HIMAS REHAS ang dalawang matinik na mandurukot na kinilalang sina Valentin Tuli, 27 anyos ng Tenejeros St., Malabon; at Ritchie Martinez, 20 anyos ng Sampaloc, Maynila, makaraang masakote sa agarang follow-up operation ng nagpapatrolyang mga tauhan ni MPD PS3 commander P/Lt. Col. John Guiagui matapos makahingi ng saklolo ng isang 15-anyos estudyanteng biktima na naglalakad sa kahabaan ng C. M. Recto Ave., Evangelista St., nabanggit na lugar. Narekober ang mamahaling cellphone ng biktima at mahaharap sa kasong paglabag sa Theft (Pickpockets) in relation to RA7610 ang mga suspek na nakapiit sa MPD PS3 sa Sta. Cruz, Maynila.(BRIAN BILASANO)
