NAGTALA ang Police Regional Office 3 (PRO3) ng mga makabuluhang tagumpay sa kampanya nito laban sa ilegal na droga nitong Linggo, 11 Enero.
Nadakip ang tatlong indibidwal na nakatala bilang mga high value target at nakakumpiska ang higit sa P1.3-milyong halaga ng hinihinalang shabu sa magkakahiwalay na operasyon sa Bulacan, Pampanga, at Nueva Ecija.
Pahayag ni P/BGen. Ponce Rogelio Peñones, Jr., regional director ng PRO3, ang mga operasyon ay nagtatampok sa patuloy at pinangungunahan ng intelligence-led na pamamaraan ng rehiyon laban sa ilegal na droga, na nagbibigay-diin sa disiplina, koordinasyon, at propesyonalismo sa pagpapatupad ng batas.
Dagdag pang pahayag ng opisyal, tinitiyak ng PRO3 sa publiko na ang mga operasyon nito laban sa ilegal na droga ay magpapatuloy.
Ito aniya pa ay sa isang patuloy, disiplinado, at legal na paraan, na naaayon sa PNP Focused Agenda ni acting chief PNP P/Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr., lalo na sa Enhanced Managing Police Operations. (Micka Bautista)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com