



SA GINANAP na press conference sa Vikings Mall of Asia sa lungsod ng Pasay, nananawagan si dating House Speaker at dating Senador Alan Peter Cayetano sa mga presidential candidates na kung maaari ay huwag tumanggap ng campaign funds mula sa online sabong. Wala pa rin nakikita o naririnig na mga kandidato sa pagkapangulo ang nagpahayag na nais ipasara ang online sabong dahil sa social cost na epekto nito sa ating mga kababayan. Inilinaw ni Cayetano, hindi siya tutol sa sabong, casino at iba pang sugal ngunit tutol siya sa online na sugal na naka-aaddict at maaaring gawin kahit saan, 24 oras, lalo ng mga kabataan. (EJ DREW)