Friday , May 27 2022
Oil Price Hike

Sa patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo
CONGW. RIDA ROBES NANAWAGAN SA DOTR, FUEL SUBSIDIES NG DRIVERS MADALIIN

SA PAGSISIKAP na mapagaan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng mga produktong petrolyo, nanawagan si San Jose del Monte City Rep. Florida “Rida” P. Robes sa pamunuan ng Department of Transportation and Railways (DoTR) at Land Transportaion Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na madaliin ang pamamahagi ng inilaang P5 bilyong pondong ayuda sa mga operators at tsuper ng pampublikong sasakyan.

Sa iniakdang Resolution 2515, sinabi ni Rep. Robes, ang pananakop ng Russia sa Ukraine nitong mga nagdaang linggo ang naging daan upang pumalo sa mahigit US$110 kada bariles ang presyo sa pandaigdigang pamilihan ng langis na krudo.

Dahilan upang magtaas ang mga lokal na kompanya ng langis sa bansa ng P3.60 kada litro ng gasolina, P5.85 sa krudo; P4.10 sa kerosene, at P3 kada kilo ng liquefied petroleum gas (LPG) noong nakaraang linggo.

Sa kabuuan, naglalaro sa halagang P59 hanggang P62 kada litro ang krudo, P68 hanggang P75 ang gasolina at P1,053 kada 11-kilo ng tangke ng LPG.

Habang isinusulat ang balitang ito, lumobo na sa mahigit $120 kada bariles ang langis na naging dahilan upang tumaas muli ang presyo ng krudo ng mahigit P13 kada litro at gasolina ng mahigit P7 kada litro sa lokal na pamilihan nito lamang araw ng Martes, (15 Marso 2022),

Sa ilalim ng 2022 General Appropriations Act (GAA), maglalaan ng hindi bababa sa P5 bilyong awtomatikong fuel subsidy ang pamahalaan sa oras na pumalo sa US$80 kada bariles ang presyo ng langis.

Sinabi niya, ang sobrang pagtaas ng halaga ng produktong petrolyo ay lalo pang makadaragdag sa bigat na pinapasan ng mga tsuper ng pampublikong sasakyan na hindi pa rin nakababawi sa epekto ng pandemyang dulot ng CoVid-19.

“The DoTR and the LTFRB are tasked to issue the fuel subsidies. However, it is taking it some time to release the assistance supposedly due to certain requirements needed from drivers,” ani Robes sa kanyang resolusyon.

Aniya, ang agresibong pagtaas ng presyo ng langis ay lumikha ng pambihirang sitwasyon sa ating mga tsuper kaya’t kailangan talaga ang agaran at mabilis na pagpapasiya ng mga sangay ng pamahalaan, partikular ang DOTr at LTFRB.

“The DOTr and LTFRB should be mindful of the exigency of the situation and proceed with dispatch the immediate release of the fuel subsidy in order to give reprieve to our public utility drivers who are still reeling from the economic effects of the Covid-19 pandemic,” pahayag ni Robes.

About hataw tabloid

Check Also

Gun Fire

Helper malubha sa pamamaril

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 21-anyos na helper matapos barilin ng isa sa …

arrest prison

Mangingisdang wanted, nalambat

HIMAS-REHAS ang isang mangingisda na wanted matapos masakote ng mga awtoridad sa isinagawang manhunt operation …

dead gun

2 retiradong parak nagduwelo 1 patay, binatilyo sugatan

Napatay ang isang retiradong pulis ng kanyang kapitbahay habang sugatan ang isang 15-anyos na binatilyo …

dead gun police

Sa Ilagan, Isabela
ASAWA NG HUKOM TINAMBANGAN NG RIDING-IN-TANDEM, PATAY

Binawian ng buhay ang asawa ng isang hukom ng Regional Trial Court sa bayan ng …

CoVid-19 vaccine

Huling COVID patient sa Bulacan nakauwi na

Matapos ang dalawang taon na paggamot at pag-aalaga sa mga pasyenteng may COVID-19, nakalabas na …