Gonzales

TODO ang kilig na reaksiyon ng kanilang fans nang i-reveal nina Rabin Angeles at Angela Muji kung ano na ang pinaka-espesyal na nairegalo nila sa bawat isa.

Unang nagkuwento si Rabin tungkol sa regalo sa kanya ni Angela.

Binilhan niya lang ako ng game.

“Palagi ko po kasing ikinukuwento sa kanya ‘yun. Sabi ko may hiniraman kami ng UFC5 game kaso kinuha na uli.

“Kinabukasan, binilhan niya ako ng UFC5. Ang bilis,” kuwento ng binata.

Marami naman ang nagulat sa isinagot ni Angela sa kung ano na ang nairegalo sa kanya ni Rabin.

Physical touch,” ang bulalas ng dalaga.

Wala ng nakapag-follow-up question sa isinagot ni Angela.

Ikinuwento rin ni Angela na komportableng-komportable na sila ni Rabin sa isa’t isa.

I can say that we are at this comfortable stage na isang tinginan pa lang namin, we can already communicate kung ano ‘yung gusto naming maiparating sa isa’t isa.

“And I can say it’s very healthful lalo na po onset kapag kailangan namin ng emotional at heavy scenes.

“Isang tinginan lang po namin, parehas na kaming nadadala sa eksena. I can say that we’ve come a long way lalo na po na makikita talaga natin na nag-i-struggle po kami sa mga heavy scene.”

Napapanood sina Rabin at Angela kasama si Zeke Polina sa Viva One series na Dating Alys Perez, sa direksiyon ni Crisanto B. Aquino.

Ito ay adaptation ng Wattpad novel ni Beeyotch.