Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Good governance ni Win Gatchalian

KAKAIBA ang naging diskarte nitong si Valenzuela City Cong. Win Gatchalian noong ito ay alkalde pa lamang.

Grabe kasi ang ginawa nitong pagsusumikap para maiangat ang Valenzuela sa pedestal na kinalalagyan nito sa ngayon lalo na sa usaping ng maayos na pamamahala sa lokal na pamahalaan.

Sangkatutak na pagkilala ang tinanggap ng Valenzuela City mula sa pamahalaang nasyonal at iba’t ibang samahang sibiko at ilan sa kanila ay kinabibilangan ng Galing Pook Award mula sa Galing Pook Foundation, Good Housekeeping at Best Governed Highly Urbanized City mula sa DILG, Most Business Friendly LGU mula sa Philippine Chamber of Commerce and Industry at World Bank at Champion of Health Governance mula sa Kaya Natin Movement, DoH,Ateneo School of Governance at DILG.

Talaga namang hindi matatawaran ang ginawa ni Win Gatchalian sa mga Valenzuelano kaya naman napabilang ito sa Ten Outstanding Young Men (TOYM) noong 2011 sa larangan ng public service.

Kung sa ibang lugar ay problema ang school building ay hindi ito naging suliranin sa Valenzuela dahil halos 2000 silid -aralan ang naitayo ni Win Gatchalian at mula na rin sa suporta ng noo’y kinatawan ng unang distrito ng lungsod na ngayo’y Mayor Rex Gatchalian.

Sabi nga ng ibang nagmamasid sa kalakarang pangkaunlaran sa Valenzuela ay malayong-malayo na raw ang narating nito kung ikukumpara ito sa ibang siyudad sa Metro Manila .

Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang pagtutok ni Cong. Win sa Kongreso sa aspeto ng edukasyon at kabilang sa kanyang pinagpupursigihang palakasin ay ang ALS o Alternative Learning System at Technical Vocational Education.

Naniniwala kasi si Gatchalian na ang edukasyon ay susi para makabangon ang isang mahirap na pamilya at maging ang ating bansa.

Maging ang OWWA o Overseas Welfare Workers Administration charter ay gustong patibayin ng mambabatas na Gatchalian dahil sa dumaraming OFWs ng bansa at bilang sukli at pagtanaw na rin ng utang na loob sa mga bagong bayani ng estado.

Kulang na kulang ang ipinakikita ng pamahalaan na pagmamahal sa kanila kaya’t marapat lamang itong suklian ng gobyerno.

Malinaw na ang remittances ng ating mga OFWs ang bumubuhay sa usaping pananalapi at ekonomiya ng bansa kaya’t nananatiling buhay ang ating gobyerno.

Alvin Feliciano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alvin Feliciano

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …