Tuesday , May 24 2022
Ping Lacson Tito Sotto

Walang atrasan, Lacson-Sotto tuloy hanggang Halalan 2022 – Ping

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija — Upang pabulaanan ang lumabas na video sa social media na aatras na silang dalawa sa pampunguluhan at pampangalawang panguluhang halalan, personal na inihayag ni Partido Reporma standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson na tuloy na tuloy ang kandidatura nilang dalawa ng tandem na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

               Mismong si Lacson ang nagsabi sa live interview na dinaluhan din ng mga lokal na mamamahayag sa himpilan ng DWJJ/CABTV sa lungsod na ito, walang katotohanan ang balitang aatras na silang dalawa ni Sotto sa laban.

               “Hihirit lang ako kasi may mga fake news na lumalabas, mapa-YouTube, mapa-Facebook, aatras raw kaming dalawa. Huwag kayong maniwala kasi aatras lang kami sa May 9, either papunta kami ng Malacañang o pauwi ng bahay,”  tugon ni Lacson bilang reaksiyon sa lumabas na fake news.

Bago ito, inilabas ng isang Showbiz Fanatics channel sa YouTube na anumang oras kahapon, Marso 22, ay aatras daw sa kanilang kandidatura sina Lacson at Sotto para bigyang-daan ang ibang magka-tandem sa presidential at vice presidential posts.

               Kaya naman agad naglabas ng mensahe ang tagapagsalita ni Lacson na si dating Congressman Ace Acedillo at tahasang tinukoy na ang naturang video ay kasinungalingan at ang YouTube channel na pinagmulan ng nasabing impormasyon ay nagpapakalat ng fake news.

“What the video claims is a total lie, and that vlog (Showbiz Fanatics) is peddling fake news with that so-called update,” ayon kay Acedillo.

“Ping Lacson is absolutely determined to finish the campaign, and hopefully, make it as President along with his running mate for VP (vice president), Tito Sotto,” banggit ng dating kongresista.

Ilang beses na rin napabalita kamakailan na uurong si Lacson sa laban kung kaya’t nauna nang nagbigay ng pahayag ang isa pang tagapagsalita ni Lacson na si dating Antipolo Congressman Romeo Acop para ito ay pabulaanan at kondenahin. (NIÑO ACLAN)

About hataw tabloid

Check Also

Senate Congress Comelec Election Certificates of Canvass

NBoC panel sa senado kompleto na

BUO na ang hanay ng mga senador para sa pitong-miyembrong panel ng bicameral National Board …

052422 Hataw Frontpage

Mainstream media binanatan
REMULLA, JUSTICE SECRETARY  NI MARCOS, JR.

ni ROSE NOVENARIO TINANGGAP ni Cavite 2nd District Rep. Boying Remulla ang alok ni presumptive …

dead gun police

Sa harap ng ama at tiyuhin
BINATILYO PINAGBABARIL, LEEG NILASLASAN PATAY

AGAD namatay ang isang binatilyo nang pagbabarilin ng anim na hindi kilalang suspek saka ginilitan …

P81-M shabu nasabat GEN DANAO NAGBABALA vs SINDIKATO NG DROGA

P81-M shabu nasabat,
GEN. DANAO NAGBABALA vs SINDIKATO NG DROGA

NAGTUNGO si PNP officer-in-charge (OIC) P/Lt. Gen. Vicente Danao, Jr., sa matagumpay na buy bust …

Carlito Galvez Jr

Galvez Covid-19 Positive

NAGPOSITIBO sa CoVid-19 si National Task Force Against Covid-19 chief Carlito Galvez, Jr., kahapon kaya’t …